TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, November 13, 2012

2 milyong pabuya kada ulo ng Big 5

Inilabas na ng Department of  Inte­rior and Local Government (DILG)  sa pamamagitan ni Secretary Manuel Roxas II ang memorandum circular na naglalaan ng kabuuang 10 milyong pisong pabuya para sa tinaguriang Big 5 Most Wanted criminals sa bansa.

2 milyon ang ipinatong na rewards sa sinumang makapagpiprisinta bawat ulo nang nasabing mga puganteng kriminal .


Malay n'yo ay kayo ang makapagturo sa kanila at maging daan ito upang sila ay mapanagot , maipakulong at masentensyahan sa mga kasalanang nagawa nila sa kanilang mga nabiktima.


Instant milyonaryo  pa kayo .


Narito sila :


1.) GENERAL JOVITO PALPARAN




Akusado sa pagapatay sa dalawang batang aktibista nuong 2006 . Marami ding kinasangkutang mga pagpatay sa panahon ng kaniyang pamumuno.


2 AND 3. ) JOEL REYES AT MARIO REYES - FORMER PALAWAN GOVERNOR AND CORON MAYOR  





Para naman sa pagpatay sa radio broadcaster at journalist na si Dr . Gerry Ortega ng Palawan .


4. ) RUBEN ECLEO JUNIOR - FORMER CONGRESSMAN FROM DINAGAT  ISLAND




Para sa pagpaslang sa kaniyang asawa na si 
Alona Bacolod-Ecleo, a third-year medical student


5. ) 
DELFIN LEE - PSEUDO-DEVELOPER NG GLOBE ASIATIQUE




Para sa mga panlolokong may kinalaman  sa  pagmamay-ari ng bahay at lupa sa kaniyang pekeng subdibisyon .



O hayan . Killalanin ang kanilang mga makakapal na pagmumukha .


At kapag nakita ninyo ay agad isumbong sa pinakamalapit na NBI o pulisya .


At kapag naberipika na sila nga ang inyong naisumbong na mga pugante , matatanggap mo ang tumataginting na isang milyong peso-sesoses.


Tumulong sa pagsugpo ng krimen .


Hulihin ang mga puganteng patuloy na gumagala sa lipunan.


Mga matatapang gumawa ng krimen pero duwag sa pagharap ng konsekwensya.


Let the manhunt begin.

No comments:

Post a Comment