TRAVELBOOK NOW!

Thursday, September 20, 2012

“I can exceed my limitations!”

I'm a very busy and active person.

Sa dami nang aking mga aktibidades at seremonyang tinatapos sa araw araw na ginawa ng Diyos , ni halos wala na akong time para sa aking sarili .

Madaling araw pa lamang ng alas-kuwatro ay gising na ako upang mag-asikaso para sa pamamalengke para sa mga kakailanganing sangkap para sa aking munting karinderya .

Pagkagaling sa pamilihan ay mag-uumpisa na akong magluto , maglinis at magtinda.

Bukod pa sa ilang mga tungkulin bilang isang real estate agent, writer  , blogger , tutor , sales agent at kung anu-ano pang raket na sadyang kailangan upang mabuhay nang maalwan at maligaya sa panig na ito ng mundo.

Kadalasan pagkatapos nang halos maghapong gawain ay umuuwi akong pagod , nanghihina , stressed at  .... mabaho!

Opo , mabaho dahil sa pinagsama-samang amoy ng pawis , polusyon at dumi na aking nakuha mula sa maghapong paggagala sa kalsada.

Kaya pagdating ng gabi ay nahihiya na akong makihalubilo sa mga kaibigan at kakilala dahil sa aking kakaibang amoy .

Wala na tuloy akong lifestyle pagsapit ng gabi.

Ang ending , salpak agad at hilata sa kama para lang gumising sa panibagong umaga kinabukasan.

Dahil dito ay kinakailangan kong gawin ang mga sumusunod upang manatiling mabango at may kaaya-ayang pang-amoy.

1.) Mag-spray ng sangkatutak na pabango upang hindi maamoy ang aking pagkakyoho .

2.) Magpalit nang magpalit ng damit at kasuotan upang mapanatiling presko ang aking amoy.

3.) Maglagay ng ibat-ibang pamahid upang matanggal ang sobrang pagpapawis.

4.)  Lumayo at umiwas na lamang sa mga kakilala upang hindi mapansin at mapintasan ang aking amoy.


Subalit nang aking mapanuod mula sa isang patalastas sa TV ang tungkol sa Safeguard Active na siguradong nagtatanggal daw  ng hindi kaaya-ayang amoy pagkatapos mong maligo , bigla akong nabuhayan ng loob.

Ang sabi ko ay may pag-asa pa yata.

Dagli -dagli akong nagtungo ng pamilihan at bumili ng isang pakete ng Safeguard Active.

Tuwang tuwa akong ipinangligo at ipinang-sabon ang naturang bareta .

Amoy pa lamang ng sabon ay mabango na .

Pagkatapos kong maligo, pakiramdam ko ay ang bango bango at ang linis linis ko na.

At pagkatapos ay muli kong ginampanan ang mga tungkuling nakaatang sa akin sa buong maghapon .

Ngunit isang himala !

Dahil lumipas ang buong maghapon ay nanatiling mabango at presko ang aking amoy.

Wala na ang dating antak, panis , asim , lansa at kung anu-ano pang klase ng amoy na dati'y kumukulapol sa aking buong pagkatao ( naks ) matapos ang maghapong gawain .

Nanatili akong presko at sariwa kahit sangkaterba ang aking trinabaho sa buong maghapon.

Himala ng mga himala!

Sa aking katuwaan ay nakapag-blog pa ako ng isang entry para dito .

Para sa mga karagdagang pang detalye kung paano akong nain-love sa produktong ito heto ang link sa nasabing blog entry ko : SAFEGUARD ACTIVE

Magmula nuon , Safegurad Active na ang sabon ko!

Kailangang manatili kang presko at mabango sa anumang gawain , sports o anumang mga kaabalahan  upang mapanatili ang iyong bango.

Kaya naman tumugon ako sa panawagang ito.

Panuorin ang video dito at i-share :




Tandaan :

Safeguard Active won’t let bad hygiene distract you from exceeding your athletic limitations and in beating your personal best!

No comments:

Post a Comment