TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 29, 2012

Leap Year 2012

This year of  the Water Dragon pala is a leap year . Lumuluksong lubid lang ang taon na toh .

May dagdag na araw ang buwan ng February kapag ganitong taon kaya nagiging 29 .

Kaya ngayon ay taon ng mga echoserang froglets at chuvanesang mga kangaroo at lukring na mga tipaklong .

At magbi-birthday na naman ang aming kapitbahay na si Mang Rolly sa edad na 13 .

Hindi po bagets 'yan o teen-ager ha .

In fuck este in fact , lolo na siya at madami nang mga apong makukulit pa sa mga butete at kiti-kiti at uod ng patay na daga. Lagas na ang kaniyang mga teeth pati na ang buhok sa ulo at sa ulo sa ibaba .

Ngunit dahil sa kembular leap year epek  na iyan ay nagdiriwang lamang siya ng kaarawan niya every four years .

Kaya ganiyan lang , 13 pa lang siya ngayon technically ha ha ha.

Ang sabi nila ay buwan ng mga krung krung ang Pebrero .

Dahil wala daw sa hulog . Minsan daw kulang kulang. Minsan naman ay sobra sobra .

But in fairness , madami akong friends at friends with benefits na isinilang sa buwan ng Pebrero .

At awa naman ng Diyos , hindi pa naman sila na-admit sa isang  ospital diyan sa Mandaluyong .

Medyo may pagka-slight lang na pagkasemi-retarded he he : )



Anyway , happy birthday na lang sa mga may kaarawan ngayon .

Sulitin ninyo na dahil once every four years n'yo lang ito mararanasan .

Happy Leap Year !!!

At sabay sabay tayong kumandirit at kumembot to the left and to the right !!!

( Parang ako lang ang lukaret he he he ) 

Tuesday, February 28, 2012

SM Tondo ?


At natuwa naman ako sa picture na ito .

Pati pala sa Tondo ay may balak  ring tayuan ang SM huh ?

Baka naman puro riot at rambulan ang mga eksena diyan ha ha ha .

Tiyak papatok iyan ng bonggang bongga at palaging puno ng mga parukyanong siga at batang Tondo .

Jampacked palagi sigurado ng mga maton na taga Tondo .

At isa na kami dun he he he.

Saan kaya iyan ? Sa Bangkusay , sa Moriones , sa Balut , sa Barrio Obrero , sa Pitong Gatang , sa Herbosa o sa Baseco ?

SM Tondo , ang bagong mall ng mga masa !!!

Wapakkk!!!

Monday, February 27, 2012

Taho with Langka syrup

Paborito ko ang taho simula pa nuong ako'y isa pa lamang sirenita  hanggang sa ako'y magdalaginding he he he .

At hanggang ngayon na ako'y isa nang matandang dalaga , peborit ko pa rin ito ha ha ha.

Masarap naman kasi lalo na kung maraming arnibal at sago na sangkap . Ako na ang may sweet tooth.

Lagi na  kahit mayruon pa akong muta at mantsa ng laway sa gilid ng labi ay tatayo agad ako kapag narinig na ang boses ni mamang magtataho na naghumihiyaw at tumitili sa kalsada na parang naputulan ng b----g. Bagang yan , akala mo na naman bastos .

Bukod sa masarap na kasi ay masustansya pa kaya naman naging paborito na ito ng marami lalo na ng mga tsikiting patrol.

Pampalakas pa daw ng tuhod kaya bagay sa mga taong mahilig sumabak sa giyera . Giyerang ang putukan ay walang sound !

Pero lately lang ako nakatikim ng taho na langka ang flavor.

Courtesy of my friends na mga aswang dahil sa gabi nagtatrabaho at madaling-araw ang rampa.

Paglabas naming magkakatrabaho galing sa kolsener na aming pinapasukan ay diretso na kami agad sa booking , este kay Mamang Magtataho at  bibili ng tag-iisang baso ng kaniyang paninda.

At isa-sang tatagay  para sa masarap na flavor ng taho langka.

Ang tsika ng isa kong katrabaho ay meron din daw strawberry flavor sa Baguio naman. At super delicious din daw ito .

Hmmmm , makaakyat nga ng Baguio at matikman ang authentic flavor na ito huh . Ngayon na itong darating na summer .

Tunay namang nakakaadik kaya naman naging daily habit na namin like the 3 o clock habit ang pagtungga nito.

Heto nga at may piktyur piktyuran pa para merong souvenir kasama si manong.

Smile !





PS

   Nuong isang gabi ay Pandan flavor naman ang pakulo ni Manong he he. Dami na palang flavor ng taho !

Saturday, February 25, 2012

pagtanda ng isang bakla...

Labis akong naapektuhan ng isang video sa Youtube na una kong nasilayan sa pamamagitan ng blogsite na Manila Gay Guy .

Ito ay ang documentary tungkol sa isang espesyal na bahay sa isang kalye sa Pasay City na may pangalang Home For The Golden Gays

Panuorin ang video sa pamamagitan ng Youtube link na ito   Home For The Golden Gays

Ito ay  isang espesyal na tahanan para sa mga baklang matanda na at patuloy na tumatanda at wala nang nasusulingan at napupuntahan sa lipunang ito dahil wala silang mga kapamilya na nagnanais mag-aruga o kumandili sa kanilang katandaan.

Ito ang nagsisilbi nilang kanlungan sa  takipsilim ng kanilang buhay .

Makukulay ang mga karakter na umookupa dito sa bahay na ito katulad ng 80 years old na si Mama Leony na isang gay prostitute nuong panahon ng Hapon , ang 52 years old na si  Frederica na inabandona ng kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang kabaklaan at si Semmy na 58 years old naman at nagtatago sa kaniyang tunay na pagkatao bilang isang bakla .

Pinakasikat  pa ring nanirahan sa bahay na ito ang comfort gay  in the 1940's na si Walter Dempster Jr. better known as Walterina Markova na isinapelikula pa ang buhay na ginampanan ng King of Comedy na si Dolphy sa pelikulang Markova: The Comfort Gay nuong 2000 .Namatay siya  nuong 2005 .

Gayundin ang nagtatag ng tahanang ito na si dating Pasay City Councilor Justo C. Justo.

Madalas din akong lektyuran lalo na ni Father dear tungkol sa aking pagtanda kung hindi daw ako mag-aasawa. Ano daw ang kahihinatnan ng buhay ko kapag ako'y matanda na ?



Kawawa daw ako sa aking pagtanda !

At kadalasan ang sagot  ko ay ngiti lamang  !

Hindi ko sineseryoso ang tanong niyang ito.

Sabi-sabi ko lang  sa aking sarili , hindi naman ako kasi tatanda , dahil maaga akong mamamatay !

Biro para sa akin.

Pero isang masakit at makatotohanang biro !

