TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, June 13, 2012

Pacquiao loses to Bradley

At natalo ang isang alamat .

Bagamat idineklarang talo ang ating Pambansang Kamao laban kay Timothy Bradley sa nakaraang laban ng dalawa nitong Linggo, still marami ang naniniwala na si Pacman ang tunay na panalo .

Maraming nagsasabi na lamang sa puntos sa kanilang mga scorecards kabilang na ang mga batikang sports analysts , personalities and celebrities na  nagsasabing karapat-dapat na manalo ay si Pacman .

But still , the fact remains that the judges decision is  final and irrevocable .

Kaya wala na tayong magagawa duon kundi tanggapin nang may kababaang-loob ang desisyong ito bilang isang sports na mga mamamayan. Katulad nang pagtanggap na ginawa ng ating Pambansang Kamao.

Anyway , I'm sure there's gonna be a rematch .

Aba , dapat lang .

Dahil ayaw ko namang mag-retire at matapos ang career ng ating bayani bilang isang talunan.

Dapat na mabawi niya ang korona ng WBO Welterweight Championship na inagaw sa kaniya sa pamamagitan ng isang malinaw na " pandaraya "

Marami ang nagsasabi na " scripted " o sinadya ang nasabing desisyon upang magkaruon ng rematch at posibleng trilogy match nang sa gayon ay mas maraming pera pa ang pumasok sa kaban ng yaman ng kung sino man. .

Sa madaling salita , benta ang laban.

" Rigged " , tweet nga ni Justine Timberlake.

Lutong Macao .

So, pera pera pa rin talaga ang labanan.

At ang sabi-sabi pa , ay may malaking kinalaman dito ang mismong promoter ng Top Rank na si Bob Arum.

At isa pang punto dahil ito daw ay ginanap sa lugar na binansagang Sin Capital of the World na lungsod ng Las Vegas.

At diumano ay ang pagbebenta ng score ng dalawang judges na naglaglag kay Pacman !

Anyway , ang lahat ng ito ay pawang haka-haka pa lamang at hindi pa napapatunayan.

Ngunit sino ba ang nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan ng eskandalong ito sa laban ng ating Pambansang Kamao.

Tanging Diyos na lamang ang nakakaalam.

Subalit hindi na mahalaga  kung sino ang tunay na nanalo at natalo.

Ang mas mahalaga ay ang pagbangon mo mula sa iyong pagkadapa.

At muling maitayo ang bandera ng Pilipinas !

Kaya't nakikiisa ako sa panawagan para sa isang rematch sa lalong madaling panahon , nang sa gayon  ay magkaaalaman na kung sino ba talaga ang sino .

And still , idolo pa rin ng masa ang ating bayani .

Ang kaniyang buong tapang na pagtanggap sa resulta ng laban at sa desisyon ng mga inampalan  ay nagpapatunay lamang na dapat siyang hangaan dahil  sa pagiging sports sa tunggalian .

Kaya't dapat lamang ang isa pa ring hero's welcome para sa ating Pambansang Kamao !

Mabuhay ka , Pacman !

Ikaw pa rin ang tunay na panalo sa puso ng mga Pilipino at ng buong mundo!

No comments:

Post a Comment