TRAVELBOOK NOW!

Sunday, September 16, 2012

Ang Abogado at ang Huwes

I-share ko lang ang sermon na ito ng aming pastor :

Mayruong isang ama na may isang anak ang nagkaruon ng malaking pagkakasala sa batas .

Dahil dito ay namemeligro na ang kaniyang anak ay mahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa pambansang bilangguan at posibleng kamatayan sa kalaunan.

Nagdulot ito nang sobrang pangamba para sa ama.

Siyempre , ayaw niyang humantong sa ganitong kalagayan ang kaniyang nag-iisang anak.

Kaya't nagpasya siyang humanap ng isang magaling na abogadong magtatanggol para sa kaniyang anak.

Isang abogado na tutulong sa kaniyang anak upang ito ay mapawalang-sala gaano man ito ka-guilty  sa kasalanang ginawa.

At hindi naman siya nabigo dahil nakahanap siya nang nasabing abogado .

Isang magaling at bihasang abodago na nakahandang ipagtanggol sa hukuman ang nasabing nasasakdal.

Lumipas ang mga panahon ng paglilitis hanggang sa makamit ng ama ang inaasahang tagumpay para sa nasabing kaso ng kaniyang anak .

Napawalaang-sala ang kaniyang anak dahil na rin sa matalino at mahusay na  pagtatanggol ng nasabing abogado na ginawa ang lahat  upang maabsuwelto sa pagkakasala ang kaniyang kliyente .

Tuwang-tuwa ang naturang ama dahil sa ipinakitang galing at gilas ng abogadong kaniyang kinuha upang ang kaniyang anak ay maipanalo ang kaso.

Hindi siya nabigo.

Mabilis na lumipas pa ang maraming oras at taon

Naharap muli sa panibagong kaso ang nasabing nag-iisang anak .

At dahil dito ay muling hinanap ng ama ang abogado na una nang nagtanggol para sa kaniyang anak . 

Subalit kahit anong paghahanap ang kaniyang gawin ay nabigo siyang makita ang pakay na abogado.

Walang nagawa ang ama kundi ang kumuha ng panibagong abodago para sa kaniyang anak na muling nagkasala.

Hanggang sa dumating na ang araw ng paghuhukom .

Nagulat ang ama sa kaniyang nakita .

Dahil ang huwes pala na magdedesisyon para sa kaso ng kaniyang anak ay ang dating abogado na kinuha niya upang ipagtanggol ang kaniyang anak .

Ama - " salamat sa Diyos at muling natagpuan kita. Kaytagal kitang hinanap at dito lamang pala kita  matatagpuan. Muli ay mayruon akong ipakikiusap sa iyo . Nahaharap sa panibagong kaso ang aking anak at nais kong iabswelto mo siya dahil dito. Isa ka na ngayong ganap na huwes at maaari  mo itong gawin para sa kaniya nang sa ganuon ay hindi siya maparusahan ng batas. "

Huwes - " naiintindihan ko ang iyong nararamdaman para sa iyong anak . Subalit ikinalulungkot kong sabihin na iba na ang katayuan ko nuon kaysa sa ngayon . Tulad nga ng sinabi mo ako ay isa nang ganap na huwes para sa kasong ito . Kung nuon ako ay isang abogado ay ginawa ko ang aking makakaya upang ipagtanggol ang iyong anak gaano man kabigat ang kaniyang pagkakasala sa batas , iyon ay sapagkat ito ang aking trabaho - ang ipagtanggol ang mga nasasakdal .

Subalit ngayon ako ay isa nang huwes . Hindi na ako ngayon nagtatanggol para sa isang tao lamang. Bagkus ay kailangan ko nang maingat na timbangin ang katotohanan at mga ebidensyang ipiprisinta sa hukumang ito  nang sa gayon ay maparusahan  ang dapat na maparusahan at mailigtas naman mula sa kapahamakan ang dapat na mailigtas . Ako ngayon ay isang huwes na magdedesisiyon upang manaig ang katarungan "



Sa ganitong paraan ay katulad din nito ang ating Panginoon sa atin .

Sa ngayon ay Siya ang ating dakilang abogado na pilit na nagtatanggol sa atin gaano man tayo ka-guilty sa mga kasalanang ibinibintang sa atin ng ating kalabang diyablo.

Subalit darating ang panahon na hindi na siya tatayong abogado o tagapagtanggol natin.

Bagkus ay isang huwes na siyang huhusga kung karapat-dapat nga ba tayong pumasok sa Kaniyang kaharian o maparusahan sa lungga ng ating kalaban!

Amen !



1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenSeptember 16, 2012 at 5:15 PM

    Amen..absolutely true!

    ReplyDelete