TRAVELBOOK NOW!

Monday, September 3, 2012

Eastern Visayas earthquake


Nilindol nga ang Silangang Kabisayaan nitong nakaraang Sabado na may lakas na intensity 7.6 sa Richter Scale .

Partikular na grabeng tinamaan ay ang mga isla ng Samar at Leyte pati na ang probinsya ng Surigao at Agusan sa Mindanao.

Malakas ang intensity na ito ng lindol at sabi nga ng isang spokesman ng Phivolcs ay katumbas ng 1,000 Hiroshima Bombs ang lakas ng nasabing lindol na puwedeng sumira ng maraming ari-arian at buhay.

Subalit masuwerte at sadyang iniadya ng Panginoon ang bansang Pilipinas mula sa malaking pinsala ng nasabing lindol dahil  sa malalim na bahagi ng dagat nagsimula ang paggalaw ng lupa kung kaya't hindi ito masyadong naramdaman sa lupa at nakapagdulot lamang ng minor na pinsala  at nagtala lamang ng maliit na tsunami sa baybayin ng Pilipinas at mga karatig bansa.

Salamat sa Panginoon at lagi niya tayong ginagabayan  at iniingatan .

Ang sabi nga ng mga taga Phivolcs ay kung sa Metro Manila ito nangyari ay siguradong malakihang kapinsalaan ang mangyayari  at malamang na mapupulbos ang buong  Metro Manila .

Kaya salamat talaga ng marami sa Diyos dahil hindi Niya pinahintulutan na tumama dito sa ating lungsod ang ganiyan kalakas na intensity ng lindol.


Gayunpaman ay manatili tayong laging handa sa anumang oras at panahon dahil hindi pa rin tayo nakasisiguro kung kailan tayo tatamaan ng tinatawag na Super Lindol na maaaring yumanig sa Kamaynilaan dahil hinog na nga daw ito sa paggalaw anumang oras mula ngayon.

Ingatan nawa tayo ng Maykapal .




No comments:

Post a Comment