TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, October 16, 2012

Sin tax bill

Mabuti nga iyan para mabawasan ang mga yosi kadirdir dito sa Pilipinas .

Na kahit nasa public place ka like the ever versatile jeep ay todo kung magbuga nang usok ang mga sunog-baga na akala mo ay sila lang ang nakakalanghap.

Idagdag pa ang usok mula sa tambutso ni Manong Driver.

Ang kaso kahit yata gawing 20.00 kada stick ng sigarilyo ay marami pa rin ang bibili nito .

Dahil karamihan na sa mga Pinoy ay adik at sugapa na sa hithit - buga na bisyo.

And mind you , as young as 8 years old na mga bata ay nag-aaral nang humitit ng nakamamatay na usok nito.

Paano mo nga namang mapagsasabihan at mapangangaralan silang mga musmos at walang muwang eh kung nakikita at ginagaya ang mismong pangulo natin na bumu-boom buga ng mga produkto ng mga Ilokano at binebenta ng mga takatak boys .

Hmmmm!


Sa kabilang banda , nakakatuwa lang isipin .

Kahit pala sa kasalanan ay may pakinabang din .

At iyan ang tinatawag kong benefit with a doubt he he he.

Hala at pagkakitaan na iyang mga bisyo na ikalulugmok at ikamamatay ng ibang tao .

Tutal hindi naman tayo apektado.

Maano bang magkamatayan sila sa kahihitit ng Fortune at Mighty . ( at Blackbat )

Keber ko ba .

Basta ba malakas ang kita ng tindahan ko huh .

At nakakatulong pa ako sa pamahalaan to generate more income .

Pero please lang.

Ang usok ay ipasok mo lahat sa baga mo .

Nang hindi ako maapektuhan ng secondhand smoke huh !

Yun lang !


No comments:

Post a Comment