TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 31, 2012

Music sampling


 Usong uso na itong music sampling ngayon.

Ito yung kukuha ka lang ng part ng isang lumang kanta at ilalapat mo para maging bagong kanta .

Marami na ang gumagawa nito lalo na sa US.

Usually ay beat ng isang lumang awitin , tapos ay isasama o isasample nila sa bagong kanta nila ., at presto , meron ka nang bagong song na ipapauso.

Madaya ang ganitong klase ng kanta , dahil kung hindi mo kabisado ang mga lumang awitin ay aakalain mong original composition talaga ito ng singer ngayon.

Karaniwan ay sa rap song ito nakikita na ang chorus ay sample ng isang lumang kanta . Usually ay iba na rin  ang lyrics nito , beat lang at rhythm ang pareho.

Kitang ito sa mga kantang Ice Ice Baby by Vanilla Ice na sample ng Under Pressure ng Queen.

Another one is U Can't Touch This by MC Hammer na sample naman ng Super Freak ni Rick James .

Ngayon ay nandiyan ang Clumsy ni Fergie na sample ng The Girl Can't Help It ni Little Richard .

At ang Solo ni Iyaz na sample naman ng Again ni Janet Jackson .

Nandiyan din ang On The Floor ni Jennifer Lopez na may sample ng Lambada ng Kaoma which in turn ay sample naman ng  Llorando Se Fue nina Gonzalo and Ulises Hermosa .

Very evident din ang sample ng (I've Had) The Time Of My Life nina Bill Medley and Jennifer Warnes sa awiting The Time ( Dirty Bit ) ng Black Eyed Peas.

Ilan pa sa mga kilalang sample ay sa kantang Stan ni Eminem na may sample ng Thank You ni Dido.

Angel ni Shaggy na may sample ng Angel Of  The Morning ni Juice Newton .

I'll Be Missing You na may sample ng Every Breath You Take ng The Police .

Ganundin ang Gangsta's Paradise ni Coolio na may sample ng Pastime Paradise ni Stevie Wonder.

At marami pang iba.

At maging dito rin sa Pinas ay uso ito katulad ng sa Stupid Love ng Salbakuta na may  sample ng Evergreen ni Barbra Streisand .

Maraming legal issues tungkol sa sampling . Ngunit karaniwan ay walang royalty na nakukuha ang mga original artist mula sa pag-sample ng kanilang mga kanta .



Hindi naman siguro nauubusan na ng melody o ritmo ang ating mga musicians kaya kumukuha na lang sila ng sample mula sa mga klasiko at lumang awitin hmmmm?

Hindi naman yata.

Tamad na lang siguro mag-compose ang ilang mga composer natin he he .

Wala  lang .

Just an observation .

Sabi nga sa Showtime , " sample ! sample ! sample "

Eh kung sampulan kaya kita diyan huh !

Monday, January 30, 2012

Pusong Bato

Dahil sa pagsisintir ko sa videoke machines  nitong nakaraang mga araw ay natisod ko ang awiting ito .

Ang title : PUSONG BATO .

Madami niyan sa atin he he he.

Ewan lang , nainlab lang ako sa kakaibang himig at melodiya ng kanta nang marinig kong inaawit ng isang paslit .

Ayon kay Google , original na kumanta nito ay si Aimee Torres .

At ngayon ay may version si Jorel Marquez .

Mas sumikat ang version ni Jorel ngayon at klik na klik sa mga bagets .

Halos naka-apat nga na tirada ito mula sa mga batang kasabayan kong bumirit .

Jologs na kung jologs basta bet na bet ko ang awiting ito ha .

 Heto ang mga videos :

Ang version ni Jorel Marquez



Ang original ni Aimee Torres



The remix version

Sunday, January 29, 2012

Tanduay Ice new flavors and colors

Aba at may bago palang mga flavors and colors ang paborito kong Tanduay  Ice .

Ito ay ang Red Mirage at  Blue Illusion.

Lumelevel-up ang lolah .

Ang Blue  Illusion flavor ay medyo may konting pait pa rin like its predecessor na classic white .

Pero itong Red Mirage ay wala ka ng pait na malalasahan. Para ka na lang umiinom ng softdrinks o juices nito

Kaya naman nitong nakaraang birthday ng aking tiyuhin kung saan ay nagkaruon ng tagayan session ay itong Tanduay Ice ang tinungga ko at ginawang " panulak "

At dahil nga wala nang bitterness ang alcohol mix na ito ay hindi ko namalayang naka-anim na bote na pala ako .

