TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 30, 2012

Damuhan

" Ang mundo ay isang malawak na damuhan! "

Isandaang porsiyentong naniniwala ako sa pangungusap na ito.

Kapag narinig ko ang salitang damo , karaniwang kinakaakibat ng salitang ito ang kawalang kahalagahan , pagiging salot , kalungkutan   at kapangitan .

Nuong una , ang buong hinuha ko , ang mga damo lamang ay iyong mga munting halaman na makikita mo sa maraming sulok at parte ng mundo katulad ng sa mga gilid ng daan , mga bakanteng lote , mga kakahuyan at kagubatan , sa mga parke at liwasan at maging mismo na rin sa bahagi at loob ng isang bahay o gusali ay makikita mo sila .

Kung saan-saan sila nakakalat at naglipana.

Karaniwan din silang pinamamahayan at pinamumugaran ng ibat-ibang klase ng mga kulisap .

Madalas na hindi sila pinapansin.

At karaniwanag dinadaan-daanan lamang at pagkaminsa'y tinatapak-tapakan  .

Walang silbi . Walang halaga .

Para sa marami ay larawan sila ng kawalang - kahalagahan o importansya.

Subalit sa aking pagsasaliksik sa daigdig ng sala-salabat na kawad ng impormasyon , aking napag-alaman na isang malaking grupo pala ang mga damo .

At nagulat ako nang mapag-alaman kong hindi lang pala ang mga damong kilala ko ang damo na  nabubuhay dito sa mundo .

Ang sabi nila ay mayruong dalawang uri  ng damo : Ang Masamang Damo at Ang Mabuting Damo .

Ang mga masasamang damo ay ito daw yung karaniwang alam natin na damo - mga halamang nakakalat lamang sa  tabi-tabi at gilid-gilid ng lupa .

Hindi pinapansin at salot para sa marami .

At ang mabuting damo naman sa kabilang banda ay  ang mga damong hindi natin sukat akalain na damo nga pala .

Dahil nga kaakibat ng salitang damo ang kasamaan , lingid sa ating kaalaman at hindi natin napansin na ang araw-araw nating kasama sa buhay ay mga damo pala .

Kaya nakakagulat malaman na may mga mabubuti palang damo !

Ano ano ang mga iyon ?

Puwes , ipagpatuloy mo ang pagbabasa.

Kung isa kang Asyano , lalo na't ikaw ay isang Pilipino , araw- araw mo siyang kasama at ipinapasok sa iyong sistema . Ni hindi ka nga mabubuhay nang wala ito para sa iyo.

Walang iba kundi ang palay na pinanggagalingan ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Matuk mo yun!

Ang palay pala ay isang uri ng totoong damo !

At hindi lang iyan ha .

Baka magulat ka kapag sinabi ko pa sa iyo ang iba pang uri ng mga "mabubuting damo" na lagi mong nakakapiling .

Mahilig ka ba sa matamis ?

Puwes , pasalamat ka sa damong Sugarcane o Tubo dahil diyan nanggagaling ang asukal na ginagamit mo bilang pampatamis sa mga lutuin at pagkain na nginangata mo sa araw-araw .

Just imagine life without sugar ! Anong pait ,  asim at anghang ng buhay natin kung wala ito.

Hindi ko yata kayang mabuhay nang walang katamisanan na dulot ng asukal .

Kaya pasalamat ka sa damong Tubo .

Ayoko namang gumamit ng magic sugar dahil nakakasira ng katawan . Madali ka pang magkaka-kanser sa bituka.

At isa pa , mahilig ka bang kumain ng karneng manok ?

Ng karneng baka ?

O ng karneng kambing kaya o tupa ?

Eh ng karneng kalabaw?

Pasensya na , pero hindi damo ang mga hayop na iyan noh !

Pero pasalamat ka sapagkat  kaya ka nakakakain ng mga masasarap na putahe mula sa mga alagaing hayop na iyan ay dahil sa damo !

Eh mga damo lang naman kasi ang kinakain ng mga hayop na iyan in case hindi mo pa alam.

Ang totoo , kung walang damo ay walang masarap na beef steak , ribs , papaitan , tapa , at hamburger na paborito mo mula sa Jollibee .

Kaya pasalamat ka sa damo !

Ang mga cereal true grass gaya ng wheat , barley , sorghum , millet at rye ay paboritong pagkain ng mga poultry animals tulad ng mga manok at ibon.

Samantalang ang mais o corn ay hindi lamang paborito ng mga manok kundi maging ng mga tao lalo na kapag Japanese Sweet Corn na maramihang ibinebenta  sa kalsada ng Katipunan sa Quezon City.

Ang oats naman ay isa na ring nagiging paboritong breakfast cereals ng mga tao dahil sa sustansyang dulot nito sa katawan .

Samantala , ang paboritong pagkain naman ng mga farm animals gaya ng baka , kambing , kalabaw at tupa ay ang mga tinatawag na " masamang damo" na marami sa kaparangan .

Ngayon , kung hindi ka pa rin nakukumbinsi na mayruong mabuting damo , magbasa ka pa.

Akala mo ba , maliliit lang ang mga damo na kaya mong tapak-tapakan at bunot-bunutin kapag ginusto mo?

Diyan ka nagkakamali , dahil ang higante at pagkataas-taas na puno ng kawayan ay isang uri pa rin po ng damo !

Tama , hindi ka nagkakamali ng pagbabasa - ang kawayan ay isang uri ng damo .

Tumaas nga lamang siya at tumayog na halos abutin ang langit  at kung pagbabasehan ang pisikal niyang kaanyuan at komposisyon ay itinuturing siyang damo ng ating mga siyentipiko.

Kilala sa pagiging mapagpakumbaba ang kawayan , na kahit gaano katayog at kataas ay nananatiling mapagpakumbaba dahil laging nakayuko sa lupang kaniyang pinagmulan .

At hindi matatawaran ang silbi nito sa tao , magmula sa ugat na ginagawang pagkaing labong na masarap lahukan ng isdang piniritong galunggong , hanggang sa mga siit na sanga  nito na ginagawang kasangkapan at gamit sa ating kabahayan gaya ng papag at aparador.

In fact puwede kang makapagpatayo ng bahay , gamit lamang ang katawan ng isang punong kawayan!

Siguro naman ngayon ay kumbinsido ka nang  may mga mabubuting damo.

Sa kabilang banda , mayruon nga bang masasabing  tutoong masamang damo ?

Paanong magiging masama ang isang bagay kung ito ay may pakinabang para sa ibang nilalang ?

Katulad nga ng mga damo sa kaparangan na walang silbi para sa ating mga tao , ngunit masarap at malasang putahe para sa  mga hayop which in turn ay atin namang kinakain ?

Maaaring para sa atin ay mga walang halagang damo lamang sila , subalit para sa mga hayop na ngumangatngat nito , ito ang kanilang buhay at sustansya!

Pero bakit natin sila tinawag  na masamang damo ?

Dahil ba sila ay madaling dumami ?

Kung saan saan tumutubo ?

Pangit tignan ?

Pero huwag ka dahil ang mga damong Carabao Grass at Bermuda Grass  ay pampalamuti at pampaganda ng ating mga hardin at halamanan katulad sa mga parke kung saan masarap magpalipad ng saranggola.

Dahil ba sa hindi sila madaling patayin ?

