TRAVELBOOK NOW!

Sunday, December 23, 2012

Sandy Hook Elementary School Mass shooting incident

Mukhang nauuso sa mga Kano ang mass gunning or shooting dahil kamakailan ay muling na-headline ang state of Connecticut dahil sa pamamaril sa isang eskwelahang puno ng mga batang mag-aaral.

Ito ay nangyari sa Sandy Hook Elementary School na nasa Newtown, Connecticut.

Ang salarin ay isang 20 anyos na nagngangalang si Adam Lanza. Bago ito ay kaniya munang pinatay ang kaniyang ina na si Nancy Lanza at pagkatapos ay nagtungo sa nasabing eskwelahan upang walang pakundangang mamaril ng mga inosenteng bata . Pagkatapos nito , siya ay nagpakamatay din.

Dalawampung musmos lang naman ang namatay dahil dito.

And mind you , as young as 7 years old ang edad ng mga batang nasangkot sa karima-rimarim na trahedyang ito.

Mga Goin' Bulilit at Tsikiting Patrol  na walang kamalay-malay sa kasira-uluhan at kagaguhan ng mga tao sa paligid nila.

Biruin mo ay papasok ka lang sa eskwela para matuto at mag-aral  ay hindi mo aakalain na may nag-aabang na sa iyong trahedya .

Nakakalungkot.




Ilang beses na ba itong nangyayari sa Amerika ?

Pero hanggang ngayon ay tila hindi pa rin sila nadadala at tila hindi pa sila handa sa mga ganitong pangayayari na parang laging nabubulaga .

At tila maluwag pa rin ang seguridad sa mga lugar na pampubliko pagdating sa pagdadala ng baril.

Kaya nga tila ba na-double whammy ang Amerika ngayong taong ito ng dalawang Sandy .

Matapos manalasa ng mapaminsalang Hurricane Sandy nito lamang Oktubre sa mga northeastern states ay ito namang shooting incident sa Sandy Hook school ang siyang sumalakay .

Sana ay bilis-bilisan na ni President Obama ang pagtalakay sa panukalang batas  na nagkokontrol sa paghawak at pagmamay-ari ng mga baril sa Amerika dahil marami na ang nasasayang na buhay dahil sa walang habas at pakundangan na pamamaril ng mga taong adik at walang konsensya.

Ang pakikiramay po namin sa mga namatay at nasugatang  mga bata at guro ng Sandy Hook Elementary School.

Please rest in peace our dear little angels.


No comments:

Post a Comment