Dagdag ko pa , kung sakaling hindi naman ako maagang mamatay at  kapag matanda na ako at hindi ko na kaya ang sarili ko  , siguro magbabaril na lang ako sa sintido para matapos na ang lahat .

Sabay ng isang malutong na halakhak.

Ginagawa ko lang minsang katatawanan ang pagtanda ko .

Pero ang katotohanan , natatakot ako !

Takot na lumulukob sa buo kong pagkatao !

Ngayon pa nga lang na nasa kalagitnaan pa lamang ako ng aking buhay ay marami na akong iniindang sakit o karamdaman . Buti na lang at laging nandiyan si Mother dear para umalalay at kumandili sa akin.

Eh paano kung mawala na siya !

Sino pa ang mag-aaruga sa akin?

Ang sabi ng iba , mag-anak daw ako kahit na wala nang asawang babae . Para daw may mag-aalaga sa aking pagtanda .

Ngunit naisip ko lang , bakit ang dami din naman diyan na sangkatutak at sangkaterba ang mga anak , ngunit pagdating  sa dako pa ruon  , ay mag-isa pa rin silang namumuhay !

Walang kumakalinga . Walang  nag-aaruga !

Ang sabi ko ay nasa klase na lang siguro ng pagpapalaki iyan sa mga  anak .

Kung inalagaan at ipinakita mo sa kanila na tunay mo naman silang inalagaan , sa iyong pagtanda naman ay ikaw naman ang kanilang aalagaan. They would just simply return the favor .

Siguro kaya naman may mga anak na hindi nag-aaruga sa kanilang mga magulang sa pagtanda nito , ay marahil hindi rin sila tunay na kinalinga nito nuong sila ay mga bata pa .

But in the first place , paano naman ako mag-aanak sa isang babae gayung wala naman akong kakayahan na gawin ito ?

Bakla ako , hello !

Kapag babae ang pumasok sa kuwarto ko , I'm sure maglalaro lang kami ng Barbie at jackstone. Plus magpapa-manicure at pedicure ako sa kaniya  .

Pero kapag lalaki ang nasok sa aking bedroom , iba ang lalaruin namin .

Barbell at Jack's Stone  .

At maga - Angry Birds din kami for sure .

Iyan ang buong katotohanan !

Solusyon ?

Suggestion ng iba , mag-ampon daw ako .

Parang ang dali lang gawin .

Pero puwede namang subukan.

Iyon nga lang may risk dahil hindi mo rin sigurado  kung ano ang magiging outcome ng Aiza Seguerra( Pagdating Ng Panahon po )  .

Ahhh . Sabi nila mahirap tumandang mag-isa .

Lalo nang mahirap kung mas mahirap ka pa sa dagang bahay .

Mas madali sigurong tumanda kung mayaman ka . Siguro.

Puwede kang mag-hire ng mga taong mag-aalaga sa iyo like a caregiver.

Iyon ay kung siguradong  hindi ka nila bibigyan ng pagkain mo na may sangkap na Racumin !

Ang bigat sa damdamin kung iisipin .

Nakaka-depress lang !

But as for today I want to live one day at a time!

Ayoko na munang problemahin ang bukas !

Saka na lang kapag matandang matanda  na ako.

At nag-iisa.

Tutal may sisilungan naman akong bahay diyan sa Pasay.

Iyon ay kung still open at  nakatayo pa rin ang :

HOME FOR THE GOLDEN GAYS !

Masaklap lang kapag tuluyan na itong nagsara !

Saan ako ngayon pupunta ??!!

Friday, February 24, 2012

Thursday, February 23, 2012

... cellphone number meanings

Nais ko lang i-share ang text message na ito from a friend tungkol sa first 4 digits of our cellphone numbers and their equivalent meanings :

0929 - cute at habulin
0928 - mabait
0918 - kuripot at mayabang
0912 - wild at bed
0919 - playboy/playgirl at two-timer
0948 - seryoso at mahiyain
0939 - bolero/bolera
0908 - manloloko
0907 - cute at masayahin
0930 - sweet at stick to one
0921 - cute at humble
0909 - simple , cute at iniiyakan
0920 - seloso/selosa
0949 - mapagmahal at maalaga
0999 - sweet at pasaway
0908 - hindi na virgin
0946 - mapagmahal
0933 - palakaibigan


Ha ha ha , wala lang , mai-share lang .

At base sa listahang iyan , ako pala ay isang seloso ?

Hind naman masyado , slight lang he he he.

Ikaw , ano ka ?

Wednesday, February 22, 2012

they come and they go ...

Nitong nakaraang   February 1 at 6 ay magkasunod na umalis sa aming lugar ang aking hipag na si Jackie Briones at pinsang buo na si Mary Joy Pron Briones respectively patungo sa ibang bansa na kanilang destinasyon .

Si Jackie ay pumuntang Hongkong upang duon ay mamasukan bilang isang nanny .

Samantalang si BFF Joy naman ay tumulak papuntang Land Of  Milk And Honey  upang duon ay pakasalan ang kaniyang longtime fiance na si Jess Lopez .

Dalawa  sa aking natitirang mga kachikahan at kachokaran dito sa aming lugar sa Antipolo City ang lumisan  at iniwan ang bansang Pilipinas Kong Mahal.

Nag-fly me to the moon  .

Ngayon ay tila ako na lang ang natira dito sa ating bansa na nananatiling nakikibaka at nakakipagpambuno sa laban ng buhay .

 Iniwan na ako ng aking mga kabiruan at kaharutan . Mga simpleng nagpapasaya kapag ako ay nalulungkot at naninimdim.

Mga usapang walang kwenta na minsan ay siya pang pinakamasaya at pinakamasagana.

Naalala ko tuloy , parang kailan lang nang mga bagong luwas pa lang sila dito sa Maynila .

Bigla ko tuloy naalala ang iba ko pang mga pinsan at kamag-anakan na naging close sa akin subalit ngayon ay malayo na sa aking piling.

Tulad ni Ate Evie na dalagita pa lamang nang magsimulang umaruga sa aming magkapatid bilang mga pasaway na alaga. Hanggang sa mag-dalaga at magka-asawa ay nanatiling nasa aming poder at pagkalinga .Nagkaruon ng dalawang anak and still nasa aming tabi pa rin  . Pero nang siya ay ipetisyon ng kaniyang asawa sa Dubai para duon ay magtrabaho para sa kabutihan ng kanilang pamilya , hindi na siya nakatanggi.

Si Yolly , na matagal  din naming nakasama sa iisang bubong . Maraming pinagsamahang mga kuwento at ala-ala . Minsan masaya . Minsan malungkot . Lahat pinagdaanan bilang mabuting mga kamag-anak .Hanggang sa nagpasyang mangibang-bansa upang duon ay buuin ang kaniyang mga pangarap at matulungang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Duon sa bansang Israel na rin niya nahanap ang kaniyang mahal sa buhay na si Rey na katulong niya ngayon sa pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Si Rey - isa rin sa mga pinsang mahirap kalimutan. Bagamat hindi namin nakasunong sa iisang bubong , subalit ang mga moment at bonding na oras lalo na nuong aming mga kabataan pa ay hindi malilimutan. Madalas kaming magkakuwentuhan niyan dahil marami kaming pinagkakasunduan . Hanggang sa sumagot rin sa kaway ng tawag ng bansang Israel kasunod ng kaniyang Ate Yolly , hindi na namin siya napigilan . Ngayon siya ay nasa bansang Canada na at duon nahanap ang kaniyang sintang iniibig na si Janeth.