Kaya nga sabi nila ang masamang damo daw ay matagal mamatay.

But I beg to disagree , dahil iyong kapitbahay naming " masamang damo " na isang pusakal na magnanakaw  sa aming lugar ay ibinuburol na ngayon sa aming lugar -  sa murang edad na beynte uno .

O dibah !

Ang totoo , tao lamang ang nagbabansag kung ano ang " masama " at kung ano ang " mabuti "

Sapagkat ang lahat ay pantay pantay sa paningin ng Poong Maykapal !

Dahil maaaring ang tinatawag mong mabuting damo ay may kasamaan din namang tinataglay !

Ang punong kawayan , hindi ba't ito ang paboritong tirahan ng mga maligno , aswang at engkanto ? Maraming panitikan ang nagkuwento na pinamamahayan daw ito ng sari-saring mga taong - lupa gaya ng mga duwende.

Bukod dito ay matitinik ka pa sa siit ng kadawagan nito .

Ang tubo naman  na nagbibigay ng matamis na asukal ay huwag mong sosobrahan dahil tiyak na Diabetes ang ibibigay na sakit sa iyo.

Samantalang  ang mga palay ay paborito namang tirahan ng mga pesteng hayop na Dahong Palay at Golden Kuhol .

Huwag ring panay-panayin ang pagkain ng kanin dahil tiyak na obesity ang makukuha mo .

Sapat pa bang sabihin na pahirapan  ang pagtatanim , pag-aani hanggang sa pagluluto ng butil ng palay bago maging bigas at kanin ?

Ang sabi nga ng kanta " Magtanim Ay Di Biro "

Huwag lang sanang mangyari na " Ako ang nagbayo at nagsaing , pero iba ang kumain " dahil siguradong mag-aalburuto ako .

Samantala ang sinasabi namang mga " masasamang damo " sa kaparangan ay tila ba may kabutihan din namang tinataglay .

Bukod kasi sa pangunahing pagkain sila ng mga hayop na paborito nating kainin , ang marami sa kanila ay nagpapanatili ng balanse at kaayusan para sa maayos na sirkulasyon ng hangin dito sa sangkalupaan .

At ang mga tuyong dahon ng talahib at kugon ay puwedeng isalansan upang gawing bubong o atip ng ating mga tahanan.

Ang mga tuyong dayami naman ay mainam ding gawing tirahan ng mga alaga nating hayop sa kabukiran.

In short , hindi pa rin naman sila lubusang masama .

Eh bakit mayruon pang mabuti  at masama ?

Ah ewan.

Ang tao lang naman kasi  ang nagbabansag kung ano ang mabuti at  masama .

Dahil ang mga tao ang matatalino at marurunong!

Kaya't karaniwang sila ang nagtatakda kung saan ka dapat ibilang .

Tunay na napakahalaga ng damo sa ating daigdig.

Sa kahalagahan nga nito dapat ay maglunsad o magtatag na rin ng isang Kagawaran Ng Damo ang ating gobyerno !

At ang kagawarang ito ang siyang mangangasiwa sa pangangalaga , pagpaparami , o pagpuksa kaya sa mga tinaguriang " masama " at " mabuting " damo .

At dapat ay magtayo rin ang ating gobyerno ng isang buong silid-aklatan na kung saan ang mga librong mababasa ay panay tungkol lamang sa mga damo .

Tila nga ba ang mga damo ang bagong bayani sa mundo ng mga halaman huh .

Subalit huwag nating kalimutang talakayin ang isang uri ng damo na tunay namang sumisira ng ating pagkatao.

Walang iba kundi ang " mahiwagang damo "  .

Pero , in fairness , may silbi naman daw sa larangan ng medisina at paggagamot ang " mahiwagang damo " na ito.

Iyon nga lang kasi , tao lang ang lumikha  upang abusuhin ang " mahiwagang damong " ito!

Ang totoo  , walang ginawa ang Diyos na masama !

Lahat ay pawang kabutihan !

Ang katotohanan , hindi si Lucifer ang pasimuno ng Kasamaan.

Walang iba kundi ang tao rin mismo ang imbentor nito .

Ngayon , naniniwala ka na ba sa mga katagang sinabi ko sa umpisa pa lamang  ng akdang ito na :

" Ang mundo ay isang malawak na damuhan ! "



Ito ay lahok para sa Bagsik Ng Panitik  pakontes ng Damuhan

 

 

Sunday, April 29, 2012

Magnum



At ako rin ang nakiuso ha ha .

50.00 na halaga para sa isang stick na may engraved design .

Ikaw na ang magaling sa marketing.

Sa susunod bibili na lang ako ng pinipig crunch na inilalako ni manong he he he.

Saturday, April 28, 2012

Binatog

Laging may dumadaan sa kalye namin na sumisigaw ng " binatoggggg " .

Sinutsutan ito minsan ni Father dear ko at tinawag . Bumili siya ng isang order .

At dahil tempting ang look ng nasabing pagkain , sinubukan ko ring makisubo.

Aba,. masarap pala .

Kakaiba kasi ang lasa at timpla kaysa sa karaniwang ibinebenta at inilalakong mga binatog.

Ito yung luto ng mais na may halong sapal ng niyog at kung anu-ano pang masarap na rekado .

Masarap itong pang meryenda o almusal.

Aminado  akong dati ay hindi ako kumakain ng binatog .

At ngayon ko nga lamang ito nagustuhan , pramis.

Nuong bata ako ay never akong kumain nito dahil hindi ko nagustuhan ang lasa nang una ako nitong makatikim .

Pero ngayon , aba ,  masarap pala kaya suki na ako ng nasabing tindero ng binatog.

May mga ganun kasing pagkain na sa una ay hindi mo kinakain dahil hindi mo type ang lasa . Lalo na pag sa una mong tikim ay waley na agad ang impression mo.

Pero mayruong ibang klaseng luto pala na maa-appreciate mo kapag iba na ang nag-serve .

Like for example ay sa bopis na dati rin ay hindi ko kinakain . Dahil sa nadala ako sa kinain ko  nuong unang tikim ko nito sa isang handaan  na masama ang luto at lasa.

Subalit nang makatikim ako ng luto nito sa isa ring handaan na masarap ang pagkakaluto ay naging panatiko na ako nito.

Ang kamatis nuong bata ako ay never akong lumalantak.

Subalit nang minsang makakain ako nito kasabay ng isang pirasong daing lately lang sa aking buhay ay naging adik naman ako na kahit juice nito ay iniinom ko na rin.

At ito ngang binatog na nuon ay ayaw na ayaw ko , subalit ngayon ay isa na sa mga favorite ko .

Minsa ay nababago din ang panlasa natin habang tayo ay tumatanda at lumalaon.

May dating hindi tayo kinakain subalit ngayon ay naa-appreciate mo na ang lasa .

Meron din naman na dati ay sarap na sarap kang papakin , pero ngayon ay tila pinagsasawaan mo nang lasapin.

Davah ??!!

Kayo , gusto ninyo ng binatog ?

