TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, October 9, 2012

Cris " Kesz " Valdez

Saludo naman talaga ang espasyong ito sa isang batang 13 anyos na si  Cris " Kesz " Valdez - ang pinarangalan ng International Children's Peace Prize sa The Hague Netherlands nitong taong ito . ( at mas proud ako dahil Valdez din ang middle name ko he he )

Ito lamang naman ang counterpart ng Nobel Peace Prize na para sa mga bata  .

Ayon sa Manila Times, " Thirteen-year-old Cris “Kesz” Valdez was handed this year’s International Children’s Peace Prize at a glittering ceremony in The Hague on Wednesday, where he received a 100,000-euro ($130,000) prize. He also received the Nkosi, a unique sculpture that shows how a child can move the world and symbolizes the impact of the prize. "

At si Nobel Peace laureate South African Archbishop Desmond Tutu lang naman ang nag-abot  ng trophy sa kaniya huh !

Sa murang edad na maagang nakatikim ng kalupitan at pagdarahop mula sa sariling pamilya ay natutong maglayas ang nasabing bata.

Ngunit salamat sa Diyos dahil sa Kaniyang sugong si Efren Penaflorida na nag-ahon at nagturo sa kaniya kung paano ang mabuhay at magsumikap nang naaayon sa turo at saloobin ng banal na Diyos .

Ngayon ay maipagmamalaki ang angking dunong at talino ng batang ito sa pagtulong at pagsagip sa mga batang kapus-palad na tulad din niya nuon  ay tila ba pinagkaitan ng magandang tadhana ng buhay.

Tunay nga na kahit bata at musmos pa lamang ay may galing at husay na minsan ay  hindi kayang gawin nang mga mas matatanda !

Mabuhay ka , Cris " Kesz " Valdez !

Patuloy pa sanang dumami ang iyong mga kapanalig at ang mga batang katulad mo na may dakilang adhikain sa kanilang mga puso.

Sa iyo ang pagbubunyi ng bansang Pilipinas !




2 comments:

  1. Isang kahanga hanga! Galing niya!

    ReplyDelete
  2. I didn't know about this util I read an article from Phonetimes Korea. Proud to be Pinoy=)

    ReplyDelete