TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 30, 2012

the verdict !

At last  , after almost 5 months of publicity trial on TV  and much has been said and done , the verdict has arrived and it is GUILTY by the virtue of  20 to 3 votes .

Mabuti naman at natapos na ang ating kalbaryo patungkol kay Chief Justice  Renato Corona Impeachment Trial eklavu na ito dahil makahihinga na tayo ng mas maluwag-luwag ( kaya ? )

Sana naman ay wala nang appeal eklavu para umusad na nang husto ang gulong ng ating justice system nang mahusay .

Tama na ang mga salita, satsat at mga walang kapararakang haka-haka at suhestyon  ek ek dahil humatol na ang 23 na hukom/senador ng ating bansa which is final and executory and as far as my very own opinion is concern , I'm in favor of it .

Yun lang at pare-pareho na tayong manahimik.

Sa wakas ay may kinahantungan din ang ikalawang impeachment trial na naganap sa bansa matapos ang hindi naselyuhang impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa pagwo-walk out din ng mga miyembro ng  taga-usig na hindi pumabor sa desisyon ng mga senador/huwes na buksan at tignan ang laman ng isang mahiwagang envelope .

Mabuti na lang at dito sa pangalawang impeachment trial na muntikan na ring mauwi sa pagwo-walkout ay hindi na pumayag at napigilan ng chairman na si JPE na makalabas sa vicinity ng husgado ang mismong witness na si CJ Corona upang umalis . ( Papalag ka ba kay Manong Enrile huh ? )

At yun na nga natapos din sa wakas .

Aba , ito lang ang trial na tinutukan ko mula umpisa hanggang wakas at never akong inantok ( kahit siesta time pa  ) dahil talagang nerve-wracking and heart -pounding kapag inaabangan mo ang resulta ng pagboto ng mga Senator/Judges .

Siyempre pinakawagas pa din sa lahat si Miriam Defensor-Santiago na umuusok pa rin ang tenga at ilong sa kapapaliwanag ng kaniyang verdict na " not guilty " vote . ( Putragis naman , hanggang sa pagbobotohan ba  eh mistula pa rin tayong mga batang sinesermunan nitong over- and super-clever na si Madam Miriam )


 At siyempre pinakakuwela naman ang " speech " ni Senator Lito Lapid kung saan sinabi  niyang kunsensya ang ginamit niya sa kaniyang  pagboto he he he.



Another history has been unfold before our very eyes !

May we all rest in peace now , amen !





No comments:

Post a Comment