Friday, April 27, 2012

The Shoebox

 Another cute story that I would like to share with you my dear readers :
 THE SHOEBOX

A man and woman had been married for more than 60 years.  They had shared everything. They had talked about everything.
They had kept no secrets from each other except that the little
old woman had a shoe box in the top of her closet that she had
cautioned her husband never to open or ask her about. For all of these years, he had never thought about the box, but one day the little old woman got very sick and the doctor said she would not recover. In trying to sort out their affairs, the little old man took down the shoe box and took it to his wife's bedside. She agreed that it was time that he should know what was in the box. When he opened it, he found two crocheted dolls and a stack of money totalling $95,000. He asked her about the contents. 'When we were to be married,' she said, ' my grandmother told me the secret of a happy marriage was to never argue. She told me that
if I ever got angry with you, I should just keep quiet and crochet a doll.' The little old man was so moved; he had to fight back tears. Only two precious dolls were in the box. She had only been angry with him two times in all those years of living and loving. He almost burst with happiness. 'Honey,' he said, 'that explains the doll, but what about all of this money? Where did it come from?' 'Oh,' she said, 'that's the money I have made from selling the dolls.You know , I have made lots of money with it '

Wednesday, April 25, 2012

Summer Wear 2012

Bet n'yo bang magsuot nito ngayong Summer 2012 ?

Hala at ating irampa sa kalsada ang nakakakiliti at nakakatulo-laway na summer outfit na ito okie ?

Tuesday, April 24, 2012

Monday, April 23, 2012

Woman In Black

Ito naman ang bagong pelikula ng dating teen heartthrob na si Daniel Radcliffe na gumanap bilang cute na cute na bagets na si Harry Potter sa lahat ng film versions ng libro nito .

Ito ang unang pelikula ni Daniel independent sa Harry Potter series niya at kung saan ay matured na ang kaniyang itsura at anyo. Dito ay mamang mama na ang itsura ng ating bida. Our boy had indeed become a fully grown man.

Bagamat hindi ito ang kaniyang unang mature role dahil una na siyang nagpaka-mature at daring sa stage play na Equus nuong 2007 bilang si Alan Strang kung saan siya ay nag-burles in front of the people sa harap ng stage .

Dito sa pelikulang ito ay hindi na cute ang ating bidang bagets formerly known as Harry Potter kundi isa nang pamilyado at propesyunal na abogadong si Arthur Kipps  na minumulto ng kaniyang nakaraan at pinagsusumikapan na buhayin nang maayos ang kaniyang nag-iisang anak na si Joseph Kipps.

Pasable ang mga takutang eksena na todo namang nakakapangilabot . Hinding hindi mo ito panonoorin ng mag-isa ka lang , pramis!

Kaaliw din ang twist ending ng pelikula . ( Hindi ko sasabihin para surprise he he )

Simple storytelling of an old horror tale with a twist , ikanga.

At bagamat hindi na cute ang bidang si Daniel Radcliffe dito ay still equally delicious and papable pa rin naman siya bilang isang matured and hunky actor .

I would like to expect more of Daniel's flesh  in the future .

; )  that's a wink for you .

Sunday, April 22, 2012

Funny Names Of Places In The Philippines

I've just read this article as one of a blogspost from the site of  Usiserang Pinay.

It tickles my funnybone and makes me wanna share it with you my dear readers :

1. In Laguna 2 towns next to each other, Anos and Bayog. So when asked where Bayog is:
     “Paglagpas mo sa Anos, makikita mo na ang Bayog.”
2. In Malate: Barangay Kabantutan.
3. In Cebu, a town called Baklayon.
4. In Pandi, Bulacan: Barangay Masuso.
5. A town in Tarlac is called Dara Bulbul.
6. In Bocaue: Right after Pogi Street, you’ll find Kalye Buntisan.
7. In Batangas, you’ll find “Mababang Paaralan ng Mataas na Kahoy”.
8. In Infanta: Barangay Katamblingan.
9. In Palauig, Zambales: Barangay ti ti -on
10. Bisa, Sorsogon: Barangay Ticol.
11. Sexmoan, Pampanga.
12. There’s a barangay in Batangas called: Barangay Walang Balahibo Ibaba.
13. In Barangay Inuman in Antipolo, you’ll also find Inuman Elementary School.
14. In SM Fairview, there’s a jeepney going to Bigte. So the barker goes:
       “Sinong magbi-Bigte diyan, sakay na!”
15. In Imus, Cavite, Barangay Buhay na Tubig is right beside Barangay Matinding Araw.
16. In Guagua, you’ll find Barangay Bading.
17. Barangay Kaybagal, in Tagaytay.
18. Lasingan Town, in Quirino.
19. In Tarlac: Barangay Mapuke.
20. In San Narciso, Quezon: Sapang Matae (people call it SM for short).
21. In Lucban, Quezon: Barrio Latiti.
22. In Palawan : Barangay Tinitian.
23. In Nueva Ecija: Barangay Maestrangkikay.
24. In Camiguin, Barangay Ma-ipis is next to Barangay Bangag.
25. In Sorsogon, there’s a town called Gubat. So when asked, “Taga saan ka?” They answer: “Taga-Gubat.”
26. In Antipolo, there’s no water in Sitio Tubigan, so people make igib in the adjacent barangays.
27. In Batangas: Barrio Makeke.
28. Sisters of Mary Convent, Brgy. Pulong Diablo, Antipolo Rizal.
29. We live in Sitio Supot, next to Sitio Matae.
30. In Bataan: Barangay Ba-yag Kabayo.
31. In Calamba: Barangay Tulo.
32. In Imus, Cavite: Barrio Tansang Luma.
33. In our hometown in Albay, “Mababang Paaralan ng Mataas”.
34. Pasong Kabayo is right next to Pulong Ebak.
35. In Aurora: Barangay Pulong Puke.
36. In Leyte: Barangay Kapukian and Barangay Cantutang.
37. In Lucena: Barangay Tampalpuke.
38. A barangay in Bacacay, Albay is named HINDI. So,signages read: 
“Hindi Elementary School”, “Hindi Barangay Hall”, “Hindi Health Center”, etc. So confusing!!

Oh di ba naman , onli in da Pilipins lang 'yan he he.
 
If may maidadagdag pa kayo , just comment here .  : )

Saturday, April 21, 2012

My 10 Universal Truths

Here are my  Top 10 Universal Truths:

1.) Love your own family more than anyone and anything else in this world. Because in the end , no  one will be there when you needed them the most . Not your relatives , your neighbors , your bestest of friends and even your lovers wont be around when you need them.

2.) Only God and dog can love you unconditionally !

3.) The easiest way to a man's heart is not through his stomach , but through his aorta which pumps blood down in between his legs .

4.) With lying comes great responsibility . If your not ready to face its consequence , don't utter even a single lie. Because if you do , you 'll damn the day you begin to speak those lies .

5.) Illness and diseases always makes one humble . Even the proudest man on Earth will bow on his knees when a disease strikes him.

6.) Truth doesn't always set you free. Sometimes , it also binds us with the tie of man's law .

7.) Don't believe everything your religious teacher is preaching on you .Sometimes , it is not the will of God that he is trying to inculcate in you . Most oftentimes , it is his .

8.) God had not only created a man and a woman . He also created those that comes in between. In fact , He created all that your senses can comprehend  in the whole universe.

9.) When something catastrophic or devastating happens in your life , it is not an act of God . Neither it is the act of Satan or the demons . It is actually man's folly that brings this thing to happen.

10.) People will tell you things even they themselves don't believe in . The truth is that , they have doubts if what they're saying are the truth !