At kahit pala wala siyang pait na lasa , aba , matindi naman pala ang epekto ng alkohol nito sa katawan dahil nahilo na  ako at halos hindi makatayo dahil dito . Bangenge ang lolah n'yo he he . Ang galing lang makapandaya huh !

This is what I call , simple pero rock !

Kaya naman nang pababa na ako ng hagdan papunta  sa aming bahay para bumorlog na , natumba ako at nadulas dahil sa sobrang pagkaliyo ha ha ha .

Sa susunod nga, lagyan n'yo na  lang ng bitterness para hindi maparami ang tagay ko ha .

Kaya , drink moderately pa rin kahit masarap ang bawal he he he .

Saturday, January 28, 2012

Quantumin

Lagi akong harassed at haggardness dahil sa dami ng mga kabisihan ko .

Kung puwede nga lang magtrabaho kahit tulog gagawin ko .

Ikaw na ang may negosyo , may part time job pa  at may blogsite na mine-maintain araw araw kung hindi ka pa magkandaugaga , ewan ko na lang .

Tapos may rampa at lakwatsa moment pa , ako  na please !

Wala na nga lang sexlife he he ( insert duda here hmmmm  ).

At dahil diyan , kailangan ko ng extra powers coming from vitamins and minerals eklavu !

Kaya naman , hindi ko nakakalimutang uminom ng Cobra , Sting , Lipovitan , Red Bull at kung anu-ano pang mga drinks na pampagana  pampalibog  he he he .

At dagdag pa sa mga  daily regimen na iniinom ko  ay ang Quantumin.

Actually one drop lang ang kailangan ko ng food supplement na ito ay energy on the go na tayo at ready to get get awwwww!!!

Nabisto ko ito sa palabas  na Kabuhayang Swak Na Swak with Bobby Yan and Dimples Romana sa Channel 2.

Nakakagamot din siya ng maraming sakit at karamdaman .

At walang side effect .

Walang halong echos , mabisa talaga siya . Kaya naman I never let a day pass by na hindi ako nakakainom ng food supplement na ito .

One drop lang na ipapatak mo sa isang basong tubig ay solb na solb ka na.

At kung meron ka namang mga karamdaman like diabetes , hypertension , heart disease , kidney trouble , rheumatism at marami pang iba , puwede mo rin siyang ipahid o inumin nang may mas madami-daming patak para mas epektibo  .

Ang mga sangkap nito ay mga minerals na siyang nagpapalakas at nagpapatibay sa ating resistensya ; meron din siyang Fulvic and Humic substances na nakakatulong upang mas maging receptible ang ating cell walls sa pagkuha ng mga minerals ; at meron ding Zeolite na siya namang nag-aalis ng mga pollutants sa ating katawan at ipina-flush ito palabas ng ating sistema . For more information , you can visit the link here para mas lalo kayong maliwanagan: What are the Quantumin ingredients ?

And for more product info go to their website here : Quantumin Website

QUANTUMIN : YOUR GATEWAY INTO THE FUTURE OF MEDICINE

Friday, January 27, 2012

Blogger Of The Month presents Binibining Melanie of Todo Sa Bongga

Tulad ng unang nabanggit ko nitong nakarang January 1 post ko , pasisimulan ko this year  ang pagpi-feature ng mga bloggers every month .

At least one blogger ang pipiliin nating i-feature monthly .

Ito ay para mas makilala pa natin nang lubusan ang mga personalidad na ito sa mundo ng blogospero .

Bale slum book type lamang ito ng mga tanong na  may kasamang mga pang Miss Universe questions for added spice he he .

At bilang unang pasabog at sultada nang nagbabagang artikulong ito ay aking ipiniprisinta si Binibining Melanie ng Todo Sa Bongga blogsite .

