Saturday, March 31, 2012

Only a woman can make a man happy ?


Only a woman can make a man happy ?

May tama kaahhh !!!

Friday, March 30, 2012

What if men get pregnant ?

These will be their images :


Thursday, March 29, 2012

GMA , ABS-CBN , ABC

Oo nga naman:

Ang ibig sabihin daw ng GMA 7 ay Gloria Macapagal Arroyo kaya isa siyang certified Kapuso .



Ang ABS-CBN 2 naman daw ay kay Pnoy dahil sa Aquino Benigno Simeon-Cojuangco , Boss Noynoy !!



Kaya naman pala Kapamilya si Pnoy .

Eh ang ABC 5 kanino naman ?

Iyan ay walang iba kundi kay :

Attorney  Boss Corona he he he .



Iba ka Kapatid !

Wednesday, March 28, 2012

anti-masturbatory cream



Nakita ko ang item na ito sa isang blogsite at naging curious.

Totoo at effective nga ba ang mga produktong anti-masturbatory ?

At sa aking pagsasaliksik sa mundo ng www , aking napagtanto na walang katotohanana ang claim ng ganitong mga produkto.

Na bagamat may mga produktong nag-ooffer daw diumano ng ganitong effect para sa mga kalalakihan ay hindi ito garantisadong mabisa at subok.

Eh meron ba namang makakapigil sa libog he he he.

Pinakamabisa diyan ay igapos mo para matigil he he he.

Hoax ang claim ng mga product na ito dahil hindi nila kayang pigilan ang bogli ng tao ha ha ha.

And for me it's better to release those heat than suppress it inside you davah.



And may mga claim naman na healthy daw ang pagja-jakol dahil nailalabas mo ang mga unnecessary extra fluid inside our system he he .

Tama na . Sobra na . Ilabas na  ha ha ha.

Pero meron akong suggestion.

Imbes na anti-masturbatory cream ang bilhin n'yo ay ito na lang okay ?

O ha !

Tuesday, March 27, 2012

Ang Babae Sa Septic Tank

Naging entry ng Pilipinas sa kategoryang Foreign Language Film para sa katatapos na 84th Academy Awards or Oscars itong ating pelikula  na Ang Babae Sa Septic Tank starring no less than Eugene Domingo.

Ngayon ko lang ito napanuod and how I wish na nakapasok nga sana sa Oscars ang pelikulang ito dahil matino naman ang pagkakagawa.

Kudos to Director Marlon Rivera and the entire cast and crew.


A film within a film , istorya ng pag-conceptualize ng isang pelikulang tumatalakay sa mga isyu ng kahirapan , prostitution , materialism gayundin ang mga  isyu na may kinalaman sa paggawa ng pelikula katulad ng pagpapalit-palit ng konsepto at ideya , pagpi-primadonna hanggang sa ningas-cogon attitude at manana habit .

Very commendable naman sa aktingan siyempre si Uge as usual but special mention si Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral para sa kanilang respective cameos na nagmarka sa kabuuan ng pelikula.

Mahusay na naipakita sa kabuuan ng pelikula ang tunay na kalagayan ng bansang Pilipinas especially ang tungkol sa kahirapan at child prostitution of course with some humorous touch courtesy of Uge.

Havey din ang musical part ng pelikula na talagang nakakatuwa .

Anyways, goodluck na  lang sa susunod at sana ay makamit din  natin ang pinaka-aasam na Oscar winnings katulad ng minimithi ng mga karakter sa pelikulang ito  . Sadya yatang mailap pa sa atin ngayon ang tropeo ni Manong Oscar . Ngunit pasasaan ba at masusungkit din natin iyan sooner or  later.

Hope springs eternal ansabeehhh!!!

Monday, March 26, 2012

The Dishwasher


Kung meron mang gawaing-bahay na nais mong ipagawa sa akin ay pipiliin ko na ang maghugas ng pinggan at mga kinainan .

Kahit pa paghugasin mo na ako ng sangtambak at abot hanggang kisame na hugasan basta huwag mo lang akong paglabahin at pagplantsahin okay sa olrayt sa akin .

Kung gaano ko ka-love ang paghuhugas ng kinainan , siya namang hate na hate  ko ang paglalaba .

Kaya nakakahiya mang aminin , pero kahit panty ko ay meron akong taga-laba he he he . Choz.

Ewan ko ba pero hate ko talaga ang magkuskos at magbatya at palu-palo . Kahit may washing machine na ay di ko pa rin feel ang paglalabada like Ate Gloria labandera huh.

Pero iba na ang usapan pagdating sa hugasan ng  kinainan o dishwashing .

Ito ang aking expertise pagdating sa household chore .

Si Mother dear ang mentor ko sa paghuhugas .

Dalaginding pa lang ako ay tinuruan na niya ako nang tamang paghuhugas ng plato at baso at lahat ng klase ng kinainan . Kaya naman nakagamayan ko na ito.

Ako ang eternal dishwasher ng aming bahay.

Basta hugasan ng plato ako ang tinatawag ni Mother .

Sabi ni Mother dishwashing is an art .

Ayon sa kaniya , ito ang step by step sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

1.) Unahin mo ang mga baso para hindi malansa dahil kadalasang tubig at mga inumin lang ang inilalagay dito . Sabunin mo ang rim ng mga baso , mug , tasa at iba pang uri ng lalagyang-inumin para maalis ang anumang kumapit dito na dumi o amoy.

2.) Isunod mo ang mga kubyertos gaya ng kutsara , tinidor at kutsilyo. Kung may pang-isis ka ay kuskusin mo ito ng maigi dahil minsan ay may mga naiiwang mantsa sa mga ito . Para mapanatili ang kislap at kinis ng mga kubyertos . Kiskising maigi ang buong katawan ng mga kubyertos .

3.) Isunod ang mga plato , pinggan , mangkok , platito at iba pang mga gamit pagkain . Kiskising maigi ang buong bahagi ng dish hanggang sa ilalim upang matanggal ang mga kumapit na tumigas na pagkain . Gayundin ang mga amoy katulad ng lansa at anta lalo na kapag nalagyan ng panis na pagkain.

4.) At panghuli ay ang mga gamit pangluto katulad ng kawali , kaserola , kaldero , kawa  gayundin ang mga sandok at siyanse na ginagamit sa pagluluto. Karaniwang ito ang mas mahirap hugasan  dahil sa tindi ng kapit ng mga dumi at mantsa ng pagkain. Parusa din kapag mamantika at masebo ang mga pagkaing niluto dito dahil matindi ang kuskusan ng sabon .

