TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, July 11, 2012

R.I.P. Dolphy

Nagluluksa ang buong industriya ng pelikulang Pilipino at maging ang buong Pilipinas at ang mundo .

Ito ay dahil sa pagpanaw ng magaling at minamahal na Hari Ng Komedya na si Dolphy , Rodolfo Vera Quizon sa totoong buhay  , sa edad na 83 kahapon , July 10 , 2012.

Isa na namang dakilang haligi ng pelikulang Pilipino ang inagaw sa atin ni Kamatayan.

Nuong bata pa ako , ang akala ko sa mga sikat , mababait at magagaling na mga tao ay hindi namamatay .

Akala ko nuon ay invincible sila sa mga sakit at karamdaman dahil sa kanilang kabaitan at kagalingan .

Ang buong kainosentehan kong turan  nuon ay , "hindi sila kukunin ng Diyos kasi mababait sila at magagaling"

Ngunit ngayong dekadang ito ay ilan na ba ang mga magagaling,  mababait at sikat na tao ang kinuha sa ating kalagitnaan ni Lord ?

Nandiyan sina Mother Teresa , Pope John Paul II , Michael Jackson , Whitney Houston , Fernando Poe Junior at ngayon nga ay si Mang Dolphy .

Tandang tanda ko na ang unang pelikulang napanuod ko sa sinehan  ay isang pelikula ni Mang Dolphy ( hindi ko na maalala ang titulo nito dahil batang bata pa ako  nung unang makapasok sa sinehan )

At masugid ko ring sinubaybayan nuon ang  kaniyang TV show na John En Marsha opposite  another versatile and veteran actress Nida Blanca .

Nauna nang nagpaalam si Aling Marsha .

At ngayon naman ay si Mang John Puruntong  .

Dolphy , you will always be remembered .

You will never be forgotten .

You will always be in our hearts forever and ever.

Salamat sa isanlibo't isang tuwa at halakhak na walang halong pag-iimbot mong ipinagkaloob sa amin .

Kalungkutan man ang aming nadarama ngayon , alam naming sa piling ni Ama , ikaw ngayon ay maligaya.

DOLPHY ( 1928 - 2012 ) 


1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenJuly 12, 2012 at 8:28 AM

    wala na pala sya..so sad..

    ReplyDelete