Sabay sabay nating kilalanin at i-welcome si Ms. Melanie sa pamamagitan ng artikulong ito (drumroll please):


PERSONAL INFORMATION PLEASE
Name : Binibining Melanie 
Pen Name or Alias : Yung nasa taas
Blogsite : http://todosabongga.blogspot.com
Birthday and Birthplace : April 23
Height : 5'11''
Weight : Di ko alam pero underweight ako
Color of eyes : Blue (ambisyosa)
Color of skin : Kutis porselana (feelingera)
Color of hair : Red (salamat sa libreng pakulay)
Religion : RC (cola)
School : Iskolar ng Bayan
Company : Makati sa umaga, Quezon Avenue sa gabi (chos!)
 
 
YOUR PERSONAL FAVORITES
Food : Basta hindi gulay at Snacku
Hobby : Magpantasya ng kalalakihan
Hang-out : Bahay - opisina, Opisina - bahay
Animal / Pet : Hindi ako mahilig sa pets eh
Quotation / Motto : Hindi ako sabik... hayok lang.
Movie : Romantic Korean movies, classic tagalog movies, gay indie
films (na maraming frontals), tsaka mga pelikulang madaling intindihin
at hindi ka na pag-iisipin.
Song : Paborito ko sina Kylie Minogue, Mariah Carey at boybands na
gwapo ang members.
Personality / Celebrity  : Basta mga artistang marunong magdala ng
karakter hindi lang puro arte at inarte.
Blogsite : Manila Gay Guy, Lexuality, Mandaya Moore
Perfume : Hindi ako gumagamit masyado ng perfume puwera na lang kapag
may engrandeng okasyon.
TV Show : Miss Universe, Bb. Pilipinas, Koreanovelas (na gwapo ang leading man)
Book : None in particular. Kung ano lang makakuha ng attention ko sa bookstores.
Attire / Costume : Pokpok attire
Country / Place : Hindi pa yata ako nakakalabas ng NCR eh pero bet ko
mamasyal sa Bohol at Palawan. Kapag mayaman na ako, sa Europe ako
lilipad.
 
 
PERSONAL QUESTION
When did you start blogging and why ? Noong unang araw ng 2010.
Nagsimula ako sa ideyang mag e-eleksyon at wala pang campaign period
eh nagkalat na ang campaign materials sa paligid. Balak ko sana silang
okrayin.
What is your wildest dreams ? Makipaglampungan sa mga lalaking
pinantasya at pinapantasya ko.
Any  lovelife that you want to share with us ? Pwedeng next question na lang.
How about sexlife ? Ay! Balik na lang tayo dun sa previous question hehehehe.
What is life to you ? Ang buhay ay dapat ine-enjoy sa tamang paraan.
Ideal man / woman : 'Yung mga lalaking nasa blog ko. Pero kung
kailangan talaga ng description eh si Prince Harry na lang.
Define success: Success eh yung maligaya ka sa ginagawa mo.
Do you believe in God / Faith ? Oo. Mahirap kung wala kang pinaniniwalaan.
Ideal place to live in :  Buckingham Palace
 
 
NOT SO PERSONAL QUESTION
If you have a chance to asks God about anything, what would your question be?
Wala akong karapatang kuwestiyonin ang Diyos.
If you were given a chance to commit a crime and get away with it ,
what kind of crime would you like to commit ? Pwede bang reypin ako ng
mga masasarap na lalaki? Hihihi...
If you were to be endowed with a superpower, what would be it and why?
Hhhmmm... Hindi ko naman pinangarap magkaroon ng superpower eh pero
bet na bet ko noong bata pa ako si Storm. Aliw ako sa costume at hikaw
niyang hugis kidlat.
 
 
PERSONAL MESSAGE
Last message or expression : Ang buhay ay TODO SA BONGGA!
 
 
_______________________________________________________________
 
O ha , iyan si Binibining Melanie ... Todo Talaga Sa Bongga !!! 
Hopefully , isa sa maging founding member ng itatayo nating B.E.K.I. group he he .
 
See you next month for another blogger worthy of featuring here  !!!
 
Pak na pak!!! 

Thursday, January 26, 2012

piracy is alive and kicking ... again ...

Buhay na buhay na naman pala ang kalakalan ng mga pirated optical media discs sa Barter sa Quiapo , Maynila .

Pagpunta ko duon nuong isang araw ay umaalagwa at alive and kicking na naman ang bentahan  ng mga piniratang CD , DVD , VCD at kung anu-ano pa sa parteng ito ng Maynila.