Friday, April 20, 2012

SM and the Baguio pine trees


Imbyerna na ako dito sa SM Baguio huh dahil itinuloy pa rin ang pagputol ng mga pine trees sa Summer Capital of the Philippines para lamang mapalakihan pa ang kanilang higante na ngang mall , hmmmpppp!



Parang mga bingi lang na hindi marunong  makinig sa boses ng mga mamamayan  at gayundin ng mga apektadong .... puno !

Mr. Henry Sy , sana lang ay hindi ninyo pagbayaran kay Inang Kalikasan later on ang ginawa ninyong kamalasaduhang ito  sa mga kawawang puno.

Laging tandaan ang " rule of boomerang " . Babalik din sa inyo ang anumang ginawa ninyo sa inyong kapaligiran!

And because  time and again , tototo ang kasabihang " lintik  lang ang walang ganti "


Thursday, April 19, 2012

Daniel Padilla

Meron akong bagong apple of the eye :

Presenting Daniel Padilla !



Bet na bet ko talaga ang batang itechi.

Naaalala ko ang batang  Robin Padilla nuong nagsisimula pa lamang ito sa mundo ng showbizness.

Ang ganda pala ng resulta kapag pinagsama ang mga features ng isang Karla Estrada at Rommel Padilla .

At ang swerte naman ni Kathryn Bernardo he he .

Lalaking-lalaki ang dating at porma ng batang ito.

Kuhang kuha niya ang mga mannerisms at styles ng Padilla clan .

Huwag lang magagaya kay Tita Bebe huh !

Magagalit si Tito Robin niyan he he !

Jhake Vargas is out .

Daniel Padilla is in !

And he is definitely Growing Up more handsomely.

Check out his pictures :








Wednesday, April 18, 2012

KONY 2012

Naging viral hit sa Youtube ang short film na KONY 2012 nito lang Marso ng taong ito .

Halos lumagpas na sa 90 million ang kabuuang hits nito as of this month of April.

Ang sabi nga ay ito daw ang pinakamabilis na kumalat na  video na sa loob lamang ng isang buwan ay pumalo na sa milyon ang nag-view.

Kaya naman siyemps naging curious as a cat din ang lolah n'yo.

Kaya kahit na medyo may pagkahaba baba doo ang pelikula ( kulang-kulang kalahating oras ) ay aking pinagtiyagaan pa ring panuorin.

Tungkol pala ito sa isang grupo sa bansang Uganda na kung tawagin ay LRA o Lord Resistance Army na pinamumunuan ng isang nagngangalang Joseph Kony .

Diumano , at least ayon sa pelikula , ay nagre-recruit ng mga bata ang nasabing lider ng grupo at ginagawa silang mga combatant o  sundalo upang gawing panlaban sa giyerang may kaugnayan sa kanilang mga prinsipyong ipinaglalaban .

Diumano ay marami na ang namamatay sa mga batang ito na kanilang binibihag, sinasanay , ginagamit at pinipilit na sumali sa armadong pakikipaglaban para sa kanilang makasariling layunin.

Ang layunin ng maiksing pelikulang ito ay upang ipabatid sa buong mundo ang kamalasaduhang ginagawa ni Joseph Kony laban  sa mga batang nasa Africa partikular sa Uganda.

Public awareness ikanga to create  sympathy and support para sa nasabing kawawang mga bata.

At sa gayunding paraan ay hinihikayat ng nasabing pelikula ang gobyerno ng Amerika na makialam sa suliraning ito na nagaganap sa kontinente ng Africa .

At hindi naman nabigo ang mga nasa likod ng pelikulang ito dahil naka-create nga ng malakihang public awareness ang nasabing pelikula dahil halos lahat na yata  ng tao ay napanuod na ito sa internet . At sinuportahan na rin  ng mga sikat at kilalang personalidad katulad nila Rihanna , Nicki Minaj  , Taylor Swift , Bill Gates , Kim Kardashian at marami pang iba .

Ang sinasabing nagpasimula at nag-dokumento ng nasabing pelikula ay si Jason Russell na lider naman ng grupong Invisible Children Incorporation  , isang evangelical Christian group na base sa Amerika .

Ito diumano ang mission ni Jason Russell. Ang sagipin ang mga bata sa Africa mula sa armadong pakikibaka.

Subalit kamakailan din lamang ay nabalot sa kontrobersya at kahihiyan  ang pagkatao nitong si Jason Russell dahil sa isang insidente ng public scandal.

Nito lamang buwan ng Marso ay hinuli at ikinulong itong si Jason Russell dahil sa public scandal na ginawa sa kanilang lugar : ang diumano ay pagma-masturbate in public view at gayundin ang paglalasing .

Kaya naman binatikos at nilalait naman ngayon ang nasabing filmmaker dahil sa nasabing negative actuations nito sa gitna pa naman ng isang kontrobersyal na misyon.

Oh well , paano mo ngayon mapapaniwala sa iyong cause ang mga nakapanuod ng nasabing video kung ganiyang ikaw mismong gumawa nito ay tila ba hindi pantay ang utak sa tuktok ng ulo.

Ang sabi nga ay walk your talk !

Paano mo ngayon mahihikayat ang samabayanan na suportahan ang iyong adhikain kung ganiyan kanegatibo ang mababalitaan tungkol sa iyo.

Hmmmm. At ang latest na  tsika pa ay hindi naman daw tutoong misyon ni Jason Russell na tulungan ang mga kawawang batang ito sa Uganda at Africa kundi ang nais lamang daw niya ay sumikat at makilala  sa pamamagitan ng media mileage na makukuha sa pagpapalabas ng ganitong uri ng viral video na ito .

Dahil malakas nga namang humatak ng simpatiya at suporta ang mga ganitong uri ng palabas na tungkol sa mga hindi makataong gawain lalo na at laban sa mga bata.

Ang katotohanan daw ay matagal na umanong nahinto ang ganitong gawain ni Joseph Kony sa Africa at sa katunayan ay nagtatago na lamang ito sa mga liblib na lugar sa bansang Uganda .

Hmmmm , which is which ba talaga kuya ?

Puro na lang ba  talaga scam ang umiikot sa mundo ?

At any rate , kung hindi mo pa napapanuod ang nasabing video dahil kung saan saang planeta ka pa naglalamyerda , heto ang video at  panuorin mo dito :

Tuesday, April 17, 2012

“PLDT myDSL & Nuffnang brings you The Avengers!”

Ang cute naman pala nitong si Derek S. Lorenzo na siyang gumanap sa isang commercial ng PLDT myDSL tungkol sa isang bata na nag-upload ng video niya sa Youtube tungkol sa isang crush niyang girlalu he nicknamed Anna Banana . At para ipakita ang suporta  ni Mother dear sa kaniyang junakis  ay klinik ng klinik ni Mother ang uploaded video nito para dumami ang hits without the knowledge ng bata na siya lang ang nagpadami ng hits nito .

Kaya naman nang malaman ng batang marami na ang nag-klik sa kaniyang in-upload na video ay tuwang-tuwa ito na ibinida sa kaniyang mga kaibigan not knowing na ang lahat ng clicked hits niyon ay mula sa kaniyang mapagmahal na ina .

Cute ang paglalarawan ng suporta ng mother sa kaniyang anak .

That she will do anything to make her son happy

Hitsurang magmukhang ewan sa kakapaulit-ulit ng panunood ng video nito si Mother dearest.

