TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, September 5, 2012

R.I.P. Michael Clarke Duncan

Namatay nitong nakaraang Lunes , Setyembre 3 , 2012 ang isa sa paborito kong aktor na si Michael Clarke Duncan dahil sa heart attack .

Maraming pelikulang nagawa si Michael pero ang pinaka-tumatak sa akin ay ang karakter niya sa isa sa mga paborito kong pelikulang The Green Mile na mula sa serye ng nobela ni Stephen King.

Hindi ko malilimutan ang karakter niya bilang si John Coffey - isang malaki at dambuhalang mama na napagbintangang nanggahasa at pumatay sa dalawang batang babae.

Nahatulang makulong sa loob ng Cold Mountain Penitentiary sa isang pasilyo nitong tinatawag na The Green Mile  .

Nakapiling niya duon ang iba pang mga kapwa preso at bantay sa pangunguna ni  Paul Edgecomb na mahusay ding ginampanan ni Tom Hanks.

Nagmarka sa akin ang role na ito ni Michael Clarke Duncan dahil hinusgahan siya base sa kaniyang panlabas na kaanyuan subalit sa totoo  ay isa palang napakaamo , matulungin , mabait at mapagmahal at mapagkakatiwalaang tao na marunong ding manggamot ng iba't ibang klase ng sakit  dahil sa kaniyang angking supernatural power ng pagpapagaling.

Simula nuon ay naging sunod-sunod na ang mga pelikulang nagawa niya sa Hollywood katulad sa Planet Of The Apes bilang si Attar , Daredevil bilang si Wilson Fisk/ Kingpin , The Island bilang si Starkweather at marami pang iba.

May your soul rest in peace Michael Clarke Duncan .

December 10, 1957 – September 3, 2012

No comments:

Post a Comment