TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 6, 2012

Bagyong Pablo 2012

Isa na namang trahedya ang tumama sa Lupang Pangako ng Mindanao ngayong magpa-Pasko pa naman .

Same time last year nang tumama ang bagyong Sendong sa ka-Mindanaoan na nagdulot ng pagkamatay ng libu-libong katao sa Cagayan De Oro City na siyang grabeng nasalanta dulot ng rumaragasang baha .

At ngayon ay ito namang si bagyong Pablo ( international name : Bopha ) ang nagdulot ng pighati at siphayo  sa ating mga kababayang nasa Katimugan .

Sa huling ulat ay umaabot na sa halos 400 ang namamatay at daan-daan pa din ang nawawala at ang mga nasugatan.

Grabeng pinsala ang idinulot ng bagyo sa ngalan ng agrikultura , mga establisimyento , mga imprastraktura at mga kabahayan.

Pinakagrabeng sinalanta ay ang mga probinsya ng Compostela Valley , Davao Oriental at Bukidnon .

Ang sabi nga ng PAGASA ay bihirang dalawin o bisitahin  ng bagyo ang Mindanao .

Karamihan kasi sa mga bagyo ay tumatama at humahagupit dito sa Luzon kung saan nanduroon ang Metro Manila.

Subalit nitong mga nakaraang taon ay tila ba laging napupuruhan ang Mindanao ng mga bagyong may malalakas pa namang senyales.

At ayon sa mga eksperto ay epekto pa rin ito sa pagbabago ng klima sa buong mundo dulot ng Global Warming.

Sadyang ibang iba na nga ang panahon ngayon kaysa nuon.

At masama mang pangarapin , ngunit tila ba patungo pa sa mas lalo pang malalang mga panahon at klima ang  mararanasan sa mundo sa darating pang mga taon dahil na rin sa kapabayaan ng mga tao.

Anu't anuman ay tumulong  tayo sa ating  mga kababayang nasalanta upang muli silang makabangon mula sa hagupit ng Bagyong Pablo .

Heto ang mga larawan:














No comments:

Post a Comment