Iyan ang mga golden tips sa akin ni Mother kung ako ay magiging alipin ng mga plato at baso.

FYI naging dishhwasher din ako dati nuong aking struggling days diyan sa isang sangay ng Goodah Restaurant sa Greenhills San Juan City .

Laging basa ang apron ko nuon dahil sa halos maghapon at magdamag na paghuhugas ng mga kinainan ng mga kostumer.

Eh dagsa pa naman ang mga kumakain dito sa restaurant na ito kaya maghapon din ang lagari ko sa pagpapabula ,pagkuskos at pagbabanlaw ng mga hugasan.

At duon ko nalaman na kahit pala gaano ko ka-love ang paghuhugas ay nakaka-imbyerna rin at nakakasawa ito kung araw-araw ginagawa  .

Kaya naman hindi rin ako nagtagal sa trabaho kong ito he he he.

Subalit ngayon na medyo busy na at tamad-tamaran na sa paghuhugas , hindi ko na masyadong napagtutuunan ng pansin ang bokasyon kong ito .

Kaya naman heto na ang hitsura ng lababo namin ngayon ha ha ha.

At para makatipid sa hugasan kapag may handaan , plato na binalutan ng plastik para pagkatapos ng kainan ay itatapon na lang ang plastik at hindi na huhugasan ang plato he he .

Davah naman .

At dahil nga love ko ang paghuhugas ng mga kinainan , nag-create na rin ako ng negosyo mula sa hilig kong ito . Ang sariling formula para sa dishwashing liquid na gagamitin ko sa pagsasabon at pagtanggal ng sebo sa mga hugasang kinainan.

Heto na iyon :

 Baka gusto ninyong bumili , mura lang , 40.00 lang isang litro na he he.


Bili na .

Homemade formula na mabisa na , mura pa .

Talagang mapapa-jump for  JOY ka dahil sa quality at affordable price .

At DAZZling din  ang packaging he he.

Kaya ano pang hinihintay mo , um-AXION ka na at bumili na ng produkto kong dishwashing liquid.

SURFire ways of earning davah naman !

O davah , at ngayon ay negosyante na nang dahil sa paghuhugas ng mga kinainan.

Happy dishwashing !

Sunday, March 25, 2012

Elizabeth Ramsey


Nakakatuwa namang mapanood muli on national television itong si Elizabeth Ramsey , ang butihin , magaling , respetado  at kwelang nanay ni Jaya ( Jaya Puto Maya ) .

Ito ay sa pamamagitan ng palabas na It's Showtime ng Channel 2 bilang isa siya sa mga hurado .

Nuon ko pa paborito ang komedyanang ito way back in the 60's til 70's until the  80's ( oo ako na ang nakaabot sa kaniya  dahil damatan na me ha ha ha.)

Natatandaan ko  pang napanuod ko sa sinehan  ang pelikula nitong Magapatuka Na Lang Ako Sa Ahas at talaga namang tawa ako ng tawa sa panunuod sa kabila ng kamusmusan ko nuon.

Elizabeth Ramsey is  an  icon and classsic at the same time .

Groovy na groovy pa rin at trending topic pa rin ang elegant beauty ni Elizabeth after all these years at kahit nasa 80 na yata ang edad ng babaeng itech  huh!

Sayang naman at agad na-vote out sa hanay ng mga hurado ng It's Showtime itong si Elizabeth !

Talagang hindi pa rin marunong bumoto ang mga manonood ngayon.

Ang  gusto yata nilang itira ay iyong mga walang ginawa kundi magpa-cute at magpa-tweetums sa harap ng camera huh.

Anyway , nice watching Elizabeth Ramsey once again kahit na one week lang sa telebisyon.

Saturday, March 24, 2012

hada na sa Antipolo

Hmmmm , may i-chika akong blind item for today.

Exclusive he he.

Trulalung nangyari itechi courtesy of my mga ibong tiririt dito sa amin na makakati pa sa mga talahib.

Tuwang tuwang ichinika sa akin ng mga friendship kong pokpokitang girlalu na nuong isang gabi daw ay na-sight nila ang dalawang teen actor na ito sakay ng isang kotse .

Ang siste ay naka-istambay daw sila sa kanto ng aming lugar kung saan ay maraming nangyayaring kababalaghan lalo na  pagkagat ng dilim . Sa lugar na ito umiistambay ang mga pokpok na ito para magtanggal ng kati sa pamamagitan ng pagkakamot .

Nakaupo sila duon at nakahilera na parang naghihintay ng limos sa isang sulok ng kalsada.

Mga apat daw silang mga batang pokpokita  .

Di kaginsa-ginsay may pumara umanong kotse  sa tapat nila.

At nang ibaba ng may-ari ng sasakyan ang bintana nito ay bumanaag ang mukha ng dalawang teen actor na kilalang kilala mula sa isang primetime teleserye ng isang sikat na network.

Tilian siyempre ang mga bruha dahil crush na crush nila ang dalawang mga batang aktor.

Binati sila ng dalawa at sabay pakawala ng nakakabighaning mga smile na sukat ikahimatay ng mga dalaginding na walang panty he he he .

Ang chika ng dalawang aktor  ay naghahanap daw sila ng mga babaeng bayaran na puwede nilang upahan at makasama buong gabi .

Gulantang ang beauty ng mga bagets na ipinaglihi sa gabi at higad .

Siyempre may I offer ng sarili nila ang apat na kurikong .

Pero , nag beg-off daw ang dalawa dahil gusto daw nila ng " mas maganda at mas sariwa ".

Kung tutuusin ay bata pa ang nasabing mga alagad ni Salome na nasa edad 16 hanggang 18 pa lamang.

Iyon nga lang hindi  sila kasing-hitsura ni Magdalena kundi nila Mahal at Mura he he he.

Ngisi daw ng ngisi ang dalawa na parang mga bangag at adik.

Maya maya pa ay nagpaalam na ang dalawang aktor at sinabing maghahanap na lang sila sa ibang bahagi ng kalsada sa aming lugar.

Ewan kung nagtri-trip lang ang 2 aktor na ito sa mga hadhad ng kalyeng iyon sa amin , pero kakaiba ang trip nila huh.