Si Jelyn - isa rin sa pinakapaborito ko at pinakamabait at pinaka close ko sa aking mga pinsan. Nang mapagtantong kailangan niyang mag-abroad upang matupad ang kaniyang mga pangarap hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik  pa. At duon sa Dubai nagtagpo sila ng kaniyang napangasawa na si Eric.

Ang aking pamangkin  na si Jen-Jen . Malapit din sa aking kalooban ang pamangkin kong ito . Bukod sa mabait din naman kasi ay kapanalig ko din sa isang Christian Church dito sa amin . Dahil nais na maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya , piniling makipagsapalaran sa UK nang may kumuha sa kaniya duon upang mag-alaga ng kanilang mga anak .

And then ang isa ko pa ring naka-close lately lamang na si Gladys - na tumulak papuntang Canada . Bagamat sandaling panahon lamang kami nagkasama at nagkakilala ay agad kong nakapalagayang-loob dahil sa likas namang mabait din at masayang kasama itong isang ito . Duon ay pinipilit din niyang buuin ang kaniyang mga pangarap .

And then ay ang isa rin sa mga close kong pinsan na si Mary Grace Briones na kamakailan lamang ay kinailangang sumama sa  kaniyang kabiyak na si Tom Windhausen upang duon ay magpakasal sa States . Sobrang close din ako sa isang ito dahil tunay namang maaasahaan , mapagkakatiwalaan , mabait at masayahin ang taong ito .

At lately nga ay itong si Joy and Jackie na dalawa sa mga pinaka-close ko na ring mga kamag-anak dito.

Lalo na itong si BFF Joy na talaga namang malalim ang aming pinagsamahan.

Daig pa namin ang magkapatid sa aming turingan.

Hindi naman kasi mahirap pakisamahan kaya madali kong nakagaanan ng loob. 

Hayzzz , talagang nalulungkot me as of now .

Wala na tuloy akong ka-jamming dito sa house kapag walang pasok at day-off sa work .

Consider these memorable moments  : ( Hulaan n'yo kung sino sila )

* Kapag nakapaglinis na iyan ng sahig ay hindi ka na puwedeng umapak dito . Kapag umapak ka , siguradong putol ang paa mo he he he . Dapat duon ka lang mag-stay kung saan ka inabutan ng pagpupunas niya ha ha .
* Ang clown ng bayan . Siguradong matatawa ka kapag humirit na siya ng mga banat niya. Ang galing ng sense of humor .  Parang kulang ang araw kapag hindi mo siya narinig na nagpapatawa. Ang Chichay ng aming pamilya .
* Dati kaming pumupunta sa Bibit , isang falls at ilog na malapit sa amin upang duon maglaba at maligo na rin .
Hindi pa kasi uso nuon ang Nawasa sa amin kaya duon lahat ang puntahan ng tao kung tubig ang kailangan . Madaling-araw pa lang ay sabay sabay na kaming nagpupunta duon upang gawin ang aming mga trabaho. Duon na rin kami  naliligo at nagsasabon at nagbabanlaw . Pero pagkatapos maglakad nang halos kalahating kilometro pauwi sa bahay , para din kaming hindi naligo .
* Minsang umuwi ako sa bahay at naabutan kong ang dilim ng buong kabahayan . Akala ko walang tao . Pero andun pala siya sa loob at nag-eemote sa radyo . Sabi ko , " Para kang aswang " ha ha ha .
* Kasabay ko siyang mag-aral sa High School . Sabi nila Papa , para may bantay daw ako kapag nagka-cutting classes . Hindi nila alam , kasama ko siya sa pagka-cutting class he he .
* Ang galing niyang maglinis ng bahay . Kung puwede lang itaob ang buong bahay , gagawin niya para siguradong malinis . Ngayon ay makalat at madumi na ang bahay namin .
* Madalas kaming mag-chess at ako ang laging talo . Ang sarap tumawa  na minsa'y nakakaasar lalo na kapag talo na ako . Minsan may pustahan . Nauubos na ang pera ko sa kakapusta ay hindi pa rin ako nananalo.Waaahhh.
* Lagi rin kaming naglalaro ng Scrabble na halos inaabot ng madaling-araw kasama ang kaniyang kapatid .Pagalingan at patamblingan  sa pagbuo ng iba't ibang mga salita . Bumili pa ako ng Scrabble dictionary para dito . Dahil dito marami kaming nadiskubreng mga bagong salita na hindi namin inakalang nag-eexist pala.
* Minsang inaya ko para magsilbing kostumer sa dati kong trabaho bilang Mystery Shopper . Para ito sa Pizza Hut Cubao at kailangan ko ng dummy para magpapanggap na  kostumer sa loob .  Bongga ang attire niya he he . Talbog ang beauty ko ha ha.
* She's my eternal favorite . Tawa pa lang pangiliti na . Imposibleng hindi ka tatawa sa mga hirit niya . Naging close kami nang minsang makasama ko sa isang negosyo .

Minsan mahirap isipin kung bakit kailangang mangibang-bansa ang isang kakilala?

Para makapagtrabaho nang mas maayos at marangal para mabuhay nang maalwan ang sariling pamilya ?

Para masuportahan at maiahon sa kahirapan  ang pamilyang naiwan  dito sa Pilipinas ?

Upang makapangasawa nang ibang lahi na siyang piniling ibigin at makasama sa habang buhay ?

Maraming dahilan . Iba't-ibang paraan.

Kung sana ay may mas madaling paraan  at mas maraming oportunidad ang maiaalay ng Pilipinas para sa mga Pilipino , hindi na sana iisipin pa ng marami sa atin ang mangibang bansa at duon ay piliing manirahan.

Sana ay magakakasama pa rin kami dito .

Ngunit kailangan , as they say .

Kailangang pansumandaling lumisan.

Kaya tiis-tiis lang muna sa sandaling paghihiwalay .

Dahil balang  araw ay muling magkakasama-sama .

Mas asensado na . Mas progresibo na . Mas marami nang pera .

At mas masaya at maligaya na sa muling pagsasama-sama!

Tuesday, February 21, 2012

Happy 5th Birthday Nuffnang




Aba at birthday pala ng Nuffnang na siyang kinabibilangan kong blog advertising community.

Nakakalimang taon na pala siya sa February 27 , 2012 .

At dahil diyan ay merong Blogger's event sa Podium Mall sa Ortigas Center .



