TRAVELBOOK NOW!

Saturday, November 3, 2012

Kalapati sa Mindanao

Kung nabubuhay pa si Cesar "Saro" Bañares Jr. ng grupong Asin , tiyak na isa ito sa mga unang unang magdiriwang dahil sa pag-usbong ng dahon ng olibo  sa kaniyang Lupang Sinilangang isla ng Mindanao.

Ito ay dahil sa peace process na inilatag sa pagitan ng kasalukuyang gobyerno at ng grupong MILF na matagal nang naghahangad ng isang estado para sa mga Muslim sa Mindanao - ang Bangsamoro Autonomous Region .

Ilang hilot at plantsa na lamang ay ganap nang maghihilom ang mga sugat na idinulot nang halos mahigit 50 dekada ng tunggalian , giyera at girian sa lupang pangako na ito na bahagi ng bansang Pilipinas.

Dahil dito ay ating muling sariwain ang musikang hatid ng grupong Asin para sa nasabing adhikain :









No comments:

Post a Comment