TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 25, 2012

R.I.P. Jesse Manalastas Robredo

Hayzzzz , bakit nga kaya ganuon!

Kung sino pa iyong mga matitino at mahuhusay at mababait at magagaling ay siya pang unang kinukuha ni Lord ???!!!

Take the cases of  James Dean , Marilyn Monroe , Elvis Presley , John Lennon , Michael Jackson , Martin Luther King , Bob Marley , John F. Kennedy , Ramon Magsaysay , Ninoy Aquino and the list goes on and on and on .

Exception to the rule sina Mother Teresa at Pope John Paul II because they died at the tender age of 87 and 84 respectively.

Na kahit ganuon sila kababait at kahuhusay ay kinuha sila ni Lord nang matatanda na sila .

Para mas madami pa silang mapagsilbihan at matulungang mga kapwa ?

Eh ang mga naunang mas bata pa ay namatay na , bakit naman kinuha agad ?

Marami pa sana silang mapapasaya , mapapaligayang mga kapwa , mapagsisilbihan at matutulungang mga kapwa nila na nangangailangan.

Sayang ang talento .

Sayang ang talino.

Sadyang mahiwaga nga talaga ang buhay ng tao !

Proud kami dahil kababayan namin ang " maurag na taong ini ".

At dahil sa kaniya ay first time kong nakatapak at nakapasok sa ground ng Malakanyang !

Condolence to Secretary Jesse Robredo's family and friends at sa lahat ng mga kababayang nagmamahal sa daan tungo sa kabutihan .



" His lord said unto him, Well done, good and faithful servant; you have been faithful over a few things, I will make you ruler over many things: enter into the joy of your lord. "

Matthew 25:23

No comments:

Post a Comment