TRAVELBOOK NOW!

Friday, October 26, 2012

Zendee Rose Tenerefe

Mukhang may aabangan na naman tayong isang Pinay na may future maging international star in the person of Zendee Rose Tenerefe aka Random Girl.

Isa siyang Youtube sensation na talaga namang hinangaan sa kaniyang mga uploaded videos para dito.

Ibang klaseng bumirit at humagod ang babaeng ito .

May future talaga siya , promise.

At sa latest na balita ay lalabas na rin daw ito sa show ni kumareng Ellen De Generes na ELLEN , ang show kung saan nakilala at tuluyang umalagwa ang international singing career ni mareng Charice Pempengco.

Oh di ba naman .

Mula sa pagiging isang simpleng biritera sa mga SM videoke machines eh ngayon ay international na ang beauty niya huh.

At hindi malayong marating niya ang tuktok at rurok ng tagumpay katulad nang kay Charice na inaasam niya dahil sa galing at ganda ng boses niya.

Goodluck and congratulations , Random Girl !

We hope na magkaruon ulit nang bagong talented ambassadress ang ating bansa sa iyong katauhan .

At pumailanlang ang iyong career sa buong mundo !

Siyanga pala , isa na naman siyang pride ng Gensan , katulad ng ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao!

Dito ang mga pruwebang video :








No comments:

Post a Comment