Sa palagay ko ay mahirap na talagang masugpo totally ang ganitong uri ng komersyo hangga't may mga mahihirap na tumatangkilik dito ( katulad ko he he he )

You have to eradicate poverty first bago mo tuluyang mabura ang sinasabi daw na  iligal na gawaing ito.

Hanggat mura ang mga ganitong klaseng piniratang bilihin at hanggat mahal ang mga orihinal naman na katumbas nito  , sa palagay ko ay malabong maipatupad ang tuluyang pagkawala sa merkado ng mga kalakal na ito .

Ang matagal ko nang suhestyon : babaan pa kung hindi man maipantay ang presyo ng mga orihinal na CD katulad ng sa mga pinirata. At nang sa gayon , mayaman man o mahirap , parehong can afford nang bumili ng original na CD .

At please lang , babaan ang presyo ng tiket sa mga sinehan na abot langit ang taas !

Para sumaya ang Pilipinas !

Eh kung si Presidential Adviser Ronald Llamas nga  bumibili ng pirated eh super yaman na ako pa kaya ang hindi na isang kahig isang tuka lamang , choz!



Anyways ,  heto ang mga nabili ko lately :



Kailangan ko ngayon nitong mag-movie marathon ha ha ha.

Enjoy , relax and watch a movie at the convenience of my sofa bed he he he .

Wednesday, January 25, 2012

Tuesday, January 24, 2012

CAMTICA

Isa munang patalastas mula sa :


CAMTICA


CAMTICA - it enables you to create professional screen recordings, presentations, tutorials and more. You can record any desktop activity with voice, webcam and animated mouse clicks. The resulting video can be saved in various formats including AVI and WMV.



Why do you need CAMTICA?

* To create professional screen recordings, demonstrations, presentations, screencasts, tutorials and more
* To generate effective videos that help you train, teach, sell and more
* To create demonstration videos for any software program
* To show customers how to use your product
* To create on-demand interactive training, tutorials for school or college class
* To create a set of videos answering your most frequently asked questions
* To share your recordings on YouTube, Screencast.com and other videos sites



Features:

* Records entire desktop, selected rectangle region, dynamic region around mouse cursor, webcam
* Records anything on the screen including windows, objects, menus, full screen and rectangular regions
* Records desktop screen with audio and webcam together
* Personalizing your videos by including a  webcam movie of yourself over your desktop at any position
* Records video chats, Skype video calls, games, flash movies played on sites
* Mouse highlighting spotlights the location of the cursor
* Records video in many video file formats including AVI and WMV
* Supports various video and audio codecs
* Free support and advice
* Free lifetime updates and upgrades
* System requirements: Windows XP/2000/2003/Vista/Windows 7



It’s easy to use as one, two, three. And it's as simple as ABC .

You may get more information about Camtica 4.3 here:
http://jiteco.com/screen_recorder_software.html

Here is a link to download Camtica 4.3:
http://jiteco.com/download/camtica/camtica.exe


The end !

And now back to regular programming ...

Monday, January 23, 2012

5 tips on how to burn calories without even going to the gym ...

Opo , ako na ang fitness guru na magbibigay sa inyo ng 5 tips para makapagsunog ng calories kahit na hindi ka na pumunta ng gym .

Choz .

Sa totoo lang kahit nasa bahay ka  o trabaho mo at  ginagampanan ang iyong daily routine or activity ay puwede ka nang maging fit  nang hindi ka na kinakailangang magbayad pa ng maharlika sa mga fitness club or gym na iyan , especially kung tight ang budget mo like me ha ha ha. Plus the fact na umuubos ka ng maraming oras para lamang sa mga exercise regimen na ginagawa mo inside a gym .

Hindi natin namamalayan pero kahit pala ang mga simpleng activities like these ay malaki ang naitutulong for us to stay fit and healthy .

Heto na ang mga tips :

1.) CLEAN YOUR HOUSE


Opo , maglinis ka naman ng bahay mo .Baka puro agiw  na ang kisame ng house mo ,aba'y pagpagin mo naman iyan . Hindi ka naman si Spiderman para mag-imbak ng mga sapot na 'yan noh. Halimbawa magbunot ka ng sahig mo . O kaya mag-mop ka ng floor kasabay ng steps of a dougie , davah . Did you know that a simple activity like this can burn you up to 112 calories sa loob lamang ng kalahating oras! Eh paano pa kapag nag-general cleaning ka at hitsurang you turn your house upside down getting it spic and span , aba , para ka na ring nag-treadmill ng dalawang oras . Stretch that muscle of yours . Nalinis na ang balur mo , nakapag-exercise ka pa huh.

