TRAVELBOOK NOW!

Thursday, August 9, 2012

Usapang Kambal

Usapang kambal naman tayo .

Sa tuwing magtatalik ang isang Adan at Eba , matapos ang orgasm , nagbubuga ng milyun-milyong bilang ng spersm o semilya ang lalaki sa puwerta ng babae .

Kasabay nito ay ang tila ba Amazing Race adventure ng milyong sperms patungo sa iisang goal : ang siyang mauanang maka-fertilize sa naghihintay na itlog o egg cell ng isang babae na nasa matris nito.

Kadalasan ay isang sperm lang ang  dapat na naka-fertilize sa isang itlog . Kapag nakapasok na ang isang sperm sa kaniyang pinakamimithing itlog , ay hindi na nakikipag-basagan pa ng mukha ang ibang sperms para makapasok rin dito . At lahat ng maiwanan ay namamatay na .

Subalit minsan ay may mga sperms na sobrang pasaway at matigas ang ulo .Aba'y pipiliitn pang pumasok sa ibang itlog naman .

At dito tayo nagkakaruon ng tinatawag na kambal .

For the record , dalawa lamang ang uri ng mga kambal , it's either Monozygotic (identical)  or Dizygotic (fraternal)

Ang monozygotic ay nabuo mula sa iisang zygote ( egg cell na na-fertilize ng isang sperm ). Ang zygote na ito ay naghiwalay o nag-split at mula duon ay umusbong ang dalawang magkaparehong embryo .

Dahil iisang zygote lang ang pinanggalingan ng dalawang embryo , sure na sure na magkamukha ang dalawang kambal in every aspect of its physicality . At pareho sila ng kasarian .

Samantala ang dizygotic naman  ay nadevelop mula sa dalawang magkaibang zygote . Meaning , mayruong 2 egg cells ang napasok o na-infiltrate ng dalawang magkaibang sperms.

Aba , ayaw magpatalo ng bawat isa.

Puwedeng pareho ng kasarian , puwede rin namang magkaiba .

Marami pang ibang klase ng kambal subalit sila ay papasok lamang sa dalawang kategoryang ito .

At para naman sa buong artikulo tungkol dito , heto ang link mula sa Wikipedia Twins

For the complete list of famous twins , here is the Wikipedia link  List of famous twins

At dahil usapang kambal tayo ,pasok sa banga ang sabi nga ni Vice Ganda ay pinakasikat na kambal sa balat ng Pilipinas ngayon , sina Joj and Jai  Agpangan . Yun na !



No comments:

Post a Comment