TRAVELBOOK NOW!

Sunday, October 7, 2012

Cybercrime Law Pinaglalaruan - Bernard Taguinod

Nire-publish ko  lang itong news article from Bernard Taguinod of Abante-Tonite para i-share . Read on :



" Habang sinusubukan ng mga computer hackers ang kontrobersyal na Anti Cybercrime Act, mistulang ginagawa naman itong laruan ng mga netizens sa iba't ibang social networking sites.

Isang araw bago naging epektibo ang tinututulang batas, naglabasan ang mga ganitong status partikular sa Facebook.

"When the cyberlibel goes into effect tomorrow, here are my suggestions how to go around the said bill:

1. Beki-speak.
Ex: "Kalukis itechiwa Gobyerlalu, Wititit na pwede humanash ng kung anik anik. Kundi Kulongbels na. Ano ve? puro mga eklavu. Tegiboom boom na Karapatsina!" - Kung beki ang pulitiko, mage-get pa rin nila pero good luck sa hearing na puro beki speak ang libelous quotes hahaha

2. Jeje-speak.
Ex: Ta3na nhman pohwz ang mHayOwr nm!n d2, WLa PakinaBangz AMP! Ghow to Hellz mHayOwr!

3. Pauso ng Codes
Fuguck Thigis Puguli­guticus

Mayroon ding naglabasang mga cybercrime jokes tulad nito:
TATLONG PRESO NAG-USAP USAP:
PRISONER 1: Anong kaso mo?
PRISONER 2: Rape. Ikaw?
PRISONER 1: Nag­retweet.
PRISONER 2: E ikaw naman anong kaso mo?
PRISONER 3: Naglike ng niretweet niya.

Meron ding ganito:
Girls ingat simula bukas:
Rape = 3 years
Cybercrime = 12 years
Kaya simula bukas uso na ang rape!

O kaya ay ganito:
FACEBOOK NOTIFI­CATION: You have one (1) new warrant of arrest!
Meron ding nag-post ng larawan ng kulay o­range na T-shirt na may nakasulat na "CYBERCRIMINAL" bago ang hirit na: Order your size now! "

No comments:

Post a Comment