Invited siyempre ang lola mo he he .

Siyempre naman , dadalo ako dahil bigatin ang mga sponsors like these oh .



Blue ang dress code ( of course I will not feel  blue kung ganito kabongga ang event )

HAPPY BIRTHDAY NUFFNANG !

I AM GLAD TO BE A PART OF THE FAMILY !

Monday, February 20, 2012

my 17th inaanak

Nitong nakaraang January 22 , 2012 ay inanak ko sa binyag ang aking pang -17 na godchild .

Kahit papaano ay may kumukuha pa din naman sa inyong lingkod bilang  isang ninong ( o ninang? ) he he.

Kahit na hindi namimigay ng regalo at nagdi-disappearing act  tuwing Pasko at Birthday ni inaanak .

Masarap din naman kasi ang feeling kapag ikaw ay naatasan upang maging ninong o ninang ng isang batang bibinyagan . Ibig sabihin nito ay may kumpiyansa o tiwala sa iyo ang mga magulang ng bata na kukuha sa iyo upang maging pangalawang magulang ng kanilang anak.

At iyan nga ang malaking responsibilidad na nakaatang sa balikat ng isang ninang o ninong para sa kanilang mga inaanak : ang maging mga magulang oras na hindi na ito kayang gampanan ng kanilang mga mismong ama at ina !

Dapat ay kasama ka sa pagpapalaki at paghuhubog sa isip ng bata upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansang ito habang siya ay lumalaki .

Dapat ay hindi lang  dahil sa pera kaya ikaw ay kinuha bilang kanilang mga kumpare o kumare .

Kadalasan , pati ang salik na ito ng pag-aanak sa binyag ay nagiging komersyal na rin at taliwas  sa tunay na layunin  kung bakit kumukuha ng sponsor sa pagbibinyag ng isang bata : ang maraming mapakimkiman o regalong matanggap  kapag Pasko at Birthday !

Kaya naman sangkatutak ang kinukuhang sponsor para sa kanilang baby.

Para sa akin , ay tama na ang dalawa hanggang apat o anim  na pares ng mga ninong at ninang.

At kung hihigit pa diyan , negosyo na ang maitatawag  ko diyan ha ha ha .

Ako nga dalawa lang talaga ang aking mga pangalawang magulang .Ang aking Tiyo Fred at isang ninang na hindi ko na nakagisnan kung ano ang itsura at hindi na rin maalala ni Mother ang pangalan . Balita kasi ni Mother ay nangibang-bansa ito at magmula nuon ay hindi na niya nakita pa .

Kunsabagay nga naman , kapag hindi available ang isa , mayruong pamalit na iba  !

So far ay nakaka labing-pito na nga akong inaanak .

At para maalala ko na rin ang namesung ng bawat isa , ililista ko na rin dito bilang mnemonic :

1.) MacMac Vidallon - una kong naging inaanak when I was just barely legal  . Actually , hinablot lang akong proxy para sa batang ito pero sabi nung aking kumpare ay ako na daw ang talagang ipapalit na ninong dahil hindi sumipot ang original na nakalista . Panakip butas ba ? Nuong baptism day lang na iyon ko nakita ang inaanak kong ito at pagkatapos nuon ay wala na . Balita ko ay umuwi na sila sa Bicol at duon na nanirahan . At ngayon daw ay mas malaki , mas matangkad at may asawa na daw ito ngayon at ilang anak na din . Ako wala pa rin .

2.) Melody Toribio Briones - nauna pang nagka-asawa at nagkaanak kaysa sa akin . Dalawa pa .

3.) Edgardo Briones De Pedro Junior

4.) Christal Mae De Pedro Ranario

5. Timothy Andrew Briones Tabernilla

6.) Shane Ashley De Guzman Briones

7.) Rose De Pedro Sumera

8.) Cindy Micah Garcia Clavo

9.) Faith Victorino

10.) Maria Leanne Gonzales Aquino

11.) Jethro Renz Yana Olivar

12.) Hannah Hernandez Abrenica

13. ) John Russel Serano Victorino

14.) Karen Reyes Llorente  

15.) John Ahlcris Minlay Briones

16.) Andrea Alessandra Briones Mckenzie

17.) Samantha Jericka Borreo Andal

To all my inaanak , sana may pera sa Pasko para hindi tayo mag taguan - pung hi hi hi!

Sunday, February 19, 2012

...OT

Napagmuni-muni ko kamakailan lamang na karamihan pala ng mga salitang Tagalog na nagtatapos sa  dalawang pantig na OT ay karaniwang negatibo o hindi kagandahan ang ibig ipahiwatig na kahulugan .

Take a look at my example:

BANSOT
PANOT
DAMOT
KURIPOT
HABLOT
SABUNOT
BANTOT
LUKOT
BUKTOT
GUSOT
TAKOT
MALIKOT
LAPOT
DAOT
BURAOT
SAKLOT
PAYATOT
LAMBOT
HINDOT
DUGYOT
ENGOT
ASUNGOT
BAGOT
BUBOT
SAPOT
IPOT
BANGUNGOT
HAROT
KULUBOT
SUTSOT
HUTHOT
DUKOT
LUMOT
KULANGOT
LAMUKOT
SULOT
PIKOT
PALUSOT
BUROT
HALIPAROT
SENGLOT
KANGKAROT

Oh davah naman ?

Dahil ...

masaklap kapag NALIMOT

talo tayo kapag may KURAKOT

walang saya ang LUNGKOT

mahapdi ang KIROT

at ayokong ayoko ng  POOT !

at gayundin  ang SUPOT he he he.

Hmmmm , hindi naman siguro sobrang kamalasan at kanegatibuhan ang salitang .... BAYOT  !!!

Huwag naman po!!!

Saturday, February 18, 2012

Banyos , Tawas at Bentosa

It never fails to heal me of my pains and illnesses.

Ito yung pagbabanyos na ginagawa ng aking  Mother dear  sa tuwing ako'y magkakasakit katulad ng lagnat , trangkaso o kahit kaunting sinat man lamang .

Sa simpleng kahulugan ay ito yung paghihilamos o pagbabasa ng katawan sa pamamagitan ng tuwalya o labakara.

Subalit ibang klaseng banyos ang alam ni Mother dear na gawin sa akin sa tuwing ako'y nagkakasakit .

Katulad na lang lately kung saan  ay inatake na naman ako ng trangkaso at  halos hindi makagulapay sa higaan dahil sa sakit ng katawan, ulo at ng mga kasu-kasuan , kasama na ang matinding lagnat at pagsusuka ; ay muling nagpabanyos ako sa aking mahal na ina .

And it never fails to heal me everytime.

Dahil  kinabukasan lamang after ng ritwal na ito ay up and running na naman ang kondisyon ng aking makina na parang bagong recharge at overhaul na para lamang akong nagdahilan kahapon .

