TRAVELBOOK NOW!

Sunday, July 29, 2012

Ang Baka at Ang Palaka

Isang araw ay mayruong isang munting palaka ang masayang naglalaro sa damuhan.

Sa kaniyang paglundag-lundag ay nakarating siya sa kaparangan kung saan maraming baka ang nanginginain ng mga damo.

Namangha siya sa kaniyang nasaksihan .

Lalo na sa isang baka na ubod ng laki at taba.

Siya'y lubos na nanggilalas dahil hindi niya mawari kung anong uri ng hayop ito.

At ngayon lamang siya nakakita ng hayop na ganito kalaki at kataba .

Kaya't dagli-dagli siyang umuwi at lumapit sa kaniyang Amang palaka na nuo'y abalang naliligo malapit sa sapa.

Anak : " Ama , ama , dali kayo may nakita akong kakaibang hayop duon sa kaparangan . Ang laki at ang taba niya .

Dahil nakaramdam ng inggit ang ama sa tinuran ng anak at hindi makapaniwalang may mas lalaki pa sa kaniya , unti -unting pinalobo ng amang palaka ang kaniyang katawan upang mapantayan ang laki ng sinasabing hayop ng anak .

Ama: " Hmmm, ganito ba kalaki at kataba ang hayop na nakita mo anak ? "

Anak : " Aba , hindi po , Di hamak na mas malaki pa diyan . "

Dahil sa narinig ay muling pinalobo ng amang palaka ang sariling katawan upang mas lalo pa itong lumaki.

Ama : " Marahil ay ganito kalaki ang hayop na nakita mo anak ? "

Anak: " Ay hindi pa rin po . Sigurado po ako na mas malaki pa diyan ! "

Ama : " Letse ka . Anong gusto mong gawin ko , palobohin nang palobohin ang sarili ko hanggang sa pumutok ako? Anong palagay mo sa akin bubble gum? Eh kung pumutok ako sa kapapalobo ng katawan ko. Sobra kang ilusyunada. Eh papaanong hindi magiging malaki yun eh , mga baka yung mga hayup na nakita mo . Ano ka shunga . Baka lang hindi mo pa alam . Ngayon ka lang ba nakakita ng baka ha. Kung gusto mo ikaw ang gumaya dun at palakihin mo katawan mo . Kapag hindi ka sumabog at pumulandit ang mga laman-loob mo dito sa sapa , ewan ko na lang sayo ."

Anak : " Si tatay naman , para nagtatanong lang eh , masama na bang magtanong ngayon ? Hindi ko naman sinabing gayahin mo yung mga baka na yun eh di ba ? "

Ama : " Umuwi -uwi ka nga sa bahay damuho ka at baka di kita matantiya mahampas kita nitong palu-palo na dala ko . Uwi . "

At diyan nagtatapos ang isang modern day fable he he he .

Happy reading . 

No comments:

Post a Comment