TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, October 23, 2012

NBI clearance puwede na sa internet

An excerpt from abante-tonite.com news report :

" Inilunsad kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang E-Clearance o electronic clearance system, para sa pagkuha ng NBI clearance sa pamamagitan ng internet.

Ayon sa NBI, ito ay para makaiwas sa mahabang pila at halos maghapon na pag-aaplay para sa pagkuha ng NBI clearance.

Nabatid na ang online o E-Clearance ay aabot lamang ng humigit-kumulang sa isang oras.

Ang bagong sistema ay sa pamamagitan lamang ng computer at internet at bukas ito sa loob ng 24 oras sa lahat ng araw (24/7).
Unang gagawin ay magtungo sa Globe branch at magbayad ng P115 para sa G-cash na gagamitin.

Sinabi ni Atty. Reynaldo Esmeralda, deputy director for technical servi­ces, na ‘pag may G-cash na ay magbukas na ng website at mag-log in, at sagutin ang form sa E-Clearance at hintayin ang confirmation number sa iyong email at i-fill-up ang blangko para makumpleto ang registration.

Magtungo sa webpage na may QR code at i-printout ang webpage sa white bond paper bago magtungo sa eksklusibong E-Clearance lane sa Clearance Center.

Sa pagtungo sa Clearance Center, hindi na dadaan pa sa ordinaryong proseso na napakahaba at matagal, dahil fingerprinting, litrato at biometrics lang ang dadaanan at pupunta na sa releasing kung saan kailangang iprisinta ang valid identification card tulad ng government issued IDs.

Kung wala kang kapangalan maaaring mai-print na agad ang NBI clearance, maaari ring humingi ng tulong ang publiko sa telepono 526-1294, 523-8231 local 5499 o text “Help” sa 0917-638052. "

2 comments:

  1. wow! mas maganda nga ung ganito para mas mabilis ang proseso... buti meron ng online...

    ReplyDelete
  2. Wow! Good news naman ito! Sana bukod sa G-Cash eh may online payment para less hassle talaga!

    ReplyDelete