TRAVELBOOK NOW!

Friday, June 15, 2012

6 na bagay sa katawan na huwag na lang sana ...

Opo , ito yung mga bagay  sa aking katawang lupa na sana ay wala na lang o hindi na lang nagaganap o nangyayari  .

And I am speaking in behalf of myself .

Opo , sa ganang sariling kadramahan ko lang ito. 

Ngunit sa tingin ko , ang karamihan din sa aking mga kapwa ay ganito din ang  saloobin:

1.) Buhok sa ulo - sana hindi na lang humahaba at kumakapal ang buhok ko . Gusto ko ay lagi na lang maiksi at manipis ang aking hokbu sa anit . Mainit kaya sa ulo ang makapal at mahabang buhok . Kaya every 3 months halos ay obligado akong magpatabas kay Manong Barbers . Madali pa namang humaba ang aking hairlilet na parang laging binubuhusan ng hair grower.Hindi ko pinangarap na maging katulad ni Rapunzel na may extra long hair , there and everywhere. Mabuti kung aakyatin din ako ng aking prince charming sa aking tore he he .Hindi ko rin kailanman pinantasyang magpahaba ng hairlaloo kagaya ni Elvira noh .  Actually ayaw kong humaba ang aking hair . Ngunit ayaw ko din naman ng kalbo o panot . Basta ang wish ko lang ay isang clean cut and well-shaved hair sa ulo na never nang hahaba at lalago forever. Basta ganun na lang  siya magpakailanman .

 2.) Buhok sa katawan - hate ko rin ang mga buhok sa aking katawan like what I have in my underarms , at my shoulders and back , in my chest and also at my butt he he he . Kung bakit naman kasi itong si Motherly ay ipinaglihi pa naman ako sa balut penoy na sa dinami-dami naman ng mapagtritripan ay ito pa. Isali ko na din ang aking bigote at balbas na hassle ang halos araw-araw na paglago na parang damo na kahit hindi mo lagyan ng fertilizer ay kusang tumutubo . Kaya obligado ka tuloy mag-ahit din araw-araw. Kapag hindi mo naman inahit ay baka mapagkamalan kang galing sa Planet of The Apes o miyembro ka ng Taliban ni Osama Bin Laden  . Hindi pa naman bagay sa akin dahil nawawala ang aking mukhang pagiging inosente he he. Nagmumukha tuloy akong si Mr. Suave .Sana hindi na lang sila tumutubo at lumalago sa aking katawan . Hindi ko pa naman kayang magpa-permanent hair loss dahil Mahalia Jackson .

 3.) Taba - I am sure marami ang aagree sa akin kapag sinabi kong sana ay hindi na lang naimbento ang taba huh . Ang dami kayang ayaw sa taba na iyan noh especially ang mga bilbil sa tiyan hu hu hu .Kaya nga diyan yumaman si Mam Vicky Belo dahil ang daming nagpapatanggal ng kanilang sebo at taba . Eh bakit pa kasi kailangang ideposito ang mga taba na iyan sa katawan huh . Mabuti kung pera iyang nai-stock sa ating tiyan , mayaman na siguro ako  . Milyonaryo pa he he . At mabuti kung mapapakinabangang ibenta por kilo  . Hayzzz , Taba Taba , Paano Ka Ginawa ?

4.) Pawis - Isa pang likido sa katawan na ayokong ayoko . Sana hindi na lang pinapawisan ang tao dahil nangangamoy-pawis at alat . Malagkit pa sa katawan . Mabuti kung laging aircon ang haybol namin . Eh kung hindi , todo tagaktak like Pagsanjan Falls ang pawis ko lalo na sa bandang likod. Kaya naman todo kontra din  ako dito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga anti-perspirant cream na hassle naman sa kalagkitan . Gonna Make You Sweat at Sweat For My Sweat ang drama ng lolah n'yo ha ha ha.

5.) Kuko - bakit kailangan pang humaba ng kuko everyday . Kakaputol mo lang ngayon ang haba na naman kinabukasan . Bakit hindi na lang sila manatiling maiksi para hygienic . At hindi mo  na kailangang i-trim at i-nail file week after  week .Mabuti kung lagi kang may pera para magpa-manicure and pedicure sa David's Salon. 

6.) Oil - lalo na sa aking mukha . Baka nga kung lagyan mo ito ng galunggong ay maluluto ito sa ilalim ng sikat ng araw .Hyper ang aking mga sebaceous glands sa pagmamanufacture ng galon-galong oil everyday . May overtime pa sila at night shift na duty . Kung maiimbak ko nga lang ito ay baka naging milyonaryo na ako dahil puwede na akong magtayo ng oil refineries dahil dito. Sabi nga oiliness is next to ugliness ewww . Kaya naman kailangang tambakan ng tone-toneladang pulbos at oil-controlling powder ang aking fez para hindi magmukhang longganisa huh . Kung puwede lang itong ipunin at i-market bilang bagong cooking oil .



So there, iyan ang mga bagay sa aking katawan na sana hindi na lang nangyayari o nagaganap.

But then again , that is the design of our God sa ating katawan and I believe He knows what's best for us so who are we to argue .

Nangyayari ang mga iyan dahil hinayaan Niyang ganiyan ang kanilang konsepto . Ganiyan ang kanilang disenyo.

At ang lahat ay nangyayari nang may dahilan .

Makikipagtalo pa ba tayo sa Kaniya ?

So tanggapin na lang natin ang masaklap na katotohanan davah .

Anyways , lagi namang may paraan kung paano  maiibsan ang kanilang hatid na inconvenience sa ating buhay.

And so be it .  

Ang akin lang naman.

Sana lang , sana !

2 comments:

  1. Oiliness is next to ugliness talaga! Imbey yan! Salamat sa Johnsons Baby powder for keeping us fresh all the time :D

    ReplyDelete
  2. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete