TRAVELBOOK NOW!

Monday, November 5, 2012

Hypersomnia

 Sakit din pala ito ??!!

Ito yung pagtulog at pagsalampak sa kama nang higit higit sa minimum daily required  na 6 hanggang 8 oras na paghihilik and hitting zzzzzz's.

Ayon  sa mga dalubhasa , ang kinakailangan lamang na normal o average na oras nang pagtulog ng isang tao para sa isang araw ay mula 6 hanggang 8 oras lamang.

Walang labis , walang kulang.

Kung magkulang ka dito ay insomniac ka na o hindi makatulog.

At kapag sumobra ka naman daw diyan ay hypersomniac ka naman daw.

Sala sa lamig , sala sa init.

Dapat yung sakto at tama lang .

Eh me can be  classified as hypersomniac .

Dahil may tulog na sa gabi ay may tulog pa sa hapon ha ha ha.

Overtime na ako sa REM ko ha ha ha.

Pero ang hindi ko maintindihan minsan naman ay insomniac din dahil sa kapupuyat .

Ah ewan , irregular kasi ang sleeping habit ko kaya siguro ganito .

Hayzzzz , dapat na sigurong magpatingin sa isang espesyalistang Sleep Doctor .

O sya , time na, tulog muna ako .


ZZZZZZZZZZZZZZZ!!!!

No comments:

Post a Comment