TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, August 15, 2012

Eat Bulaga Indonesia




Oo nga naman at may karapatan si Joey De Leon na maghinanakit at magmaktol dahil parang hindi masyadong nabibigyan ng sapat na attention at pagkilala  ang pagkakaruon ng franchisee ng programang Eat Bulaga para sa bansang Indonesia which is unprecendented in Philippine History .

First time ito ha in the history of Philippine television na may bumili ng franchise ng isang TV show para sa kanilang sariling bansa .

Ito ang longest running noontime show ng Pilipinas na hindi talaga mapapantayan ng kahit sinuman at anuman.

Kaya nga pati ang " It's Showtime " ay saludo at bow  sa kanila he he.

Ang tanong , mapantayan kaya ng Eat Bulaga Indonesia ang institusyong naipundar ng TVJ Trio and the rest of the gang para sa Eat Bulaga Indonesia ?

At dahil diyan ay may bago nang lyrics ang theme song ng ating pambansang noontime show .

And it goes like this :

" ... Mula Manila hanggang Jakarta .
Sa Pilipinas o Indonesia
Isang libo't isang tuwa
Buong Asya , Eat Bulaga "


O debah naman he he . 

No comments:

Post a Comment