TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, September 12, 2012

Ang aking panata ...

Matagal ko nang nakikita ang matandang bulag na lalaking ito na namamalimos sa tuwing ako'y mapapadaan sa isang overpass diyan sa Marcos Highway sa Pasig City.

Naawa ako sa kaniya dahil sa kahit na siya ay kulang sa paningin ay pinipilit pa rin niyang mabuhay ng patas at matino.

Dahil diyan ay ginawa kong panata na bigyan siya ng kaunting baryang limos sa tuwing ako ay mapapadaan sa lugar na iyon.

At hindi nga pumapalyang namimigay ako ng limos sa matandang bulag sa tuwing siya'y aking makikita.

Sa isang banda ng aking isip ay ang swerteng hatid ng ugaling  ito .

Dahil sabi ng iba ay naghahatid daw ng swerteng balik ang pagtulong at paglilimos sa iyong kapwa na kapus-palad.

Subalit nang dumating ang kabi-kabilang problema na may kinalaman sa kakapusang pinansyal o pera , bigla akong nagulumihanan.

Akala ko ba maswerte kapag naglilimos ka at tumutulong ???!!!

Iyon pala ay lalo pa akong nabaon sa kumunoy ng kamalasan .

Kaya't nagpasya akong  itigil ang paglilimos ng barya sa kaawa-awang mamang bulag .

Ngunit isang araw habang  tinititigan ko siya  sa kaniyang tila walang kapagurang paghiyaw habang nakaluhod sa mga taong dumaraan na siya ay limusan ng kaunting barya , napagtanto ko ito .

Kailangan lang ba akong tumulong dahil may ine-expect akong kapalit na swerte in return ?

Hindi ba puwedeng tumulong ako kahit na walang kapalit na inaasahan ?

Kahit walang swerteng balik ?

Kaya't nuong araw na iyon ay nag-desisyon ako .

Magpapatuloy pa rin akong maglimos kay manong na bulag at tutulong kahit na walang swerteng bumalik para sa akin.

Dahil kaya ako tumulong ay dahil ginusto ko .

Mula sa puso .

At kaluluwa.

Kaya naman tuloy ang panata , anuman ang mangyari !!!







No comments:

Post a Comment