At ang aking mga scoopers na ito ay hindi naman puwedeng magsinungaling dahil kitang kita sa mga mukha nila kung gaano katotoo ang kanilang ibinabalita.

Kilig na kilig ang mga puta na akala mo ay pinipindot ang mga tinggil nila ha ha ha.

Sino ang dalawang batang aktor?

Ang una ay may kapatid na isa ring aktor na nanalo sa isang contest ng isang noontime show nuon .

At ang isa naman ay nanalo sa isang reality based teen search nuon ng isa pa ring TV network kung saan kasama ang isang Koreana .

Gets mo na ?

Friday, March 23, 2012

Asian Athletes That Took The World By Storm

Naaliw naman ako sa article na ito ng MSN about Top 10 Asian Atheletes na hinahanggaan at pinapalakpakan ngayon sa buong mundo .

Of course proud naman me dahil nakasama ang 2 sa ating mga kababayan na walang iba kundi sina Manny Pacquaio at Efren " Bata " Reyes.

Read on :

1.) JEREMY LIN - ang hot na hot ngayon na New York Knicks pointguard Taiwanese-American NBA superstar . Meron pang Linsanity fever na nangyayari dahil sa sobrang pagkahumaling ng mga fans sa kaniya all over the world . Type ko rin siya dahil sa pagiging maka-Diyos niya at bilang isang Bible-believing person .


2.) Manny Pacquiao - of course naman ay hindi mawawala ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa listahang ito . Isa siya ngayon sa pinakapaboritong sports hero sa buong mundo dahil sa  kaniyang angking galing at tikas sa larangan ng pagboboksing.


3.) Yao Ming - although nag-retire na sa larangan ng basketball ang mamang ito from China , no doubt ay isa pa rin siya sa may mga pinakamalakas na hatak sa buong mundo bilang isang dakilang manlalaro.


4. ) Park Ji-Sung - ang South Korean footballer naman na hinahangaan sa buong mundo dahil sa kaniyang galing at husay sa larangang ito.


5.) Michael Chang - sino ang hindi makakaalala sa Taiwanese-American tennis player na ito na siyang naging youngest player ever to win  grand slam by winning the French Open in 1989 .


6.) Daisuke Matsuzaka - Japanese baseball pitcher for Boston Red Sox . Ang pride ng mga sakang .


7.) Ichiro Suzuki - another pride of  Japan . A Major League Baseball right fielder for the Seattle Mariners.


8.) Efren " Bata " Reyes - isa pang Filipino na kinikilala at hinahangaan sa buong mundo . Ayon sa article , siya ang nagpasikat sa larong pool or billiards na dati ay hindi kinikilala bilang isang professional na sports. Subalit dahil sa kaniya ay umangat ang pagkilala sa sports na ito .


9.) Dat Nguyen - this time , he is the one from Vietnam. A professional football player for NFL.


10.) KJ Choi - or Choi Kyung-Ju , a professional golf player na halos kahilera na rin ni Tiger Woods sa pagiging magaling at mahusay sa sports na ito .

Thursday, March 22, 2012

Super Leah's Advice

Super inspiring ang blogpost na ito from Super Leah na isa sa mga idol kong blogero  he he.

Maraming katotohanan ang isinisiwalat ng mga advices na nandito kaya naman ninais kong i-repost dito sa aking blogsite para i-share of course with the consent from  Super Leah

Read on :

Don't date because you are desperate.
Don't marry because you are miserable.
Don't have kids because you think your genes are superior.
Don't philander because you think you are irresistible.
Don't associate with people you can't trust.
Don't cheat.
Don't lie.
Don't pretend.

Don't dictate because you are smarter.
Don't demand because you are stronger.
Don't sleep around because you think you are old enough and know better.
Don't hurt your kids because loving them is harder.
Don't sell yourself , your family or your ideals.
Don't stagnate.
Don't regress.

Don't live in the past because time can't bring anything or anyone back.
Don't put your life on hold for possibly Mr. Right.
Don't throw your life away on absolutely Mr. Wrong just because your biological clock  is ticking.
Don't bring another life into this world for all the wrong reasons.
Don't abandon your responsibilities but don't overdose on duty.
Don't live life recklessly without thought and feeling for your family.

Don't commit when you are not ready.
Don't keep waiting others needlessly.
Don't be afraid. Don't lose your capacity to love.
Don't lose faith in God.
Don't grow old. Just grow you!

To terminate your loneliness, reach out to the homeless.
To feed your nurturing instincts, care for the needy.
To fulfill your parenting fantasies, get a puppy.
To make yourself happy , pursue your passions and be the best of what you can be.
Sometime there is no race to be won , only a price to be paid for some of life's hasty decisions.
Simplify your life. Take away the clutter.
Get rid of destructive elements : abusive friends , nasty habits and dangerous liaisons.

Be true to yourself.
Do what you have to even at society's scorn.
Take care of yourself. Don't wait for someone to take care of you.
You light up your life.
You drive yourself to destination.
No one completes you - except you.

When you give someone of your time , you are giving them a portion of you that you'll never get back.
Your time is your life. That is why the greatest gift you can give to someone is your time.
Relationships take time and effort. And the best way to spell love is T-I-M-E because
the essence of love is not what we think or do or provide for others , but how much we give of ourselves.

It isn't true that life does not get easier with age.
It only gets more challenging.
Go on that trip. Don't postpone it.
Say those words. Dont let the moments pass.
Learn a new skill.
Find a new friend.
Start a new career.

Write poetry.
Love deeply.
Walk barefoot.
Dance with wild abandon.
Cry at the movies.

Pursue your passions.
Live your dreams.
God is good all the time!

( O davah , swak na swak ang mga advices ! )

Indeed, God is good all the time!

Thank you Leah .

Wednesday, March 21, 2012

Goodbye Ever Gotesco Grand Central Monumento

Nasunog na kamakailan lamang ang equally popular and notorious mall in the north na Ever Gotesco Grand Central Monumento .

Aba at halos tumagal lang naman ng isang araw bago ito tuluyang naapula. Panay panay nga ang daan ng mga trak ng bumbero nuong araw na iyon mula sa lahat ng panig ng Kamaynilaan  papunta  sa iisang direksyon , walang iba kundi sa nasusunog na mall sa distrito ni Mayor Enrico " Recom " Echiverri.

Marami din akong fond memories sa mall na ito sa Monumento. Dito kami madalas na pumapasyal noong kami ay nakatira pa diyan sa Kalookan ( opo , tumira din kami sa Lungsod ng Kalookan , partikular diyan sa 3rd Avenue nuong ako ay dalaginding pa lamang he he he.)