Samantalang nitong mga nagdaang araw ay very much under the weather ako at kung anu- anong generic at branded na gamot  na ang aking ininom ay hindi pa rin ako gumagaling .

Subalit si Mother ay isang banyos lamang ay waley agad ang aking karamdaman.

How amazing is it!

Ito yung magpapakulo siya ng suka , tapos ay bubudburan niya ng konting asin , at kapag kumulo na ay kukuha ng labakara o bimpo at siyang ipapahid sa buong katawan ko kasama na ang mga maliliit na siwang ng aking mga daliri sa kamay at paa .

How soothing and relieving the feeling is habang  marahang hinahagod at banayad na hinihilot ni Mother ang aking mga nananakit na kalamnan at kasu-kasuan.

And after that ay magbabalot na ako ng kumot sa buong katawan ko para mainitan .

Kinabukasan , presto , para na lamang akong nagdahilan !

Surely ang mga katutubong ritwal na ganito na natutunan pa daw ni Mother mula sa kaniyang butihing mga magulang , ang aking mga mahal na lolo at lola sa mother side , ay dapat ipinagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon  dahil sa ang mga ito ay may natatagong galing at karisma na hindi maipaliwanag kahit ng pinakamagagaling na siyensya at teknolohiya.

Anong panama ng Alaxan , Biogesic , Tempra , Neozep , Bioflu , Flanax at marami pang mga gamot na ang mamahal ng presyo sa mga katutubong paraan na ito ng pagpapagaling . May interaction pa between the patient and the caregiver.

Isa pang ritwal na nakagisnan ko  sa aking paglaki ay itong tinatawag na bentosa .

Ito naman yung magsisindi ng kapirasong papel at pagkatapos ay saka isusuob sa loob ng baso at sabay itutumba pababa sa parte ng iyong katawan na nananakit katulad ng iyong likod.

Mabisa din ito para sa mga may pasma o iyong nalamigan o nahanginang katawan kaya nananakit . Si Father naman ang madalas gumagawa nito sa amin na namana naman niya mula sa aking lolo at lola sa father side.

At isa pang nami-miss kong ritwal ng pagpapagaling na ginagawa nuon sa akin ng aking mga lolo at lola sa father side ko nuong ako ay paslit pa lamang ay iyong pagtatawas na very effective din .

Ito naman yung pagsisindi ng kandila at pagkatapos ay ipapatak sa isang mangkok na puno ng tubig at matapos ang mga nabuong anyo o hugis sa ibabaw nito ay babasahin ni lola kung ano ang posibleng naging dahilan ng aking pagkakasakit  .

At matapos mabasa ni lola ang mga " rebelasyon " ay saka niya ako papahiran at hihilutin sa buong katawan ko ng gaas na hinaluan ng dahon ng artamesa at oregano . Very effective dahil kinabukasan ay magaling na magaling na ako at sige na naman ang laro sa aming bakuran .

I miss those days when I was young and carefree.

Ito ang mga ritwal ng pagpapagaling na labis kong kinalulugdan .

So mystifying and yet therapeutic and soothing ang effect.

Minsan may mga bagay sa mundong ito na mahirap ipaliwanag ng siyensya at agham.

At sa mga ganitong mga simpleng paniniwala at pananampalataya tayo madalas nakakaraos at manapa'y kumukuha ng lakas para suungin ang mapanghamong kinabukasan.

Salamat sa mga mapag-alagang ina , ama , lolo at lola .

Nang dahil sa inyo ay muli akong sumigla upang magpatuloy na mabuhay nang may kalakasan!

Love you all!!!

Friday, February 17, 2012

Lazarte Vs. Casimero

Very disturbing naman itong video tungkol sa gulong nangyari after ng laban sa pagitan nina Luis Alberto Lazarte ng Argentina at Johnriel Casimero na ating kababayan sa bansang Argentina nitong February 10, 2012 kung saan matapos ipahayag ng announcer na  panalo ang ating kababayang si Lazarte ay inulan ng mga bote , plastic containers at silya ang lona mula sa mga pikon na spectators at fans ng natalong Argentinian .

May kasabihana nga na ang pikon ay laging talo , kaya sa pagkakataong ito ay double lose ang attitude na ipinakita ng mga kababayan ni Evita Peron.

Hindi marunong tumanggap ng pagkatalo pala ang mga Argentinian.

Kitang-kita sa video na may mga sapak at hampas na natamo ang ating magiting na kababayan galing sa mga pikon at galit na mga fans ni Lazarte.

Kawawa tuloy si Casimero .

Hindi kasi maamin na mga Pinoy ang ang naghahari ngayon sa mundo ng boxing nyahahaha!

Sa mga  Argentinians , kayo naman ang dumayo dito sa Pilipinas at nang matikman n'yo rin ang aming pagka ... pikon din ha ha ha.
 
Panuorin ang video dito :

Thursday, February 16, 2012

20/20

Nang magpa-medical check-up ako sa isang klinika at  ineksamin ang aking mga mata , natuwa naman ako sa naging resulta .

20/20daw ang vision ko sabi ni dok .

At  40 years old , masuwerte daw ako na malinaw at acute pa rin ang quality ng vision ko .

Match naman dahil 20 plus 20 equals 40,  davah ha ha ha.

Pinabasa lang naman ako ng Snellen Chart and na-read ko siya mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na letra , up and down , left to right .



Aba at parehong malinaw yan ha , kaliwa at kanan. Kaya naman kahit malayo ang mga boylet , kita ko pa rin kung delicious o panis na he he .

Trulalu , kung yung iba kong friends ay nagsasalamin na , may grado na ang mga lente at apat na ang mga mata , ako , as sharp as an eagles eyes pa rin ang aking vision .

Kayang kaya pang mang-spot ng mga biktimang sisiw  kahit gaano kalayo o kalapit pa  niyan hi hi.

Ito naman ang  maipagmamalaki ko sa aking katawan.

Nuong bata pa ako ay nagagalit ako kapag tinutukso akong kuwago .

Dahil likas daw na malaki at nanlilisik ang aking eyeball lalo na kapag nagagalit .

At isa pa si  Mother sa nag-confirm na  ipinaglihi nga daw niya ako sa kuwago , hmmpp  . Pagtulungan ba ako.

Kaya naman pinangarap ko na maging singkit katulad ng mga Chinese . Kaya nahilig din ako sa mga singkit he he he.

Pero ngayon ay hindi na . Asset ko na ito at ipinagmamalaki.

Mas mabuti nang ganito at least malinaw pa rin .

Kaya naman proud na ako na ganito ang aking mata .

They are truly the windows , and doors na rin of my soul he he.

Eyes eyes baby !

Wednesday, February 15, 2012

I Will Always Love You Whitney Houston



Muling nagulantang ang buong mundo lalo na sa daigdig ng musika nang bumulaga sa mga headlines ng balita ang biglaang pagkamatay ng music icon na si Whitney Houston sa edad na 48 nitong  February 11 , 2012 sa Amerika.

