TRAVELBOOK NOW!

Monday, October 8, 2012

Innocence Of Muslims

Nagdulot nang sari-saring reaksyon ( karamihan ay balolente ) ang nangyaring pagpapalabas at exhibition ng trailer at clips nito sa Youtube ang isang pelikula ( Innocence Of  Muslims )  na nagpapakita daw nang pagpapababa at pang-aalispusta sa pagkatao nang iginagalang na propeta ng mga Muslim na si Muhammad o Mohammed .

Diumano ay ipinapamalas sa pelikula ang pagyurak at pambabastos sa pagkatao nang nasabing respetadong propeta ng mga Muslim .

Ito diumano ay idinirehe at prinodyus ng mga Amerikano ( partikular ni  Nakoula Basseley Nakoula aka Sam Bacile ) kaya naman nasentro ang galit at pagkondena ng mga Muslim sa mga Amerikano.

Nagresulta pa nga ito nang pag-atake sa embahada ng America sa Libya at pagkamatay ng US Ambassador na si  J. Christopher Stevens

At sa ibang panig pa nang mundo ay  umaalingawngaw ang mga protesta at pagkondena laban sa nasabing pelikula.

Ang sa akin lang naman ay ganito .

Irespeto mo ang paniniwala ko at irerespeto ko rin ang paniniwala mo.

Kung hindi man natin kayang yakapin ang pananalig ng mga Muslim tungkol sa kanilang relihiyon ay huwag namang hayaang bastusin ang imahe at pagkatao nang kanilang sinasamba at iniidolong  propeta .

Kaya nga hindi ko na kailangan pang i-upload dito ang video nang kabalahuraang ito na kumalat na sa Youtube  .

Nakikisimpatiya ang espasyong ito sa nararamdaman ng mga Muslim laban sa nasabing palabas o pelikula.

Huwag lang sanang humantong sa sobrang bugso ng damdamin at galit ang lahat.

 Yun lang po at nawa'y patuloy na umiral ang kapayapaan!

No comments:

Post a Comment