At kahit ngayon na medyo ( medyo daw oh ) gurangski na aketch ay madalas  pa din ang pagdayo ko sa lugar na ito dahil marami pa din akong mga kamag-anakan na nasa bisinidad  nito ang aking binibisita. At kapag napapadayo ako sa Kalookan ay hindi puwedeng hindi ako mapadaan dito sa mall na ito.

At ngayon nga ay naging hang-out na ng mga bumbero.

Very controversial naman na mall ito sa lahat na yata ng mga mall dito sa bansang Pilipinas .

Una pa lang itong itinatayo ay kontrobersya na agad ang kinaharap . Hindi bat iprinotesta ng mga mag-aaral at guro ang pagtatayo nito dahil sa sapilitang pagpapagiba at pagwawasak ng Cecilio Apostol Elementary School na nasa dating puwesto nito ?

At simula nuon ay nabatbat na ng mga kontrobersya ang gusaling ito katulad sa mga  isyu ng prostitusyon , illegal trading and merchandising , drug trafficking atbp. na nagaganap diumano sa loob ng nasabing mall.

Kamakailan lamang ay naging sentro din ito ng usapin dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng  mga may-ari at ng pamunuan ng Lungsod ng Kalookan . Diumano ay maraming pagkakautang ang may-ari nito sa pamahalaan ng Kalookan kaya ito ay ilang araw na ipinasara ng City Hall.

At ayon din sa mga sabi-sabi ay batbat  daw ng utang ang mall na ito sa BIR at iba pang ahensya ng gobyerno.

May mga haka-haka namang lumutang kaugnay sa pagkakasunog nito na ito ay sinadya diumano dahil nga sa isyu ng mga pagkakautang - ito ay upang mapagtakpan ang tunay na estado ng pagkakalubog nito sa malakihang utang .

Anut-anuman ang katotohanan ukol sa isyung ito ay magiging malaking palaisipan na dahil sa tuluyang pagkakaabo ng nasabing establisimyento.

Samantala , may mga umiikot ding malilikot na tsismis na ang karibal nitong chains of malls na pag-aari ni Mr. Henry Sy , walang iba kundi ang SM , ang sinasabing nagpasimula ng sunog . Ito ay dahil balak daw itong bilhin ni Mr. Sy at gawing isa na namang mall ng SM sa Kalookan .

Ito ay pawang mga tsismis at intriga lang naman na hindi pa napapatunayan!

Kung magkakagayon ay ganito ang magiging itsura nito after awhile :


At kung magkakagayon ay tanging ang Malabon , Navotas at Pateros na lamang ang lugar sa Kamaynilaan na walang SM Malls . I'm sure binabalak na rin ni Mr. Sy na magtayo sa mga lugar na iyan , pustahan !

Samantala totoo din kaya na ang mall na ito ay isinumpa ng mga naapektuhang guro at estudyante ng eskwelahang giniba para bigyang daan ang pagtatayo dito ?

At ngayon nga daw ay tila natupad na ang ngitngit at sumpa na inusal para dito ng nasabing mga naapektuhang guro  at estudyante kaya sunod-sunod na kamalasan ang dumapo sa ill-fated mall na ito ?

Nagtatanong lang naman po !

Tuesday, March 20, 2012

Noynoying

Aba at may bago palang word entry para sa Merriam-Webster dictionary courtesy of Vencer Crisostomo of Anakbayan militant group. 

The word is : Noynoying or the act of doing nothing or idling the time away.

In short , nganga !

Etymology has its roots apparently from President Benigno Aquino's nickname Noynoy , whom the leftists think is doing nothing. 

Of course the Malacanang Palace reacts sensitively .

Very negative nga naman ang connotation ng word na associated sa kanilang amo .

Sambit nga ng isang bakla sa tabi ng riles ng tren :

" Nakakatamad naman ang araw ngayon , nakaka-Noynoy lang "

And overheard from a bunch of pasosi girls in an exclusive school :

" Let's go malling na lang , we're Noynoying naman here at campus eh "

Wehehehe.

In fairness , press release ng kampo ng Pangulo , marami naman daw ginagawa ang ating presidente .

Ang kaibahan nga lang daw sa nagdaang mga presidente , hindi ina-announce , isinasapubliko o ginagawang media mileage ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon .

Hindi kaya it's high time na gawin na nilang visible at aware sa publiko ang kanilang mga project nang sa gayun ay hindi sila maakusahan ng Noynoying ?

Eh hindi ba't ang sabi ng Pangulo sa kaniyang inaugural speech ay " kayo ang BOSS ko "

At ibig sabihin niya ng " kayo " ay tayong mga sambayanang Pilipino.

Aba'y ano pang ginagawa natin , utusan na natin ang Pangulo nang sa gayon ay mas marami pa siyang maisip na gagawin davah. Baka naghihintay lang siyang pag-utusan natin he he he.

At any rate , let's look at how some people define this new word in pictures :




Peace po !




Monday, March 19, 2012

my cousins are the best

Love ko ang aking mga cousins especially yung mga nakasama ko sa aking paglaki at pagtanda .

Kaya naman super like kong i-share ang FB message na ito :

Kayo , kung love n'yo rin ang mga cousins n'yo , share n'yo na rin ang message na ito okay??!!

Sunday, March 18, 2012

Hindi porke mukhang adik ...

May katotohanan sa likod ng larawang ito .

Minsan kung sino pa iyong mukhang adik at nakakatakot ang hilatsa ay siya pang may busilak na puso at kaluluwa.

At kung sino naman iyong mukhang inosente at maamo ang hitsura ay siya pang pilyo at sutil at may masamang pagnanasa sa kapwa.

As always , don't judge a book by its cover .

Only by it's contents !

And only God can judge a book perfectly.

Because He alone understands all about the contents of a book .

And don't judge me because you are not a judge and I am not a book he he he.

Saturday, March 17, 2012

WTF

Shucks , kadirdir talaga itong mga spam e-mail na ito at kung anu-anong shit ang ipinapadala sa aking e-mail.

Madafaker talaga oh .

Tingnan n'yo nga !



Sino ba namang matutuwa !

Aba , nakakainsulto na sila huh !

This is an outright intrusion to my privacy huh !

Taena kayo !