But then , cute pa rin ang batang si Derek S. Lorenzo and that is the bottomline he he he .

At viral na ang theme song na Anna Banana  sa maraming mga cellphones huh.

At anyrate , here are the PLDT myDSL commercial and the original uploaded video of Anna Banana by Derek S. Lorenzo and his thank you video :







And here are some updates about PLDT myDSL :

1. PLDT myDSL Plan 1299 is now upgraded to 1Mb from the previous 768Kb.
2. For subscribers of Plan 990, upgrade your subscription to Plan 1299 by simply adding P300 to your monthly bill.
3. For more information, go to www.pldtmydsl.com.

 

Monday, April 16, 2012

supot ...

Ikanga ng headline ng isang tabloid

Rocket ng North Korea : Supot !

Oo nga naman , sa dinami-dami at tinagal-tagal ng media publicity ng  nasabing Unha-3 rocket ng NoKor na ini-launch sa space nitong Biyernes ng astig na komunistang bansang ito at  pagkatapos ay puputok , sasabog at magkakapira-piraso sa ere na parang supot.

Parang paputok lang kapag Bagong Taon dito sa 'Pinas - na akala mo eh ang lakas - lakas at nakakabingi ang big bang boom , yun pala ay isang mahinang .....pffftttt !

Parang umutot lang he he he.

Kuntodo alerto pa naman ang Pilipinas dahil baka nga naman daw mabagsakan tayo ng debris ng rocket na etu kapag sumabog na . 'Yun pala ay wala namang babagsak sa atin dahil sa ere pa lang ay naging abo na he he he.

Iyon nga lang , nagkaruon ng ashfall sa ating himpapawid ha ha ha.

Hindi bale na , uso naman iyan ngayong summer eh .

Mga supot na nagpapatuli he he he .

Sunday, April 15, 2012

God ... dog

My FB status :


Ang aso lang ang tanging nilalang sa buong mundo na magmamahal sa iyo ng tapat at totoo kahit na hindi mo sila mahalin in return ... this is the highest form of LOVE ... Loving without any conditions ..like God's love to us ... mahal Niya pa rin tayo , maging sino at ano ka man ... did you ever wonder na kapag binaligtad mo ang God ay dog ? dahil parehong nagmamahal ang aso at Diyos nang walang anumang kapalit : )
· ·

Saturday, April 14, 2012

6 Steps To Become Brave

I would like to share this message from Jollibee Workshop .  


Have a read:


Your Six (6) Steps To Become Brave
 
1) Practice makes perfect: Take a deep breath and do what you want to do the minute you think of it... No matter how insecure you think you'll look, do this five times daily for 3 days.   
2) Don't think- act. If you think too long, you will not act on your thoughts. Just do it. 
3) Put on your jogging shoes. Jog like a fool around your area with a big grin plastered on your face, your favorite music in your ears and a belief in your ability to confront a lot of situations in life. 
4) Start feeling comfortable doing new things - like talking to a "cool" person.You're cool too.
5) Try persistence out for size: Do something by hook or by crook continually for a set amount of days/weeks.
6) Honest conviction leads to being brave in any situation. Determination towards something leads to be being brave.

Being brave is all about moving out of your comfort zone and challenging yourself and doing things or saying things that you are just not used to!

Friday, April 13, 2012

Extremely Loud And Incredibly Close

Muli akong napaluha ng isa pang pelikula na nominado din sa kategoryang Best Picture sa katatapos na 84th Academy Awards last February sa Amerika.

Ito ay ang Extremely Loud And Incredibly Close nina Tom Hanks and Sandra Bullock and directed by Stephen Daldry. Ito ay hango mula sa aklat ni Jonathan Safran Foer na may parehong pamagat at lumabas nuong 2005.

Central theme ng pelikulan ay ang istorya kung paanong naapektuhan ang mag-ina sa nangyaring trahedya ng 911 World Trade Center terrorist attack sa New York nuong September 11, 2001 kung saan isa sa namatay ay ang kanilang padre de pamilya.

Dahil sa natagpuang susi ng batang si Oskar Schell ( Thomas Horn ) sa loob ng isang blue vase , nagsimulang hanapin ng batang ito ang kaparis na kandado ng susing ito na maaaring sumagot sa ilang mga katanungan niya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang minamahal na amang si Thomas Schell ( Tom Hanks ).

At nakasalamuha niya ang ibat-ibang klase ng mga tao na may apelyidong Black ( dahil ito ang pangalang nakalagay sa envelope na kinapapalooban ng susi  ) na buong tiyaga niyang hinanap sa ibat ibang lupalop ng bansa.

Another endearing performance here for Sandra Bullock bilang mapagmahal na ina at asawang si Linda Schell  na sayang nga lamang at hindi pinalad na mapansin sa katatapos lamang na 84th Oscar Awards.

Magaling din ang batang gumanap sa papel ni Oskar Schell na si Thomas Horn lalo na sa mga madadramang tagpo kaya naman hindi kataka-takang manalo ito ng Best Actor trophy sa ibang mga award-giving bodies . Ito ang kaniyang debut movie sa Hollywood.

All in all , here is another gem of a movie that is worth watching for .

Watch this in your DVD.

Thursday, April 12, 2012

Kamatis


Hindi ko gusto ang bungang ito nuong ako ay bulinggit pa lamang .

Yucky kadiri ang trato ko sa bungang ito dahil sa kaniyang makatas at madulas na hitsura at anyo.

Pero hindi ko na rin matandaan kung kailan ko naman  ito na-like like like na parang Facebook lang.

Siguro nung time na mawili na akong kumain ng  tinapa , daing , itlog na maalat at danggit ay duon ko na rin natutunang mahalin ang prutas na ito.

Simula nuon ay hindi lang like kundi love love love ko na ang prutas na ito na hindi puwedeng mawala sa hapag-kainan lalo na at kasalo ang mga tuyo , inihaw , pinirito at tinapang mga uri ng pagkain.

Masarap din na pangsahog sa mga lutong ulam.

At kahit hilaw ay paborito ko na ring papakin at lamasin sa loob ng aking balun-balunan.

Ang sabi nila ay prutas daw ang kamatis . Botanically speaking , it is .

But in culinary language , mas mainam na tawagin itong gulay o vegetables.

So technically , ang kamatis ay puwedeng gulay at puwede ring prutas depende sa paggagamitan mo.

At dahil nga sa pagiging popular ng prutas/gulay na ito ay gumawa pa ng sariling selebrasyon para dito ang mga Espanyol . At ito ay ang Tomatina Festival na ginaganap sa Valencia , Spain tuwing huling Miyerkules ng Agosto .

Simpleng batuhan , warakan at pisakan lang naman ng kilo-kilo at drum-drum na mga kamatis sa nasabing pagdiriwang . Kaya kung ayaw mong malubog sa baha ng juice ng kamatis ay huwag ka nang aattend sa selebrasyong ito huh.


Aba huwag ismolin dahil bigatin din sa sustansya ang kamatis dahil sa Lycopene nitong taglay na diyatat pang-depensa ng ating katawan laban sa mga bad na cancer cells .

Kaya go go go tomato na tayo .

Hmmmmmppp , bakit naman ginawang kontrabida lang nitong pelikulang  " Attack Of  The Killer Tomatoes " nuong 1978 ang mga love kong kamatis kaya nagre-rebelde sila.