2.) WALK , WALK , WALK


Maglakad ka naman. Huwag laging nakaupo . Kahit nasa loob ka lang ng bahay mo , maglakad lakad ka sa loob nito at huwag laging sitting pretty or a couch potato .Plus factor kapag malawak ang balay mo huh. Libutin mo ang loob ng kabahayan mo , mula sala hanggang kusina hanggang sa veranda at sa garden , back and forth . Kapag papasok ka sa work , bumaba ka ng ilang metro bago ang lugar ng trabaho mo para makapaglakad ka . Naiinis ako minsan sa mga pasahero ng jeep na ang gusto ay duon pa mismo sa tapat ng bahay niya ibababa. Ang tamad lang maglakad . At kapag inilagpas mo ay magagalit pa dahil ang layo daw ng binabaan sa kaniya . Juan Tamad lang ang peg nila . Huwag gayahin . Walking is a great exercise . Simple lang pero rock.

3.) DON'T USE THE ESCALATOR OR ELEVATOR


Kung kailangan mong umakyat ng isang gusali , imbes na gumamit ng escalator o elevator , gamitin ang hagdan.Dahil diyan ay magsusunog ka ng hanggang 500 calories . Kung ang aakyatin mo  lang naman ay hanggang 2 at kahit hanggang 5 floors pa, akyatin mo na lang  sa pamamagitan ng  hagdan . Maliban na lang siguro kung ang trabaho mo ay nasa 30th floor , aba mag-elevator ka na dahil baka ma-late ka pa at hindi makapasok kasalanan ko pa.

4.) PLAY A GAME OR SPORTS

Maglaro ng sports .Pumunta sa court at mag-basketball . O volleyball . O tennis . Kahit simpleng mga laro gaya ng piko , step no , step yes , Chinese garter o kahit pagja-jackstone ay makakasunog na ng hanggang 200 calories. Huwag lang 'yung mga board games kasi hindi ka naman gumagalaw dun  . At sa nauusong mga computer games , hindi rin advisable dahil kamay lang ang iyong pinapagana na maaari pang mag-resulta sa ilang mga sakit sa kamay like carpal tunnel syndrome. Dapat ay iyong mga larong pagpapawisan ka at  pisikal. Nakapaglaro ka na naging more healthy ka pa.

5.) SEXERCISE


Makipag-sex ha ha ha. Opo , sex is  a great form of exercise . Nag-enjoy ka na , naging fit ka pa . Huwag namang araw araw ha at baka maka-contribute ka pa sa overpopulation problem ng ating mundo he he . Did you know that a 30 minutes of sexual encounter can burn you up to 200 calories ? While a vigorous kissing session will shed  up to 90 calories off your chunks . And that's a fact for you .

O diba naman , mga payak na aktibidades na ating ginagawa sa araw araw ay puwedeng maging form of exercise and fitness ng ating katawan . Simple but effective . Try n'yo .

Sunday, January 22, 2012

10 Hollywood movies shot in the Philippines

At dahil may Hollywood fever sapagkat kasalukuyang sinu-shoot dito sa ating Lupang Hinirang ang 4th installment ng Jason Bourne series entitled  Bourne Legacy based on the novels by Robert Ludlum and Eric Van Lustbader which stars no less than Jeremy Renner , Edward Norton and Rachel Weisz , let us pay tribute  sa mga pelikulang Hollywod na  shi-noot dito sa ating Pilipins My Pilipins .

Latest addition nga itong Bourne Legacy na kasalukuyang kinakamerahan ni Tony Gilroy sa ilang piling lugar sa Metro Manila like Marikina City , Manila , Quiapo and Intramuros sa listahan ng mga pelikulang banyaga na dito ang location shooting .

Talaga namang international ang appeal ng ating country dahil favorite shooting place tayo  ng maraming mga foreign movies especially from Hollywood . Take a look at the 10  of  them :

1.) Missing In Action ni Chuck Norris nuong 1982 na kinunan sa ibat ibang lokasyon dito sa Pilipinas . Location shoot ang Pilipinas , pero sa pelikula ay Vietnam  ang lugar na binabanggit dito .


