TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, July 24, 2012

Love Yourself Hub in Ermita

Sa pamamagitan ng kaibigang Migs ng blogsite na Manila Gay Guy ay aking nalaman na mayruon na palang sariling lugar ang organisasyong itinatag ng kaibigan kong ito .

Ito ay ang Love Yourself - isang samahan o grupo ng mga taong tumutulong upang impormahan , gumabay , umalalay at magbigay payo patungkol sa lumalaganap na sakit na partikular at karaniwang naaapektuhan ay ang mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian, walang iba kundi ang AIDS .

Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nagpadalus-dalos ang katotong si Migs upang maitayo agad ang sentrong ito ng kapatiran at bayanihan nang sa gayon ay maagapan ang patuloy at nakakaalarmang paglobo ng bilang ng mga taong naaapektuhan ng sakit na ito .

Kamakailan lamang ay ginanap ang opening ng sentrong ito ( July 08 , 2012 to be exact ) na nasa  Ermita ,Manila .

Welcome ang sinumang nagnanais magpunta dito whatever kind of people you are .

At kung nais mo rin ng libreng pagpapayo , paggabay at pati na rin pagsusuri ukol  sa nasabing karamdaman ay mangyaring magtungo lamang sa lugar na ito .

Makakaasa kayo na kompidensyal ang lahat ng bagay na mapag-uusapan sa sulok na ito ng magulong siyudad.

Kaya nagpapasalamat tayo sa kaibigang Migs dahil sa kaniyang makabuluhan at mabuting adhikaing ito at nawa ay patuloy na suportahan ng ating mga mamamayang may hangaring makatulong .

Para sa iba pang detalye tungkol sa naturang organisasyon ay pakibisita ang link ng website dito LOVE YOURSELF

At kasabay ng opening ay ang photo exhibit entitled " How Do I Love Thee ? " 

Tandaan : sa sama-samang pagtutulungan , walang problemang hindi kayang solusyunan .

No comments:

Post a Comment