Eh kung batuhin ko kaya ng isang trak ng kamatis ang may gawa ng basurang pelikulang ito  huh !

Basta ako , love ko ang kamatis .

Kahit mukhang kamatis ang ilong ko at nangamatis ang pututoy ko he he he .

Kamatis be with you ! 

Wednesday, April 11, 2012

" Time Alone With You " and " When I See You Smile " - Bad English

I have rediscovered just recently one of two Bad English songs that I really really like .

The title is " Time Alone With You "  which became a hit  in the early 1990's.

The other one being " When I See You Smile " which is more popular and went to number 1 US Billboard Chart in 1989.

I'm head over heels in love with this two songs eversince I've heard of them playing in the radio for the first time .

Plus the fact that they were sung by Bad English frontman  John Waite - one of my favorite rocker -  who is also a successful solo artist via his hit song " Missing You " back in the 80's - one of may favorite too .

Listen and watch the videos here :




Tuesday, April 10, 2012

The Artist

True blue silent film itechi.

Para ka lang nanonood ng isang  silent movie circa 1890 til 1920 .

Iyong puro visuals lang ang makikita mo at wala kang maririnig na audio.

But this is a very effective form of communication.

Swak ang mga galaw at kilos para maiparating ang mensahe ng pelikula .

Ang ganda ng black and white hue na ginamit sa buong pasada.

May nostalgic effect sa panahon ng Golden Age of Hollywood.

Kaya naman hindi kataka-takang hiranging Best Picture sa nakaaraang 84th Academy Awards ni Manong Oscar.

At magwaging Best Director si Michel Hazanavicius para dito .

Siyempre , Best Actor din ang bida na si Jean Dujardin .

Winner ang production design ng peliks dahil plakadong plakado ang feel and image ng silent film era. Very authentic ang ambiance ng settings and places ng pelikula at hindi mo iisiping ngayon lamang ito ginawa .

Sayang nga lang at hindi ito ang nanalo para sa kategoryang Best in Art Direction ng Oscars. Ngunit wagi naman sa Best in Costume Design na deserving para dito  dahil feel na feel mo din ang looks , fashion and costumes nuong mga panahong iyon.  

And with this event ,  the French are already  there to conquer Hollywood!

Sunday, April 8, 2012

EZLoad

Isa na namang networking business ang aking sinalihan .

Marami-rami na rin akong sinalihang networking o multi-level marketing business lalo na nuong boom time nito ng dekada 90  kung saan ay  kabi-kabila ang umusbong na mga networking opportunities sa buong bansa.

Kabilang na dito ang Herbalife na aking sinalihan kung saan ang ibinebenta ay mga produktong pampapayat.

Sa awa ng Diyos ay naubos ko na ang mga produktong binili ko para maging member ay hindi pa rin ako pumayat .Pero hindi rin naman tumaba ang aking bulsa .

In short , walang bumalik na gana o kita mula sa investment ko dito .

At marami pang iba na naengganyo akong salihan dahil sa mga pangakong malakihang kita sa loob lamang ng ilang buwan . Get rich quickly scheme ikanga

At sa awa ulit ni Bathala , lahat ng pinuhunan ko sa mga negosyong ito ay naglahong parang plastic balloon. Ang dali lang mabutas at pumutok

At  nang sumabog  ang mga kontrobersya tungkol sa mga pyramiding scam involving MLM and networking business, ay dito na ako nagdalawang-isip na magpa-member pa sa alinmang mga opportunities nito .Bukod duon ay marami  na ang natakot na mag-enagage sa ganitong klase ng pamumuhunan.

But comes November of  2011 ay muli akong sumubok sa isang negosyong ito na may networking at MLM situation nang marinig ko ang tungkol sa EZLoad .

Nuong una ay may halong duda at agam-agam kung sasali ba ulit ako sa ganitong klase ng mga raket.

Wala na ba akong kadala-dala?

But right after marinig ko ang business orientation meeting ng nasabing kumpanya na may opisina sa 4th floor ng Jackman Emporium sa Munoz , Quezon City , napagtanto kong tila kakaiba ang presentasyon at konsepto na ino-offer ng  kumpanyang ito kaysa sa iba.

Kaya naman hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at muling nagpa-member sa samahang ito para maging negosyante.

And this time I can say na hindi ako nabigo.

Tama ka , tungkol ito sa loading sa cellphone where it's a necessity nowadays and not just a need.

Kahit saan  ka naman pumunta , ang lahat ay nangangailangan ng  load . Bata , matanda , may ipin o wala , lahat laging bumibili ng load .

At ito ang produktong ino-offer ng EZLoad .

Kaya naman masasabi kong madaling ibenta ang product ng EZLoad. Meron ka na agad ready market .

Nowadays , halos kasing-halaga na rin siya ng pagkain na halos hindi mabubuhay ang tao kung wala nito , korek ?

Sa halagang 4,995.00 lamang ay magiging ganap ka nang miyembro nito at instant negosyante EZLoader ka na .

Puwede ka nang maging load dealer o maghanap ng mga magiging load retailer mo  para magbenta ng load .

Lahat puwedeng loadan : Smart , Globe ,Sun , Red Mobile , Talk N Text , Touch Mobile ; name it , we have it.

At hindi lang  iyan , puwede ring loadan ang mga internet games , telephone at mga cable shows.

Maraming perks and benefits kapag naging miyembro ka .

At tulad din ng ibang mga negosyo , meron din siyang networking and multi-level aspects na tiyak ika-aasenso mo sa lalong madaling panahon. ROI ka kaagad sa produktong ito.

Just like me , na nagsisimula nang kumita ngayon at  mabawi ang aking puhunang binitawan sa loob lamang ng dalawang buwan .

At kung talagang masipag ka at maagap , puwede mong maabot ang iyong mga pinapangarap sa loob lamang nang wala pang isang taon.

For me ay talagang kakaiba ang networking business na ito na aming ikinakalat .

Dito ay hindi lamang ikaw ang aasenso kundi maging ang mga downlines mo na iyong nasasakupan.

Tulungan system lang at lahat tayo ay maaabot ang ating mga pangarap na bituin.

Sipag at tiyaga sabi nga ni Senator Manny Villar at hindi imposibleng maging milyonaryo in just a year time .

At sa tulong ng EZLoad walang hindi makakaya basta't sama-sama.


For more details tungkol sa company you can visit our website here: EZLoad Website

And you can also attend BOM everyday at the office . Duon mae-explain sa inyo ng buong-buo ang maximizing concept ng nasabing company.

Believe me ; ibang -iba ito sa lahat ng networking business na napasukan ko . Powerrrr to the nth level ang kitaan dito.

You can also PM me if you want more info. And email me at this address : henryallanpoe@hotmail.com

Add me on my Facebook account here : Edgar Portalan Facebook

Join now and see how you can realize your dream through power sharing and unlimited business opportunities only at EZLoad - your one stop shop when it comes to loading !

Saturday, April 7, 2012

Water Bed Prank

Grabe much ang tawa ko sa prank na ito tungkol sa water bed .

Hindi tawa kundi hagalpak at hagikhik!

Basa kung basa ng tubig .

Eh kasi naman bago humilata at sumalpak sa inaakalang water bed eh mag-imbestiga muna ha ha ha.