Friday, March 16, 2012

MRT card dilemma

I-share ko lang ang awkward moment ko last last night habang pasakay me ng MRT station sa Cubao going to my place of  work sa Ortigas Center .

Pumunta na ako sa ticket slot machine para ipasok ang aking Stored Value Card para makasakay .

Putek , unang pasak ko ay nire-reject ng machine . Isinuka ng machine ang ticket at sabi sa screen ay " your ticket is rejected "

Busog yata ang machine kaya isinusuka ang card ko . Ang daming nginatang ticket huh .

O ayaw sa card ng bading ha ha ha.

Try ko ulet isuksok for the 2nd time .

Aba , at ayaw pa ring tanggapin  ng luka lukang makina .

Patuloy pa rin niyang isinusuka with the same error message : " your ticket is rejected "

Putek yan , male-late  na ako sa work ko kaya imbyerna na akiz . Gusto ko nang magwala gaya ni Annabelle Rama sa hearing nila ni Nadia Montenegro.

Try ko sa kabilang slot machine ( parang casino lang he he ) at baka sakaling umubra.

Isinuksok ko ulet ang card .

Aba at muling idinuwal ang aking card nitong walanghiyang pangalawang makina . With the same error prompt huh , "your ticket is rejected "

Aba , hindi na yata tama ito . May racial discrimination yata ang mga machine na ito at ayaw tumanggap ng card ng bakla huh .

Try ko pa for the fourth time . Ayaw pa rin .

Umuusok na ang ilong , gaya ng galit na galit na toro sa bullfighting arena sa Spain , sumugod akiz sa ticket booth at galit na binulyawan ang teller ( he he exaggerated lang ito , hindi naman ako ganun ka-war freak he he )

Me - " Manong ano ba naman ito bakit ayaw tanggapin ng makina n'yo itong card ko eh may laman pa naman ito ha , susme , male-late na tuloy ako sa opisina ko"

Manong Teller - " Eh paano pong tatanggapin  'yan eh card ng LRT  iyang ipinapasok n'yo "

At sa muli kong pagsulyap sa aking tangan -tangang card , oo  nga pala , card nga naman ng LRT ang hawak hawak ko .

Ako na ang napahiya .

Ako na  anag shunga shunga nuong gabing iyon .

Para akong asong bahag ang buntot na katatapos lamang iyutin  ,ako'y  lumakad palayo sa booth.

Nakikita ko sa pamamagitan ng mata sa aking likod na nagtatawananan ang isang guwardiyang nakasaksi sa pangyayari at ang manong teller na kamukha ni Chocolate hu hu hu. 

Pihadong pinagtatawanan ako ni San Pedro sa langit dahil sa kagagahan ko .

Sukat ba namang ipasok sa MRT card reader ang card para sa LRT . Hindi nga yun tatanggapin , ungas !

FYI  , talagang nagtatabi ako ng mga Stored Value Card para sa LRT 1 , LRT 2 at MRT .



Ito yung mga card na may lamang amount sa loob na puwede mong magamit  para makasakay ka sa mga mass commuter systems na ito . Maraming bonus kasi like the last bonus ride na kahit piso na lang ang laman ng card mo ay puwede mo pa ring magamit para ipambiyahe .

At saka hindi na hassle sa mahaba, mainit at mabagal na pila dito lalo na kapag rush hour .

At iwas traffic kasi kapag dito ka sasakay sa mga train systems na ito .

Kaya nagtatabi ako nito para once na kailangan kong sumakay ng LRT or MRT ay hindi na ako kailangan pang pumila para bumili ng card . Ito ay para sa tatlong lines na nandito sa Metro Manila ; ang MRT lines na mula sa North Avenue hanggang sa Taft Avenue , ang LRT 1 na mula naman sa Roosevelt Munoz hanggang sa Baclaran at ang LRT 2 na mula naman sa Santolan hanaggang sa Recto .

Kaya minsan hindi ko namamalayan na napagpapalit-palit ko na pala sila katulad nuong gabing iyon.

Wagas talaga !

Waley na waley !

Thursday, March 15, 2012

Haba Baba Doo , Puti Puti Poo

Naaliw naman ako nuong isang araw nang mapanuod ko bago mag-tanghali courtesy of  Kapamilya Cinema  ng Channel 2 ang pelikulang Haba Baba Doo , Puti Puti Poo starring walang iba kundi ang pambansang baba ng Pilipinas na si Babalu at ang pinakamaputing tao yata sa balat ng Pilipinas na si Redford White .

Parehong namayapa na ang dalawang kumag na  komedyanteng ito kaya naman I have began to miss them .

Todo ang bungisngis ko at hagalpak na wagas dahil sa grabeng riot ng pelikulang ito kasama ang dalawang magagaling na komikero.

Ito ay dahil sa wagas na pagpapatawa ng dalawang topbiller na konting kibot lang ay tiyak na sisilay ang ngala-ngala mo sa katatawa.

Nakaka-miss ang mga komedyanteng ito nuon na nagsipagyao na .

Mas magagaling ang mga komedyante nuon para sa akin dahil hindi nila kailangang mag-effort para lang makapagpatawa. Very natural ikanga ang dating ng pagpapatawa nila

Best examples are Panchito , Rene Requiestas , Chichay , Chiquito , Apeng Daldal , Tange , Dely Atay-Atayan , Aruray , Angge , Cachupoy , Matimtiman Cruz , Zorayda Sanchez at marami pang iba.

At nandiyan pa at buhay pa naman ang iba pero madalang nang bigyan ng comedy assignments like   Elizabeth Ramsey , Nova Villa at siyempre ang King of Comedy na si Dolphy . ( Alam ko hinuhulaan n'yo na edad ko ha ha ha )

Ngayon kasi halos mga corny ang dating ng mga nagpapatawa pwera lang si Uge Domingo na havey na  havey magpakiliti ng kili-kili hi hi hi .

Karaniwan kasi ng mga komedyante ngayon ay galing sa comedy bars na ang style ng pagpapatawa ay panlalait at panlilibak sa tao para lang makapagpatawa.

 They are sorely missed .

Wednesday, March 14, 2012

The King's Speech

Kaaliw naman pala itong The King's Speech kaya nag-emerge as Best Picture , Best Director( Tom Hooper ) , Best Actor ( Colin Firth na sobrang galing dito ) at Best Original Screenplay winner sa nakalipas na 83rd Academy Awards ceremony sa Amerika.

