TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 23, 2012

Kasambahay Bill

Sa wakas at pumasa na sa Kongreso ang House Bill 6144 o mas lalong kilala bilang Kasambahay Bill .

Kaunting hilot na lamang at plantsa ay ganap nang magiging batas ang panukalang ito .

Ayon sa batas , ang magiging minimum salary na ng ating mga magigiting na kasambahay ay P3,000 per month, P2,000 in chartered cities and first class municipalities and P1,000 in other municipalities .

At bukod pa rito ay entitled din sila para sa  " 13th month pay and should be covered by the Social Security System and all the benefits provided under Republic Act No. 8282, as amended."

My heart goes out with our kasambahays .

Tama lamang at panahon na upang maisa-batas ito upang maprotektahan laban sa mga pang-aabuso at pananamantala ng mga abusado at hindi -makatwirang mga employers ang ating mga kasambahay.

Ngunit sana ay may mga provisions din laban sa mga pananamantala at pananakit.

Ewan ko ba kung bakit maliit o mababa ang tingin ng ilang mga tao sa mga kasambahay kung kaya't nagiging biktima sila ng mga pagmamaltrato..

Kung kayat ganuon na  lang kung maltratuhin nila at pagmalupitan ang mga ito .

Katulad nang nangyari kay Bonita Baran na binugbog, minaltrato , plinantsa pa ang mukha na naging resulta ng kaniyang pagkabulag . ( Sa pinakahuling balita ay itinanggi ng kaniyang mag-asawang mga amo na sina Annaliza at Reynold Marzan ang paratang na ito ni Bonita at sinabing si Bonita ang nananakit sa kaniyang sarili mismo . Mga buwang na yata talaga ang mga among ito ! )

Dapat sa mga ganiyang mga amo ay ipinapako sa krus nang nakatiwarik.

Hayop  ang tingin nila sa kanilang mga kasambahay na sila na nga ang pinagsisilbihan para sa kakarampot na suweldo.

Kung hindi nga nakatakas ang nasabing kawawang kasambahay ay baka isa na itong malamig na bangkay sa kalaunan sa loob ng tahanan ng mga hayup na amo!

Mayruon din kaming kasambahay .

At salamat sa Diyos , dahil nasusunod naman namin ang mga isinasaad sa batas na ito tungkol sa minimum na pasahod , mas mataas pa nga.

At huwag ka , hindi lang twice a month ang day-off na naaayon sa batas , kundi , every Sunday huh ! ( dahil Christian siya at nagsisimba kapag Linggo )

Hindi rin naman siya pagod sa pagtatrabaho at mayruon ding  sapat na pahinga .

Mabait din naman kasi ang aming kasambahay na ito kaya't hindi na namin itinuring na iba .

Sana ay ganito lagi ang pagtrato natin sa ating mga kasambahay.

Lalo na iyong mga mababait , maaasahan , mapagkakatiwalaan at masisipag.

Para tayong nakahukay ng isang balong ginto kapag sila ay ating pinakitaan ng mabuting asal at pakikitungo.

Dahil tiyak na ibabalik nila sa atin bilang ganti ang pagmamahal at pangangalaga na ibinibigay at ipinapakita natin sa kanila.

Mabuhay ang mga kasambahay !



3 comments:

  1. kahit pa maging batas na iyan ay hindi pa rin nakakasiguro na iyon talaga ang isasahod para sa katulong......depende pa rin sa amo kung magkano ang ibibigay....o kaya depende sa amo kung may kaya talaga....kahit sa probinsya ay may mga katulong na malaki ang binibigay na sahod...

    ReplyDelete
  2. @ Kulapitot ... opo grabe talaga .. to the max
    @ arvin ... salamat po sa komento ...

    ReplyDelete