TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 16, 2012

AMALAYER

Ha ha ha at trending agad itong si Amalayer girl Paula Jamie Salvosa.

Naka-jackpot ang gaga dahil sa kaniyang kalokahan .

Hayan tuloy at hot topic ka sa kahit anong sangay ng social media .

Hmmmm , ang alam ko ay ito ang gusto niyang mangyari ah , ang maging talk of the town !

In bad light nga lang he he he.

At pati si Vice Ganda ay ginagaya na  siya huh .

Ikaw na girl ! Dahil pati si Vice ay pinagaya mo sa iyong slang na pananalita nang " amalayer , bitch "  huh !

Di bale , sabi nga ni Senator Tito Sotto ay " imitation is the highest form of flattery " debah naman .

O hayan Tito Sen ha , in-acknowledge  naman kita na sinabi mo ang mga katagang iyan ha .

At least hindi ako maaakusahan ng plagiarism he he he .

Balik tayo dito kay Amalayer girl , eh kung hindi ba naman praning at may sayad sa utak , kaunting gulo lang eh pinalaki mo pa .

Eh sa panahon ngayon na uso at naglipana ang mga CCTV at ang mga cellphone ay may camera na at video pa , konting mali at palpak lang na damoves mo ay hulicam ka at baka ma-CCTV patrol ka pa huh !

Hayan tuloy , isang malaking leksyon at aral ang natutunan mo na huwag mag-eeskandalo sa kalsada huh !

Sana nga ay may natutunan kang leksiyon dito!

Dahil kung hindi ka natuto mula sa pagkakamaling ito ay  aking tahasang sasabihing  " you're such a freakin' fuckin' ' layer ' bitch , loser ! "

Heto ang trending at mainit pa sa pisong pandesal  na video galing sa Youtube :



No comments:

Post a Comment