Akala ko nuong una ay boring dahil tungkol sa mga speeches and declamations ng mga hari at reyna nuong unang panahon pero hindi pala.

Buti na lang at hindi ako namatay dahil marami daw namamatay sa maling akala ha ha ha.

Tungkol ito sa speech defect ni King George VI ng Great Britain na stammering o stuttering .

Ito yung hindi mo mapagsunod-sunod ang mga salita na ibig mong bigkasin at karaniwang tumitigil o humihinto ka habang nagsasalita. Karaniwan tuloy na hindi na maintindihan kung ano ang ibig mong ipahiwatig.

Sa kaso pa naman ng isang hari na madalas magsalita sa harap ng maraming tao ay kailangan ang isang magaling mag-speech lalo na kung kinakailangang bigyan mo ng inspirasyon ang iyong mga kababayan sa oras at kalagitnaan ng isang digmaan.

To the rescue ang magaling at simpatikong speech therapist na si Lionel Logue upang tulungan ang hari na ma-overcome ang kaniyang impediment..

Nuong una ay medyo ilang at duda pa na magpagamot at kumonsulta ang Haring George  ,pero kalaunan ay napagtanto niyang kailangan niya ang isang ekspertong tulong mula kay  Dr. Logue at magtiwala dito ng buong puso upang matulungan siyang maka-recover mula sa kaniyang depekto.

Dito ay madidiskubre din ang mga itinatagong sanhi ni King George kung paano niya maaaring na-acquire ang ganitong uri ng depekto sa pagsasalita.

Nakaka-relate ako dito dahil I'm a stammerer myself  lalo na kapag nasa harap na ng napakaraming tao at inaatake ng nerbiyos ha ha ha.

Kaya nga hindi ako magaling na speaker dahil alam kong magkakalat lang ako sa harap ng stage .

Baka tulad ni Johnriel Casimero ay batuhin ako ng mga bote , lata , kamatis at silya kapag nagsalita ako sa plataporma.

Sa lahat naman ng lugar na pinakakinatatakutan ko ay itong stage pa ang napili ko huh.

Ewan lang .

Tulad ni King George , clueless din ako sa tunay na nature ng phobia kong ito.

But like King Gorge , eventually ay pangarap kong ma-overcome ko din siguro ang fright kong ito by being confident and being proud of myself  in front of other people.

Sana lang sana .

Waaahhh , Ako Budoy !!!

Tuesday, March 13, 2012

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Sa wakas ay muli akong nakakuha ng kopya ng latest book ni pareng Bob Ong (pare daw oh) na Lumayo Ka Nga Sa Akin (ayoko nga) .

Hindi ko na ire-review ang book dahil ang dami nang nag-Carl Balita ( review centers po )  para dito kaya ayoko nang makigulo pa. Sapat nang sabihin na ito ay  rekomendado ko sa lahat ng mga avid book reader  sa buong kapuluan gayundin sa mga sumisimpleng makibasa sa loob ng National Bookstore. Kung meron nang kopya sa inyong mga paboritong library , itanong na din kay Ms. Librarian at magpa-reserve basta be silent lang huh habang nagbabasa !

Kung susumahin sa lahat ng mga aklat ni Bob Ong ay sumusunod ito sa " Bakit Baliktad Magbasa Ng  Libro Ang Mga Pilipino "  at  " ABNKKBSNPLAKo " sa pinakapaborito ko .

Kulang na lang talaga ay autograph mula sa misteryosong writer na itechi.

Magpakita ka na Bob Ong , ang dami mo nang utang na signature para sa mga fans mo !

Sige ka pag oras na nagpakita ka ay ang dami mo nang pipirmahang libro na halos ikakamanhid ng kamay mo at hindi ka na makakapag _______(insert dirty thoughts here)
 
Hindi kaya may Autographobia si Bob Ong huh ??!!

Monday, March 12, 2012

The Fighter

Napanuod ko lang lately sa DVD ( pirated siyempre he he ) ang boxing drama na  The Fighter starring Christian Bale and Mark Wahlberg at the title role .

Totoong istorya ito ng magkapatid na parehong boxer in the person of Dicky Eklund ( Christan Bale ) at Micky Ward ( Mark Wahlberg ) at kung paanong nalagpasan nila ang iba't ibang klase ng mga pagsubok na dumaan sa kanila bilang magkapatid na nangangarap maging matagumpay na boksingero ng Amerika.

Ipinakita dito ang tunay na kalagayan ng pamilya sa Amerika na malayo sa glorified image ng karaniwang American family .

Dito ay nagdurusa at naghihirap sa kalagayang pinansyal ang pamilya dahil sa labis na pakikialam at pang-aabuso ng inang si Alice ( Melissa Leo ) at kapatid na si Dicky sa boxing career ng kanilang kapamilya na si Micky.

Buti na lamang at may mga nagtitiwala at sumasampalataya sa angking kagalingan at kakayahan  ni Micky dahilan upang hindi sumuko at magpatuloy na  umangat o bumangon  mula sa kinalugmukang kalagayan hanggang sa magtagumpay sa laban ng buhay bilang isang boksingero.

Maraming mga nakakaantig at makabagbag-damdaming moments ang pelikula pero ang
pinaka-naaapektuhan ako ay ang eksena kung saan ay  humingi ng tawad si Dicky sa nobya ng kaniyang kapatid na si Charlene Fleming ( Amy Adams ) upang siya ay muling pagbigyan at tanggapin ng buong puso kapalit ang pangakong magbabago para na rin sa ikabubuti ng kaniyang kapatid .

Kitang-kita ang sinsero o tapat na paghingi ng tawad ni Dicky na halos ikapanindig ng aking balahibo .

Ang galing galing dito ni Christian Bale kaya naman very deserving siya sa award na nakuha mula sa Oscars para sa Best Supporting Actor .

Equally deserving din para sa award na Best Supporting Actress si Melissa Leo bilang ina nila Micky at Dicky na nakikialam at nangunguna sa buhay ng magkapatid kahit na sa totoo lang ay wala naman talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng karera ng dalawa tungkol sa pagboboksing .

Sa bandang ending ay nagtagumpay ang dalawa upang makilala bilang mga magagaling na boxer sa history ng Amerika .

Kudos to the entire cast .

A nice watch , promise .

Sunday, March 11, 2012

my cat's blue eyes ...

... are very refreshing to stare at ...
ang cute naman ...
sana ganito na lang ang mata ko he he he...







