TRAVELBOOK NOW!

Monday, August 20, 2012

London Olympics 2012


Natapos at natapos ang London Olympics 2012 nang bonggang bongga at todo pasabog
at yanig factor pero ang naiuwi ng ating Philippine contingent para sa nasabing quadrennial sporting event ay isang mahinang putok ng kwitis at watusi.

Poof!

Opo , nganga ang mga atletang Pilipino na sumabak sa giyera .

Ang sabi nga ng isang running joke na napakinggan ko sa isang radio show:

Ang mga atletang Tsino daw ay mga bata pa lamang and as young as 6 years old ay nagsasanay na upang maging magaling na manlalaro at kompetitor sa mga pandaigdigang paligsahan.

At ang kanilang mga atleta daw ay tine-training nang 3 years before the sporting event itself .

Kaya pagdating ng nakatakdang taon at araw ay tiyakang handang handa ang mga ito sa pagsabak sa anumang uri ng labanan .

Pero ang ating mga ataleta ay kakaiba.

Dahil sila ay nagte-training , 3 MONTHS before the event ha ha ha .

Kalokah.

Hindi naman sa minemenos natin ang kakarampot na isinabak sa larangang ito ng paligsahan sa palakasan, subalit kung ganiyan nang ganiyan ang ating performance sa mga events na tulad niyan ay mabuti pang hindi na lang tayo magpadala ng ating mga kalahok .

Dito na lang tayo mag-tumbang preso at patintero , pwede pa.

At any rate , congratulations pa rin sa mga atleta dahil sa todo effort na kanilang ibinigay kahit na kulang na kulang ang suportang natatanggap nila mula sa gobyerno.

At lalo na kay Mark Barriga na siyang tanging nag-uwi ng medalya sa katatapos na Olympiad .

Better luck next time na lang ulit , kung may next time pa .


No comments:

Post a Comment