Lalo  na dun sa bandang ending ng video prank  na nabiktima yung dalawang matabang babae at hindi na makabangon yung isa ha ha ha.

Ito na . Ito na !

Friday, April 6, 2012

Ate Bilay

Dumating fresh from Dubai UAE last April 3 , 2012 ang aking eternal favorite cousin na si Ate Evie aka Bilay he he he.

Of course kuntodo sundo kami sa airport and in full force dahil darating ang reyna . Reyna ng mga kiki este kikay he he he.

Siya ang sense of humor sa aming angkan . Parang nung nagbagsak ng katatawanan ang Diyos  sa mundo ay sinalo niyang lahat nang nakataas ang palda he he he .

Parang pinagsama-samang Pokwang , Melai Cantiveros, K Brosas at Cita Astals ang babaeng ito . What's the common denominator ? Lahat sila babaeng bakla he he he .

Pagtapos naming magsundo ay bonggabels snackan naman sa Burger King .

Bonggacious na ang babaeng etu. Kung dati ay ako ang nagpapautang sa kaniya , ngayon ako na ang pinapautang niya ha ha ha.

Baligtad na ang mundo , ang dating nagpapautang , siya nang pinapautang ha ha ha.

The world has indeed turned upside down in a full turn .

Si Ate Bilay ang laurel sa ulam na adobo.

Siya ang kintsay para sa pansit.

Siya ang pandan para sa kanin.

At siya ang linga para sa tinapay.

In short , kapag wala siya .... okay lang , ha ha ha ha.

Choz.

In fairness , ang ibig ko lang sabihin ay , siya ang pampalasa ng aming kalurking life.Oh davah naman.

Dalaginding pa lang at hindi pa marunong magsuot ng panty ay  nakasunong na namin sa aming balay.

Hanggang sa time na natuto nang magkabit ng pasador  at bra niya ay nanduon pa rin sa amin.

Ngayon ay mayruon na siyang dalagitang anak na tuturuan na niya ng mga ritwal na ito . Pasa pasa lang ha ha ha.

Kaya kabisado ko na ang likaw ng balun-balunan niyan he he ( sa manok yun ah )

Pinag-aral kami ni Father dear sa iisang school para daw magsilbing bantay ko si Ate Bilay sa aking pag-aaral nang hindi ako magloko.

Ang hindi niya alam , nagkakasundo kami sa pagbubulakbol he he. Naman! 

Tama na ang intro. Masyado ka nang sumisikat Bilay he he .

Share ko na ang mga pictures natin :





Thursday, April 5, 2012

Thank you Cecon

Lately ay nagiging masasakitin yata ako , partikular sa trangkaso at lagnat .

Kamakailan lamang ay pinatumba na naman ako ng isang trangkaso na ikinahiga ko sa kama ng 3 araw , hayzzz.

Buti na lang at laging nandiyan si Mother dear with her magic banyos hilot at sa tulong na rin ng Bioflu at Biogesic he he.

Lagi kasing puyat sa kolsener job at laging babad sa pagkalamig-lamig na freezing aircon.

Palibhasa siguro ay gustong iparamdam sa amin ng management kung gaano kalamig ang freezing conditions ng mga American Indians na nasa Montana kaya tinotodo na rin ang lamig ng aircon niya para mas reliable at kapani-paniwala na nasa Amerika nga kami huh.

Todo balot na nga ako ng jacket at pati paa ko ay may medyas na pero ramdam ko  pa rin ang lamig ng centralized aircon na nanunuot sa aking kalamnan.

Kaya naman siguro ay kailangan na ng extra help ng mga multivitamins and minerals para sa akin.

Lalo na at hindi naman na ako bumabata kundi tumatanda . Hindi naman ako si Benjamin Button na bumabata ng paurong he he.

Aminado naman ang lola n'yo na patungo na ako sa pagkagurang . And one of the symptoms are showing like being prone to colds and fever. Andiyan na rin ang rayuma , ubo at pananakit ng kalamnan lalo na kapag sobrang lamig ng temperatura.

Kaya very timely naman ang pagkakabigay ng  Cecon ng aking premyo na almost 1 year supply of Vitamin C para sa napanalunan kong contest entry last year.

 Thank you Cecon .

At least multivitamins na lang ang poproblemahin kong bilhin ng aking tight  budget .

And I want to thank the Lord for still giving me a healthy life !

Nagkakasakit man , mga simpleng lagnat lang at trangkaso na madali rin namang gumagaling .

Karapat-dapat pa ring ipagpasalamat lahat sa Diyos !

Amen!

Wednesday, April 4, 2012

I Will Still Love You - Stonebolt

Matagal ko ring hinanap sa internet ang title ng kantang ito .

Bata pa kasi ako nang una ko itong marinig . Kaya hindi pa ako aware nuon sa title nito .

Ang natandaan ko lang ay ang himig nito at melodiya na tumatak na sa aking memorya .

At ngayong hinahanap ko ang titulo ay nahirapan akong makita .

Nag-try akong i-search sa mga words sa simula ng lyrics pero wa epek.

At pagdating sa chorus ay di ko rin ma-search kay Google dahil hindi ko naman kabisado ng buo ang lyrics nito .

Buti na lang at kabisado ko pa rin ang last line ng chorus na " I Will Still Love You " kayat hayun pag-click ko ng enter sa search bar ay lumabas ang entry tungkol sa  kanta ng Stonebolt na may ganitong pamagat  at yun na ito na nga ang matagal ko nang hinahanap na awitin .

From Canada ang bandang Stonebolt at ito ang pinakasikat nilang kanta na sumirko sa ere  nuong dekada 70.

At nang sipatin ko ang kabuuan ng liriko ay duon ko nalamang napakaganda pala ng nilalaman nito .

Ang walang kamatayang pag-ibig no matter what you do  , " I Will Still Love You "

Nakaka-LSS din ang melody niya na parang hinaharana ka sa  Tabing-Ilog.

Halika at sama sama nating balikan ang music of yesteryears na pinaluma na  ng panahon at pinatingkad ng kahapon .

Tuesday, April 3, 2012

alphabet affixations

Matgal ko na itong ginagawa bilang pampalipas oras .

Ito yung mag-iisip ako ng sets of letters na idudugtong ko sa English alphabet from A to Z at aalamin ko kung anong set of letters ang may pinakamarami akong mabubuong salita or words .

Example , I will add the letters AR to every single letter of the English alphabet like A + AR = AAR is no puwede kasi walang ganiyang word . Punta tayo sa next letter which is B + AR = BAR  , pasok  sa banga dahil may ganiyang word . Next letter is C + AR = CAR , pasok na naman sa banga dahil iyan ang isa sa paborito kong word. Then onward to the next letter which is D + AR = DAR , no puwede na naman because hindi nag-eexist ang ganiyang salita in English dictionary  , and so on and so forth hanggang matapos ko ang buong alphabet sa letter Z na idudugtong ko ang AR . After that ay susumahin mo ngayon kung ilang words ang nabuo ko kapag AR ang idudugtong ko sa bawat alphabet letter .

And so far , sa tagal ko nang ginagawa ito , tatlong letter groups lang ang pinakamarami kong nagawan ng affixations . Ito ay ang mga affixed letters na AY , AR at AT . Out ang mga acronyms , abbreviations and proper nouns dito .

