TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 28, 2012

Gandang Gabi Vice

Aba , at  avid follower/fan na ako nitong programa ni Petrang Kabayo na Gandang Gabi Vice huh .

Tuwing Lingo ng gabi ay nakatutok na ako sa programang ito na tunay namang nakakaaliw kesehodang wala pa akong tulog o puyat .

Halos ayaw kong palagpasin ang palabas na ito every Sunday night.

Nakakaaliw naman kasi talagang mag-host itong si Vice .

Very kikay at maharot .

Pumi-PBB Teens he he he.

Kaya nga may rating na SPG ang show eh . Just like PBB Teens he he .

At least , mas swak sa reyalidad.

Kaysa naman sa iba na nagpapaka-plastik sa pagharap sa kamera.

Palung palo  ang SOH ( sense of humor  )  ng baklang ito .

Nang magsabog yata ng biro at tawa ang Diyos ay banyera ang sunong-sunong  ng bading na ito .

Kaya nasalo niya ang lahat ng tawa , hagalpak at halakhak ha ha ha .

Konting kibot ng labi ay tiyak na matatawa ka .

Mabisang pantanggal ng mga sakit at problema.

Very creative pa at spontaneous.

Ikaw na Vice .

Ikaw na ang Oprah ng Pilipinas .

Hindi masyadong bulgar , hindi rin naman boring .

Pero hindi ka puwede sa morning .

Panggabi ka lang talaga .

Parang si David Letterman lang ang peg .

Pero kahit na after ka pa ng PBB Teens.

GGV really wins !

1 comment:

  1. Mary Joy Briones LopezJune 29, 2012 at 5:59 PM

    that's true..ako din fave ko na host yan si vice ganda..preho tyo,ng andyn pa ako dko pinapalagpas programa nyan every sunday night..hehe.

    ReplyDelete