Eternal favorite si Whitney ng maraming tao , me included , dahil sa ganda , kinis at lamyos ng kaniyang mga awitin na tumatak na sa kamalayan ng maraming tao .

With her very powerful vocal performance coupled with enigmatic charisma she has captured a wide audience of people who tirelessly listens to her songs and performances everywhere.

Personal favorites ko mula sa mahabang listahan niya ng kaniyang discography na puro mga award-winning , chart-topping and bestselling songs ay ang mga sumusunod : Hold Me ( with Teddy Pendergrass ) , You Give Good Love , Saving All My Love For You , The Greatest Love of All , Didn't We Almost Have It All , Where Do Broken Hearts Go? , One Moment In Time , All The Man That I Need , Miracle , I Will Always Love You , I Have Nothing , Run To You , Try It On My Own at marami pang iba na sadyang magaganda at appealing sa masa.

Hindi makukumpleto ang mga singing contests , musical challenges and shows , videoke clubs , singing venues o kahit sa mga simpleng rakrakan at kantahan sa kalsada kung walang kanta ni Whitney Houston na sasabayan ng balana.

It seems that every person is one in singing or humming her songs .

Without a doubt , she is very influential to most of us .

Kaya naman tunay na nakakalungkot ang kaniyang biglaang pagkawala sa ating kalagitnaan.

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin makumpleto ang detalye kung paano siya namatay .

Masalimuot din ang naging buhay ng ating paboritong aktres at mang-aawit .

At alam naman ng marami kung paano naging magulo ang buhay niya mula nang mapangasawa ang singer/songwriter na si Bobby Brown at ma-involve silang mag-asawa sa  droga .

Dahilan pa nga ito upang maging ang kaniyang boses mismo ay maapektuhan at masira upang mawala sa timbre at kalibre.

Nagpahinga na ang ating Queen Diva .

Ang tanging masasabi ko na lamang sa kaniya:

I Will Always Love You Whitney !

Paalam!

Tuesday, February 14, 2012

Happy Valentines Day ? ... Funny but true ...

At dahil araw daw ng mga puso(n) ngayon , Happy Valentines Day sa mga may karugs ang puso unlike me na missing in action ang another half ng  aking heartlalu hu hu hu.

Sa mga magiging dahilan para magpaskil ang mga roomboy ng " No Vacancy " signs sa mga doors ng Sogo at Victoria Court , ingat lang and always " TRUST " your partner huh !

At dahil nga Valentines Day ngayon at dahil nga betlog , zilch , nada or love ( zero score sa tennis ) ang aking   lovelife , change topic tayo he he he.

Heto na lang ang ating ipo-post na walang walang kinalaman tungkol sa Valentines Day ha ha ha.

Kayo na lang ang bahalang kumonek kung makakakonek kayo he he.
( Alam mo na ngayon kung bakit ganiyan ang title )

Hmmm ... this is funny but true !

PAYABANGAN…
WIKIPEDIA: I know everything!
GOOGLE: I have eve­rything!
FACEBOOK: I know everyone!
TWITTER: I know what you guys think!
INTERNET: Without me, you guys are nothing.
MERALCO: Eh kung wala ako , nandiyan ba kayo?
GENERATOR: Kahit wala ka , meron pa rin !
GASOLINA: Excuse me ! Kung wala ako , wala ka rin!

BATTERY: Eksena pa ba kayo!
TAO: Wala kayong silbi kung hindi ko kayo ginawa!
DIYOS: Magsitigil nga kayo !( Kumidlat ,  kumulog at bumagyo ng malakas )

Monday, February 13, 2012

Most prestigious beauty pageants

Apat ang kinikilala bilang pinakaprestihiyosong mga beauty pageants sa buong mundo .

Ito ay ang Miss Universe , Miss International , Miss World at Miss Earth.



1.) MISS UNIVERSE - ang kinikilala bilang pinakasikat at pinakaprestihoyosong patimpalak kagandahan para sa mga kababaihan sa buong mundo. Pinasimulan nuong 1952 ng Pacific Mills Clothing Company based in California , unti unti itong lumago at lumawak at ngayon ay siyang nangungunang basehan ng pagkilala sa pinakamagaganda at pinakamatatalinong mga babae in  the whole wide universe .Sa ngayon ito ay pinamamahalaan na ng Miss Universe Organization sa ilalim ng pamumuno ni Donald Trump . Ang headquarter nito ay nasa New York City . Mayruon na tayong dalawang naging Miss Universe sa katauhan nila 1969 Miss Universe Gloria Diaz  at 1973 Miss Universe Margie Moran . Dalawang beses na tayo nag-host ng Miss Universe , nuong 1974 at 1994 . USA ang may pinakamaraming Miss Universe na naipanalo na umaabot sa pito . Sumunod ang Venezuela na mayruong anim.


2.) MISS INTERNATIONAL - sinimulan nuong  1960 sa Long Beach , California . Ang headqurter nito ay nasa Japan kung saan idinaraos ito taun-taon simula nuong 1968. Pinakamaraming titleholders ang Venezuela na mayruong anim. At pumapangalawa ang Pilipinas na mayruong apat. Una tayong nagkaruon ng Miss International in the person of Gemma Cruz in 1964. Sumunod ay nuong 1973 with Aurora Pijuan. And then nuong 1979 with Melanie Marquez. At last ay nuong 2005 with Precious Lara Quigaman.

3.) MISS WORLD - sinimulan nuong 1951 ni Eric Morley sa UK. Ang headquarter nito ay nasa London , UK. Sadly hindi pa tayo nananalo ng kahit isang korona mula sa patimpalak na ito . Ang pinakamalapit na naabot natin sa pageant na ito ay nitong 2011 kung saan ay nanalong 1st runner up si Gwendoline Ruais. Pinakamarami pa ding nai-produce na Miss World ay ang Venezuela na may anim. Sumunod ang India na may lima.



4.) MISS EARTH - ang beauty pageant na sariling atin . Pinasimulan ni Ramon Monzon nuong 2001 sa ilalim ng kumpanyang Carousel Productions. Ang headquarter ay nasa Pilipinas . Nagkaruon na tayo ng isang Miss Earth in the person of  Karla Henry nuong 2008.

Isinulat ko ito bilang tribute sa ating mga kababaihang tunay namang magaganda at matatalino sa katunayang angat tayo at kinikilala sa buong mundo .

Patunay ang pagkilala sa mga  Pilipina sa larangan ng pagandahan .

Mabuhay ang mga Pilipina !

Sunday, February 12, 2012

Chesa

Nakakita ako ng isang piraso ng prutas na chesa sa aming bahay kahapon .

At nang tanungin ko kung sino sa amin ang kumakain ng chesa , ay sinabi ng aking kapatid na ang kaniyang asawa daw ang lumalantak nito .

Hmmmm , diyatat may kumakain pala ng chesa sa aming pamilya .