To prove my point , here it is :

 ALPHABET LETTERS + AY

BAY
CAY
DAY
FAY
GAY
HAY
JAY
LAY
MAY
NAY
PAY
RAY
SAY
WAY
YAY

TOTAL - 15 WORDS

ALPHABET LETTERS + AR

BAR
CAR
EAR
FAR
GAR
JAR
MAR
OAR
PAR
SAR
TAR
WAR
YAR

TOTAL = 13 WORDS

ALPHABET LETTERS + AT

BAT
CAT
EAT
FAT
GAT
HAT
MAT
OAT
PAT
RAT
SAT
VAT
WAT
ZAT

TOTAL = 14 WORDS

Ha ha , wala lang share ko lang ang laro kong ewan  he he ...

Monday, April 2, 2012

Nunal

Napansin ko lately na dumadami ang aking nunal.

Puwede pa lang mag-appear at disappear ang iyong nunal in the span of your life .

And that is a fact huh.

Opo , totoo iyan .

Dahil natatandaan ko nuong bata pa ako ( aminado na gurang na ) ay wala naman akong masyadong ganiyang mga skin markings and discolorations.

Pero lately ay tila dumadami at tumutubo kung saan saan.

Napansin ko lately kasi nang minsang maghubad ako ( pasensya na kasi minsan lang ako maghubad he he ) na tila ba ang dami na nito sa aking buong katawan . Parang mushroom na biglang nagsipagsulputan nang makidlatan huh.

Aba at ngayon ay meron na akong nunal sa palad  , marami sa leeg , sa dibdib , sa braso , sa tiyan , at marami din ay sa mukha . Hindi ko lang alam  kung meron sa puwet dahil hindi ko makita he he .

Subalit meron akong isang major concern na nunal na nasa noo ko na medyo malaki at tila lumalaki pa . At medyo bumubukol .

Konsulta agad ako sa internet for signs and symptoms ng cancerous moles dahil I've heard it somewhere in the grapevine na delikado raw ang nunal na lumalaki.. Mahirap na baka cancerous nga ito ay maagapan agad.

Heto ang nakita kong mga telltale signs and symptoms ng isang cancerous and malignant mole tumors or melanomas:

  • The existing mole changes in color. A sign of skin cancer is detected when you notice your mole or wart is having different colors, like from brown to light brown or tan or black, actually combination of all.
  • The existing mole changes in size and shape. This includes the border and diameter of the mole. If the border changes and becomes irregular it’s a sign. If the diameter is expanding and enlarging, it’s a warning of melanoma. Melanomas usually are larger in diameter than the size of the eraser of a pencil (1/4 inch or 6 mm).
  • The mole is evolving. All in all if the mole is changing in appearance from time to time, in shape, size, color, texture, and any symptom such as itching, bleeding and crusting, it has a higher risk to melanoma.

Hmmm , at ayon sa datos na iyan , sa number two lang naman ako nahagip. Hindi naman nagche-change ng color ang nunal ko like  a chameleon na magaling mag-adapt sa color ng kaniyang kapaligiran at hindi rin tulad ng mga pulitiko na mahilig namang  magpalit-kulay especially when election time comes he he he . It stays black lang all the time . And wala namang bleeding , itching or crusting akong nararamdaman para sa nunal na ito sa aking noo. Siguro ay natural lang talaga siya na lumalaki . Malay . Siguro hindi pa niya naaabot ang kaniyang growth years he he he.

Ito lang namang nunal ko sa noo ang napapansin kong pasaway . Yung iba , behaved naman . Kung ano lang yung liit nila o laki hanggang duon na lang sila . Pero itong nandito sa noo ko , tila lumalaki at umuumbok .

Hmmm , mamaya , may palo ka sa akin ha! Pak!

Anyways , ayaw ko namang maging cause of  alarm pa ang munting nunal na iyan anoh at i-stress ang buong araw ko kaya dedma na lang . Eh kung maging cancerous siya at maging maligno , gora ka day , ha ha ha . Mabuti nga  iyon at maagang matitigok ang bakla  he he he . Kabawasan sa salot ng lipunan he he he.

By the way , naalala ko tuloy ang lumang awitin ng novelty singer na si Vincent Daffalong ( oo na , naabutan ko iyan noh , at kayo hindi huh ) entitled " Mahiwagang Nunal "

Ayon sa kanta ni Daffalong ( ayon sa kuwento nuon kaya daw Daffalong ang ginamit niyang apelyido ay dahil dapa daw ang kaniyang ilong he he ) may mga ibig sabihin daw ang nunal kung saan siya nakapuwesto sa iyong katawan . Halimbawa kung sa paa , ay lakwatsera , kung sa dila , tsismosa atbp.

Anyway heto  na lang ang  lyrics at nang mas maintindihan ninyo .

At ang kaakibat na video ng song sa Youtube para marinig n'yo kung hindi n'yo pa napapakinggan. At makita n'yo na rin kung sino si Vincent Daffalong kung hindi n'yo pa siya namamasdan.

Bale novelty version siya ng Funky Town song ng Lipps Inc. nuong 1980's  :

MAHIWAGANG NUNAL
VINCENT DAFFALONG

Kayo ba’y naniniwala sa mga kasabihan
Na ang bawat nunal ay may kanya kanyang katangian
Kaya’t kung mag-aasawa kayo, nunal ay pagmasdan
Talking about, talking about, talking about mga nunal
Mga nunal. Mga nunal. Mga nunal

Wag kang magtataka kung ano itong nunal
Hindi n'yo ba alam na ito’y mahalaga
Ayon sa ating ninuno, ito’y palad ng buhay
Na makikita n'yo sa ibat ibang uri

May nunal na pula, nunal na buhay
May nunal na lumalaki at may nunal na may buhok!
At kung kayo’y walang nunal, kayo ay abnormal
Itong mahiwagang nunal ay aking isasalaysay


Nunal sa ulo, mautak raw
Nunal sa batok, takaw-tulog
Nunal sa labi, tsismosa daw
Nunal sa ilong, dapang ilong
Nunal sa tenga, tengang daga
Nunal sa kuko, kuko’y patay
Nunal sa siko, ay komang raw
Sa kili kili, tokpung araw

Oy! ay may nunal ka sa dibdib ha
Naku tatawa tawa ka d'yan, day!
Meron ka rin sa leeg eh
Wow pare! Ikaw rin!


Nunal sa dila daldalera
At sa balakang, sexy dancer
Nunal sa iyong leeg, chikinini
Nunal sa braso, bakuna raw
Sa iyong dibdib, hikain raw
Nunal sa finger, hayukin raw
Sa talampakan, pala-alis
Patay na nunal, hindi buhay


Ngayon alam n'yo na ang katangian ng mga nunal
Kayo nang bahalang tumingin ng iyong nunal
Kaya kung mag aasawa kayo’y nunal ay pagmasdan
Talking about, talking about, talking about mga nunal
One little two, little three, little four nunal
One little two, little three, little four nunal...




Oh di ba sumayaw ka rin ha ha ha.

Now you know !

Sunday, April 1, 2012

sinong gustong maglinis ng kalat na ito ?


" Ang kalat naman dito sa bahay ko . Sino ba gustong maglinis nito ? Nasaan na ba si Matutina at ipawawalis ko itong mga kalat na 'to?  "  -  Donya Delilah