2.) The Year Of Living Dangerously by Peter Weir starring Mel Gibson and Sigourney Weaver nuong 1982. Indonesia ang setting ng pelikula pero shi-noot ito dito sa ating bansa .


3.) Platoon which is an Academy Award Best Picture  movie directed by Oliver Stone that tells the story of American soldiers amidst the Vietnam War . Location shoot is all over the Philippines .


4.) Thirteen Days in the year 2000 starring Kevin Costner . Sa pelikula , Cuba ang setting dito .


5. ) Apocalypse Now nuong 1987 ni Francis Ford Coppola . Kontrobersyal ang shooting na ginanap dito sa Pilipinas para sa pelikulang ito dahil nagkaruon ng mga aberyat abala habang sinu-shoot ito dito .Tungkol din ito sa Vietnam War .


6.) Brokedown Palace - isa pang kontrobersyal na pelikula dahil sa lumabas na  interview ng bidang si Claire Danes patungkol sa shooting ng pelikula dito sa bansa . Ang kaniyang patutsada na lumabas sa Premiere Magazine na   " smelled of cockroaches, there's no sewage system in Manila, and people have nothing there. People with, like, no arms, no legs, no eyes, no teeth.... Rats were everywhere." ay umani ng batikos mula sa maraming tao .  Thailand naman ang setting ng pelikulang ito .


7.) An Officer And A  Gentleman by Director Taylor Hackford in 1982 which stars Richard Gere and Debra Winger.


8.) I Come With The Rain by Tran Anh Hung starring Josh Hartnett in 2009 . Location shoot nito ay sa Mt. Diwalwal sa Cotabato. This time , Philippines talaga ang setting ng pelikulang ito .


9.) Born On The Fourth Of  July by Oliver Stone and stars Tom Cruise . It tells the story of  Vietnam War veteran Ron Kovic  and was  released in 1989.


10. ) Man On The Moon in 1999 by Milos Forman and stars Jim Carrey as American entertainer Andy Kaufman   .



at marami pang ibang pelikula na ang ilang shooting o eksena ay naganap o kinunan dito sa ating bansa .

At least ay itong sampung ito ang mga pinakasikat at pinakakilala .

Patunay ito na world  class at de kalibre ang ating bansa para maging shooting location ng maraming mga foreign movies. 

O ha , anong sey n'yo at napipili rin tayong  pag-shootingan ng mga pelikula kahit na uso ang kidnafun , holdafun at laplafun here in the Philippines .

Tunay ka na it's more fun in the Philippines !

Sandali lang at makagayak na dahil isa ako sa mga e-extra para sa Bourne Legacy . Ako lang naman ang gaganap na Filipino sidekick ni Jeremy Renner para sa pelikulang ito  !

Sidekick , dahil tatadyakan niya ako sa aking tagiliran nang patagilid he he . 

Mabuti pa makinuod na  lang ako sa shooting nito dito sa Marikina Public Market na medyo malapit-lapit  sa amin  .

O ano pang hinihintay n'yo ?

Lights , Camera , Action !

Saturday, January 21, 2012

Let the circus begin ...






The Bull's Eye Target 

The Acrobats 

The Flying Trapeze Team

The Clowns 

The Tightrope Walker

The Prima Ballerina

The Impersonator 
The Magician

The  Juggler

The Joker 

The Lion Tamer

The Lion

And let the circus begin ...

Friday, January 20, 2012

Celebrity look-alike

Nakakatuwa naman itong MSN article tungkol sa mga Hollywood celebrity look-alikes.

Even sa loob  pala ng Hollywood ay may mga magkakamukha .

Parang mga kambal lang sila huh .

At mapagkakamalang doppelganger ng bawat isa .

Take a look :

Zoe Saldana and Thandie Newton



Leighton Meester and Minka Kelly
Keira Knightley and Natalie Portman
Avril Lavigne and Hilary Duff

Kristen Ritter and Anne Hathaway
Jordin Sparks and America Ferrera
Jared Leto and Jake Gyllenhaal
Timothy Olyphant and Josh Dushamel
Paz Vega and Penelope Cruz
Nicole Scherzinger and Kim Kardashian
Katy Perry and Zooey Deschanel
Jennifer Aniston and Christina Applegate
At ang pinakanatawa ako :

Michele Monaghan and Michael Jackson
He he .... enjoy !