Eversince kasi kahit nuong mga bata pa kami ay never naming naging paborito ang prutas na ito .

Bukod kasi sa mabaho ang amoy ay lasang ebak pa ang bunga nito davah .( pati ang kulay at texture he he )

Parang nagmana lang sa durian he he .

Ngunit mistulang mas masahol pa ito sa durian eh . Dahil ang durian ay natitiis ko pang kainin . Pero ito ay hindi talaga pramis !

Never talaga naming nagustuhan ang lasa at amoy nitong fruits na itechi.

At ewan ko ba kung bakit nagugustuhan ito ng iba . Sadya talagang iba iba ang panlasa ng mga tao .

Ayon sa Wikipedia , Canistel o Egg Fruit o Yellow Sapote ang English name ng prutas na itech . At Pouteria campechiana ang kaniyang scientific name.




Ikaw gusto mo ng chesa ?

Saturday, February 11, 2012

I have 5 fingers ...

I have 5 Fingers for these reasons:

-my LITTLE FINGER to make a promise to my best friend.

-my RING FINGER for someone special when the right time comes.

-my MIDDLE FINGER to those who hate me.

-my INDEX FINGER to silence those who speak ill of me.

-and my THUMB to show the rest of the world that I will be fine no matter how hard life is :)

Friday, February 10, 2012

Life is fair after all ...

Many people say that life for them is unfair.

That is not true.

The truth is life is unfair to me.

Life is unfair to you.

Life is unfair to him.

Life is unfair to her.

In fact , life is unfair to each and everyone of us !

Therefore I conclude.

If  life is in fact unfair to each and everyone of us , then ...

Life may be fair after all !!!!


Yeah , right ...
   

Thursday, February 9, 2012

Visayas Earthquake

Niyanig ng 6.9 na lindol ang Gitnang Visayas at ilang bahagi ng Mindanao partikular sa Negros Oriental , Panay at Cebu malapit ang epicenter nitong nakaraang Lunes , Pebrero 6 , 2012 .

Marami ang napinsalang mga istruktura , pasilidad , kabahayan , gusali at lansangan dahil sa nasabing lindol .

Kabi-kabila din ang mga landslide .

Ayon sa huling report , nasa mahigit 50 na ang bilang ng mga namamatay . At marami pa ang nawawala at hindi nahahanap sa mga nangyaring pagguho ng lupa at gusali.

At ayon naman sa Phivolcs , bagong nadiskubreng fault line daw ang gumalaw na ito sa ilalim ng lupa .

Buti na lang at hindi ito nagdulot ng tsunami .

Let's pray hard for all the victims and their families.

Let's pray to God , He  is our last hope.

Sana naman hindi iyan umabot at mangyari dito sa Maynila kung saan mas maraming mapipinsala.

God help us !

These images are from Pinoy 247 Blogsite








Wednesday, February 8, 2012

10 Pearls Of Wisdom


10 Pearls of Wisdom



1. Money can't buy happiness, but somehow it's more 
comfortable to cry in a BMW than in a bicycle.

2. Forgive your enemy but remember the bastard's 
name.

3. Help a man when he's in trouble and he will remember you when he's in trouble again.

4. Many people are alive only because it's a criminal 
act to shoot them.

5. Alcohol doesn't solve any problems, but then again,neither does milk.

6. No one is ever busy in his/her life, its just you are 
not his/her priorities.

7. Love doesn't start in morning and doesn't end in 
evening. It starts when you don't need it and it ends 
when you need it most.

8. Tears don't come when you miss a person but they 
come when you don't want to miss a person.

9. Never raise your voice,just improve the quality of 
your tone.

10. Life is much like a Facebook.People will like your 
problems and comment but no one's gonna solve 
them. Because everybody seems so busy in updating 
their own status.


Tuesday, February 7, 2012

Jokes from Princess Cruz

And now it's time for Princess Cruz's Jokes to make us smile and be happy!




Sa kalagitnaan ng giyera :

Pedro: Sumuko na kayo! Wala rin kayong mapapala.

Terorista: Susuko lang kami kung mai-spell mo ang ceasefire!

Pedro: Ituloy ang laban! Patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
 

Terorista: Spell crysanthemum?
 

Pedro: Sabi ko rose ! Bingi ka yata eh ! Laban kung laban ! Walang ispelingan !


__________________________________________________

Magkakabarkada nagyayabangan sa brief :

Romeo: Pare yung brief ko hindi T-back ... no back ... ha ha ha.

Gilson: Pare wala iyan sa brief ko ... sa akin puwedeng side A at side B ... ha ha ha.

Pedro: Yuck ... grabe naman iyan ... pare yung brief ko parang pelikula na blockbuster.

Romeo and Gilson: Bakit ...?!

Pedro: Blockbuster kasi ...

NOW ON ITS SECOND WEEK!

_______________________________________________


Teacher: Class para sa ating art subject mag-drawing kayo ng mga yamang dagat.

Class: Yes mam!

Teacher: Ikaw Pedro,anong dinrawing mo?

Pedro: Starfish po!

Teacher: Very good! Ikaw naman Buknoy ano yan?

Buknoy: Fish po at octopus.

Teacher: Galing naman! At ikaw Juan? Bakit ang dumi dumi ng gawa mo, kalat kalat at puro bura, untidy!

Juan: Walang pakialamanan Mam! Bagoong itong dinodrawing ko eh!


__________________________________________________

Tonyo: Pareng Betong, bakit parang badtrip ka ngayon?

Betong: Nababanas na kasi ako duon sa taong grasa na tumatambay sa labas ng bahay. 


Pinagtitripan yung Pajero 4x4 ko,lagi na lang sinusulatan ng ' = 16 '. Malaki na ang 

nagagastos ko sa talyer!
 


Tonyo: Madali lang yan pare. Para di ka na maperwisyo, magpasadya ka na lang sa talyer.

Ipalagay mo na 4x4=16 para di na niya sulatan pa ang kotse mo.

(Sinunod nga ni Betong ang payo ng kumpare.Tatlong araw na hindi nambwisit ang taong 


grasa.Hanggang isang umaga, galit na galit na sumugod si Betong sa bahay ni Tonyo)

Tonyo: O pare anong problema?!

Betong: Pare samahan mo ako! Hantingin natin yung taong grasa! Papatayin ko sya!

Tonyo: Bakit? Di ba may = 16 na ung 4x4 mo?

Betong: Oo nga! Kaso yung 4x4=16 tsinekan niya pare! Tapos sinulatan pa ng CORRECTED 


BY!! Papatayin ko siya promise.


___________________________________________________

Sa mental hospital, may dalawang baliw na may planong tumakas:

Pedro: Pareng Juan, tatakas tayo mamayang gabi ha

Juan: Paano pare?

Pedro: Sisirain natin yung lock sa gate.

Juan: Sige sige, game ako diyan.

