TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 11, 2012

R.I.P. Stan Hornilla

Nagulat naman ako sa mensahe ng isa kong katrabaho na namatay na daw ang dati naming ka-opisina na si Daddy Stan Hornilla mula sa isang call center company ( National Relief Charities ) diyan sa Ortigas Center , Pasig City .

Si Daddy Stan diumano ay pinatay ng kapwa din namin katrabaho na si Chester Muya .

Nangyari diumano ang krimen while having inuman and tagayan session ang mga magkakatrabaho sa isang lugar sa Marikina City.

Ka-batch namin si Daddy Stan sa NRC at sabay sabay kaming nagsimula nito lamang November 2011 .

Siya rin ang kasabay kong nag-apply nuon sa NRC . Kaming dalawa lamang nuong gabing iyon ang nag-aapply.

Masipag , mabait , humble at top seller ng aming kumpanya si Daddy Stan kaya naman madaling na-prromote within the rank ang aming magiting at butihing  Daddy Stan.

Sayang at ngayon na lagpas nang  isang taon mula nang kami'y magkasama-sama ay saka naman lumisan na si Daddy Stan.

Daddy Stan and the rest of the batch 
Marami ang nagsasabi na inggit ang naging dahilan ng kaniyang maagang kamatayan.

Sa mga naulila ng aming tapat at mabuting kaibigan na si Daddy Stan Hornilla , ang aming taos-pusong pakikiramay .

Heto ang link tungkol sa balita :

STAN HORNILLA MURDER

No comments:

Post a Comment