Saturday, March 10, 2012

Mga Asong Kalye

Aba nakaka-strike two na itong Azkals Philippines huh .

And this time ang naging biktima ay ang mismong anak pa ng dating pangulo ng Pillipinas Fidel Valdez Ramos na si Cristina Ramos .

Tila walang sinasanto ang mga bastos na player na ito who goes by  the name of Angel Guirado and Lexton Moy.

Hindi naman lahat , pero dahil sa kamanyakan ng dalawang mamang ito ay buong team ang nakukulapulan ng putik at dumi .

It seems they are living up to the meaning of their name.

The comparison is even an understatement .

Dahil hindi sila puwedeng ikumpara sa mga asong kalye na mas may breeding pa yata kaysa sa kanila hmmmm.

Size Cup B ba kamo ?

Tama , dahil mukhang tasa at mangkok ang mga pagmumukha ninyo huh !

Umayos-ayos kayo at baka ma-strike-out na kayo sa pagiging pasaway n'yo mga Azkals huh!

Friday, March 9, 2012

Undecaplets

Kakatuwa naman ang litratong ito na nai-share sa akin sa Facebook.

Ayon sa caption ay kuha ito sa isang ospital sa India kung saan ay nanganak ng 11 babies all at once ang isang ina duon .

Heto ang picture :



Hodevah naman at nakakatuwa talaga.

I just wonder kung papaano sila nagkasya sa sinapupunan ng kanilang mother dear ? Ang bigat siguro sa tiyan niyan ano?

FYI ito ang mga terminologies for every multiple births in human:

  • 2 offspring – twins
  • 3 offspring – triplets
  • 4 offspring – quadruplets
  • 5 offspring – quintuplets
  • 6 offspring – sextuplets
  • 7 offspring – septuplets
  • 8 offspring – octuplets
  • 9 offspring - nonuplets
  • 10 offspring - decaplets
  • 11 offspring - undecaplets
  • 12 offspring - duodecaplets
  • 13 offspring - tridecaplets
  • 14 offspring - quadecaplets
  • 15 offspring -quindecaplets
At ang magkaruon ng 16 offspring pataas ay hindi ko na alam ang katawagan.

Baka biik na yun he he .

Enjoy !

Thursday, March 8, 2012

Tangina This Ng Mga Babae

At dahil ngayon ay International Women's Day , ito ang aking handog para sa lahat ng mga kababaihan :

Wednesday, March 7, 2012

Miriam versus Vitaliano ...

Usap-usapan  ang eksenang naganap sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado nitong nakaraang Linggo kung saan ay pinagtakpan ng tenga ni Attorney Vitaliano Aguirre ng prosecution team si Senator Judge Miriam Defensor-Santiago habang ito'y nagtatalumpati  na  tila ba sinasabon na naman ng sermon ang mga miyembro ng prosekusyon dahil sa kapalpakang pagbawi ng ilang articles of impeachment laban kay Corona .
Lalong nagwala sa galit ang kagalang-galang na Senadora dahil sa reaksyong ito ni Aguirre at pina-cite for contempt ang kawawang mama.

Bilang aking sariling opinyon at kuro-kuro ukol sa pangyayari , sa ganang akin pareho namang may kasalanan ang dalawang panig tungkol sa isyung ito .

Una,  ang naging reaction ni Aguirre ay batay lang sa action na ginawa ni Miriam . If there's an action there will always be a reaction . That's Newton's Third Law Of  Motion for you . Alam kong may mga magsasabi naman na ang reaction ni Miriam ay batay din lang sa action na ginawa ng prosecution team na pagbawi ng articles of impeachment . And the cycle goes on and on.

But just the same , at this  point in time , may action si Miriam , reaction na lamang ang kay Aguirre . Sana lang mas naging handa si Miriam sa anumang reaction na matatanggap niya sa tila ba pambu-bully na ginagawa niya sa Senado. At huwag na nating banggitin ang pagmumura niya ng salitang " gago " sa loob mismo ng iginagalang na tanggapan  ng Senado.

Ikaw ba , kaya mong pakinggan na murahin ka ng kapwa mo tao din lang naman at pare-parehong nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos?

Ang kaibahan nga lamang ay nakasuot sila ng toga at ikaw ay naka-Amerikana lamang .

Eh paano pa kung naka-kamisa de chino ka lamang o sando kaya ?

At lalo na kung gula-gulanit pa ang kamisetang suot mo ay baka mas malala pa sa pambabastos ang mapapala mo ?

Kung iyon ngang naka-Amerikana at suit and necktie pa ay nababastos na lalo pa kaya iyong naka-kamiseta lang . Ano pa kaya sa mga taong nakahubad at walang damit na maisuot ?

Sabi nga sa isang website , tila ba ang siyang nag-author ng Epal Bill para maipasa sa Senado bilang panlaban sa mga maeepal ay siya pang pinaka-epal sa lahat . Masyadong mapapel.

Alam ng lahat na televised hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo ang impeachment trial na ito na ginaganap sa Senate Hall . Hindi ba sila nahihiya na nakikita ng buong mundo kung gaano kagaspang ang kanilang pag-uugali sa tuwing magsasalita sila.

Sa ganang akin ,puwede mo namang ipahayag ang iyong saloobin sa magalang ,makatao at disenteng  paraan na hindi mo na kinakailangang maipakita at maipalabas sa lahat na magaling ka at mahusay .

Hindi iyong porket alam mong matalino ka at maraming alam ay sige sige ka na  lang sa pagbulalas ng iyong nasasaloob na hindi mo na inaalintana kung may nasasaktan kang damdamin. At kung makapagmura ka pa ay akala mo pinapalamon mo sila .

Sabihin na nating may mali o kapalpakan sa panig ng prosekusyon , ngunit hindi kailanman ito magiging lisensya para makapanakit ka ng damdamin ng kapwa mo bilang isang tao.

Humihingi ka ng respeto ? Kanino ba dapat nagsisimula ang respeto . Hindi ba't sa iyo rin mismo?

Kung gusto mong irespeto ka , matuto ka munang mag-respeto ng iyong kapwa.

Respect begets respect .

Kung marunong kang mambastos ng kapwa , humanda ka ring bastusin in return.

In the first place , why don't you ask yourself this question , nambastos ba ako kaya ako binastos ?

Kung oo ang sagot mo , then you deserve it . Kung hindi naman , ponder about it some more .Baka in the end ay ma-realize mo kung saan ka nagkamali .
  