*Nasa gate na sila*

Juan: Pareng  Pedro ... may problema tayo ... bukas ang lock sa gate ... wala tayong sisirain

Pedro: Napakabobo mo naman Juan, eh di i-lock mo saka natin sirain.


__________________________________________________

Peter: Hi miss, I'm PETER but not the Saint.

Chicks: (smiling)

Paul: I'm PAUL, but not the Pope.

Chicks: (still smiling)

John: I'm JOHN, but not the Baptist.

Chicks: (full of smile) Hello. I'm MARY, but not the virgin







Monday, February 6, 2012

It's Showtime

Ngayon magsisimula ang bagong noontime show ng ABS CBN na pinamagatang It's Showtime.

Bale reformatted Showtime lamang ito na  dating nasa earlier time slot. Same cast and staff pa rin . Ewan lang  kung same format pa rin

Pantapat na naman daw sa Eat Bulaga na hindi matibag-tibag sa pagiging number one noontime show eversince the world began he he .

Ang dami na ngang tumapat sa Eat Bulaga  na iyan pero hanggang ngayon ay nananatiling nakatindig nang makisig.

Establisado naman na kasi ang show na iyan kaya mahirap nang tibagin kahit sino at ano pa ang itapat.

Kung baga sa puno ay malalim na ang ugat at pagkakabaon kaya mahirap nang patumbahin.

Ang sabi nga, you cannot put a good show down.

Marami-rami na ring bumangga sa Eat Bulaga  pero nananatiling solid dabarkads ang malaganap na show na ito .

Para kang bumangga sa pader kung ide-direct hit mo ito and  with the strong foundation of  Bossing Vic Sotto and Joey DeLeon , mahirap na talagang gibain ang  malalim na pundasyon nito.

Medyo nakakadikit at minsa'y nakakaungos na sana ang dating Wowowee show ng nawiwiling si Willie pero natigbak naman dahil sa kahambugan at kaepalan nitong si Wawawillie.

At nang  lumipat sa Channel 5 ay hindi na piniling makipagsabayan sa Eat Bulaga ang kaniyang show na Willtime Bigtime. Nabahag ang buntot ?

Marami pa ang pumalit at sinubukang makipag-kumpitensya sa Eat bulaga pero lahat sila ay nagsipagtumbahan na parang chess pawn  laban sa reyna at haring EB Dabarkads.

Napansin ko lang na sa lahat ng show na kumalaban sa EB ay laging nanduon si Pokwang bilang isa sa mga host, hindi kaya may balat sa puwet ang babaeng baklang ito ? 

At humahalakhak kaya si Mariel Rodriguez dahil sinasabing tama ang desisyon niyang lumipat sa TV 5 dahilna upang hindi siya masama sa pagkaligwak ng show na HYY ?

Nangingiti rin kaya si Willieboy dahil kasamang natsugi ng show ang bestfriend na si John Estrada na nuon ay kaniyang pinagalitan at nakasamaan ng loob dahil nasa Channel 5 na ay mas piniling bumalik sa Channel 2 upang maging Kapamilya?

Ano kaya ang masasabi ni Toni Gonzaga at ng Sex Bomb Girls na tumapat sa dati nilang mga bossing sa Eat Bulaga ?

At si Rico J. Puno , hindi nga ba tanggap ng mga manunuod bilang noontime show host dahil gurangski na at napapanot na ang buhok sa ulo ?

At ito namang si Randy Santiago , aba tila kasali rin lagi sa mga lunch dates na laging natitigbak huh ! May kinalaman kaya dito ang kaniyang shades ?

Si Bentong , ah mukhang lagi rin siyang kasama sa mga napapalakol na show ng ABS CBN , malas din kaya ang Bentong Balentong  na ito ?

Ha ha . ang daming tanong , walang kasagutan.

Hala at tingnan na lang natin kung ano ang magiging performance level ng It's Showtime sa back to back event ng mga dramang ito  sa tanghalian .

If ever na matsugi na naman ang show na ito laban sa EB ay iba na ang magiging title nito : It's Shootime !

It's now Petrang Kabayo and Ambisyosa versus The Solid Dabarkads !

It's Eat Bulaga Showtime !

Sunday, February 5, 2012

phases of life


I love this picture 

It clearly shows the phases of  what we call life 

From birth to death 

From spring to fall

 From light to dark

From being together to being alone 

From being young to becoming old 

From happiness to sadness 

It made me think  and realize more about life's fleeting

Beginning and ending !!!

Saturday, February 4, 2012

Who's That Girl ? - Guy Sebastian featuring Eve

Luma na ang awiting ito pero ngayon ko lang na-discover dahil sa " Who's The Girl? " contest ng HYY .

A favorite dance tune coming from " Angels Brought Me Here " crooner Guy Sebastian.

This time the title is Who's That Girl ? 

Very danceable at madaling sabayan ang beat .

Video is here :

Friday, February 3, 2012

Brawn over beauty

Scary Female Bodybuilder.

Iyan ang titulo ng isang MSN article tungkol sa mga babaeng bodybuilders na sa laki at bulto ng katawan ay aakalain mo nang tunay na lalaki.

Truly nakakatakot na sila .

Hindi na sila mukhang babae . Mga anyong lalaki na sila .

Dahil lahat nga daw nang kayang gawin ng isang lalaki ay kaya din daw ng mga babae.

Nag-iiba na nga ang mundo .

Ang mga lalaki ay nagpapakababae. At ang mga babae naman , nagpapakalalaki . Awww.

Tignan ninyo :





Thursday, February 2, 2012

R.I.P. Rep. Iggy Arroyo aka Jose Pidal



Sa pagkamatay ni Negros Occidental Representative Ignacio Tuason  " Iggy "  Arroyo Junior nitong January 26 ,  2012 - kapatid ng dating First Gentleman Mike Arroyo at bayaw ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo - I guess tuluyan na ring mababaon sa kawalan ang kakambal at anino nito na si Jose Pidal .

Pihadong isa na naman ito sa libu-libong kaso ng pagkalimot na tuluyan nang naibaon sa hukay kasama sa kamatayan ng mga sangkot  na personalidad.

Nanggigilalas lamang ako kung paanong hanggang sa libingan ay nadadala ng ilang mga tao ang kasinungalingan at kasalanan.

Ang sabi nila , ang tao daw na malapit nang mamatay ay hindi na magsisinungaling .

Hmmmm.

Paano kaya sila haharap sa ating Ama Ng katotohanan ?

Kaya duon sa mga patuloy pang nabubuhay , habang may panahon pa , aminin na ang anumang dapat aminin at ibulgar na ang buong katotohanan !

Dahil mas masarap pa rin ang magpahinga ng may malinis na kunsensya , kaysa humimlay na batbat ng kontrobersya !

May he truly rest in peace !

Wednesday, February 1, 2012

.... ang mga baboy ....


Ba't ikaw anong nakikita mo?

Two Big Pigs and One Little Pig yan noh !!!

'Wag kang bastos , ha ha ha ...