TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 1, 2012

EV71

Heto na , heto na , heto na haaaahhhh.

Doobidoo , bidoo , bidoo , bidoowaaahhh.

Ay mali , hindi pala ito lyrics ng isang awitin ng Apo Hiking Society he he.

Ang tinutukoy ko ay heto na naman ang isang virus na hindi natin alam kung saang lupalop nanggaling at naglakwatsa. Parang mga kabataan lang na mahilig lumaboy sa lansangan .

Ang EV71 o Enterovirus 71 for short este for long pala. Nagdudulot ito ng Hand, Foot and Mouth Disease at karaniwang umaatake sa mga bata .

Ang mystery disease na nagka-outbreak na sa bansang Cambodia , China , Vietnam at Taiwan  na pumatay na ng maraming  mga bata na nagkakaedad ng 7 pababa at ngayon ay kinatatakutan na sa buong mundo dahil within 24 hours ay puwede kang salubungin ni San Pedro with a smile and  his iconic tandang .

Ibat-ibang klase na nga  ng sakit ang pumapailanlang sa mundo dahil sobra nang dumi ng ating kapaligiran kaya hayan ang mga virus at bacteria at nag-eevolve na rin dahil sa mga duming ating ikinalat  sa hangin , lupa , tubig at apoy huh . Ano ito four elements ?

Nakakabahala naman dahil nito lang dekada nagsulputan ang strain ng mga bagong sakit like SARS , Swine Flu , Foot and Mouth Disease , Bird Flu at kung anu-ano pang flu .

Ang mga virus ay nagmu-mutate na dahil sa mga kababalaghanag ginagawa ng mga tao .

Ang lagay  eh tao lang ang marunong mang-trip at gumimik , siyempre pati mga virus nagpa-powertrip na din davah.

Kaya huwag nang magulat kung sa susunod pang mga generations eh marami pang mga bagong sakit ang magsulputan at mag-Hello Kitty .

Iyan ay hanggat hindi natututo ang tao na maglinis at rumespeto sa kaniyang kapaligiran .

Yun na !



No comments:

Post a Comment