I just wonder kung ang mga abogado at mga congressmen nga na kapwa niya may pinag-aralan at pawang elitista din  ay nagagawa ni Santiago na sermunan at mura-murahin in front of camera , gaano pa kaya ang mga walang pinag-aralan at hampas-lupa na kababayan nating lumalapit  sa kaniya? Hindi kaya mas maliit ang tingin niya sa mga ito ?

Kung sa mga abogado nga ay maliit na ang tingin niya eh di lalo na sa mga mas maliliit na miyembro ng lipunan pa kaya ?

Baka tiris -tirisin na lang niya na parang kuto ang mga ito!

Simple lang naman ang nais kong maliwanagan: sa klase ng pag-iimbestiga at pagtatanong na ginagawa ni Senator Santiago at panggigisa sa mga miyembro ng prosecution ay nais ba lamang niyang ipalabas kung gaano katanga at kabobo ang  prosecution team o nais niya lang ipakita kung gaano siya katalino at kahusay pagdating sa pakikipag-debate ? Which is which?

Dalawa lang naman ang kahahantungan ng ganitong eksena : ang lalabas na bobo ang kaharap niya at lalabas na siya ang matalino!

Ang totoo , ibinoto ko si Senator Santiago nuong eleksyong pampanguluhan kung saan siya tumakbo kalaban si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos . Ito ay dahil mas may paniniwala ako sa kaniya dahil sa kaniyang angking katapangan at sigasig.

Maging sa mga halalang pang-Senador matapos niyang matalo sa halalang pampanguluhan ay laging pasok siya sa aking listahan.

Dahil sa aking paniniwalang ang kaniyang pagiging matapang ang magdadala sa atin sa kaginhawahan .

Pero hindi pala  ganuon kadali iyon . Dahil lagi nang kaakibat ng katapangan ay ang pagiging matapobre at mapang-mata sa kapwa lalo na kung mas nakakaaangat ka kaysa sa karaniwan. At lalo kung ikaw ay nasa kapangyarihan!

Subalit hindi naman ako klase ng tao na kahit alam kong mali na ang ginagawa ay kakampihan ko pa rin at sasaluduhan . Kahit gaano pa kita ka-paborito o gaano ka kamahal ng masa . Kung nagkamali ka , itsa-pwera ka pa rin para sa akin .

Sa kabilang banda ,  may mali din naman si Aguirre sa kaniyang naging reaksyon . Dapat nga ay mabuting nagwalk-out na lamang siya upang maipakita ang kaniyang disgusto at pagkarindi at pagka-irita sa boses ni Aling Miriam.

Kesa nga naman mabasag ang kaniyang eardrum sa tinis ng boses ni Aling Miriam ay minabuting takpan  na lang niya ito . Eh kung nabasag pa ang eardrum ni Aguirre at nagka-luga eh di kasalanan pa iyan ni Miriam davah ? Kaya sana pinagbigyan na lang niya na magtakip ng tenga si Aguirre.

I understand the feelings of Atty. Aguirre because I too have some unpleasant experiences sa mga ganiyang klase ng tao na masyadong feeling super power , infallible at sobrang know-it-all. Masyado silang mataas ang lipad na pakiramdam nila lahat ng tao sa ibaba ay under nila .

And like what much more respected former Senator Rene Saguisag had said in a TV interview , he wishes to bring back the good ol days of Senate especially in those times of  Diokno , Recto , Kalaw , Rodriguez , Salonga and the likes  , where senators are " more gentle , polite , mild-mannered and civil " especially when they are in front of the people they are serving.

Ah , those were the days , seriously .

Ngayon ang Senado ay nagiging sentro na lamang ng katatawanan at pang-ookray ng karamihan .

Naging viral na nga sa internet ang imaheng ito ni Aguirre habang nakatakip ng tenga . Imagine , Senador ka pero pinagtatakpan ka ng tenga !



At sa mga text mesages and chat forums sa internet ay tampulan na din  ng mga biro  ang eksenang ito sa Senado.

Basahin nga ninyo at nang matauhan naman kayo :

MIRIAM: Tetris ka ba?
TUPAS: Bakit?
MIRIAM: Baliko ka kasi! Ang hirap mong isalansan!
TUPAS: Angry Bird ka ba?
MIRIAM: Bakit?
TUPAS: Ang sarap mo kasing ibala sa tirador! 

***

MIRIAM: Counsel! Bakit tinatakpan mo ng mga kamay mo ang mga tenga mo habang ako’y nagsasalita?!
COUNSEL: Hindi ko naman po kayang takpan ng mga talampakan ko ang mga tenga ko, Your Honor!

***

KANOR: Pare, ‘yung anak ko, baka magpari paglaki.
GIMO: Bakit mo naman nasabi, pare?
KANOR: Aba eh puro salita ng Diyos ang luma­labas sa bibig!
GIMO: Buti pa ‘yung anak mo, pare. ‘Yung anak ko, gusto yatang maging senador.
KANOR: Aba! Eh mas magaling! Ano naman ang basehan mo, pare?!
GIMO: Aba! Eh puro GAGO ang lumalabas sa bibig! Naimpluwensyahan ni Miriam!

***

BOY : Senador ka ba ?
GIRL: Bakit . Dahil ba sa ako'y kagalang-galang at matalino ?
BOY: Hindi .
GIRL: Eh bakit nga ?
BOY: Eh kasi ang hilig mong magmura , para kang Senador .

***

NANAY: Anak anong gusto mong maging paglaki mo?
ANAK: Senador po 'Nay.
NANAY: Wow , galing naman ng pangarap ng anak ko . Ang taas mangarap . Eh bakit naman gusto mong maging Senador anak?
ANAK: Eh kasi po kapag ako ang nagmumura ay sinasabihan n'yo ako ng " Don't say bad words " at tapos ay papaluin n'yo ako . Pero kapag Senador na ako , kahit magmura na ako ay tatawanan lang ako at kakampihan pa ng mga kapwa ko Senador . Oh di ba ang ganda po !

Oh di ba , iyan ba ang magandang huwaran ng mga kabataan ?

Pero nuong siya ang mapatunayang nagsinungaling ay hagalpak lamang ang kaniyang naging sagot .

Ah ewan , sa susunod ngang eleksyon ay pag-iisipan ko na nang maigi kung sinu-sino ang mga iboboto ko huh !