TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 8, 2012

SPG ng MTRCB

Kalokah naman itong SPG rating ng MTRCB .

Ipinauso ng anak ni FPJ na si Grace Poe-Llamanzares , ito ay ang bagong ratings sa mga television shows na maliban sa dati nang Rated G o General  Patronage at aprub sa mga kulit bulilit at PG o Parental Guidance na kailangang may gabay ng mga paryentes.

This time ay dinadagan na ng Strong Parental Guidance ang drama ng lolah n'yo.

At hindi lang iyan , dahil kapag tinamaan ng ganitong rating ang show mo ay kuwidaw dahil maaaring may " mga maseselang Tema , Lenggwahe , Karahasan , Sekswal , Horror o Droga na hindi angkop para sa mga bata ."

Okay lang naman para sa akin dahil at least walang " putol "   na ini-impose sa mga palabas na apektado nito.

Magsisilbing paalala lang para sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa panonood ng mga programang may ganitong uri ng klasipikasyon.

Iyon nga lang sana ay mataman nilang rebyuhin ang mga programa kung karapat-dapat nga bang patawan ng ganitong klase ng ratings dahil merong iba na  tila nakakalusot sa kanilang paningin.

Lalo na iyong mga ipinapalabas  sa late na oras ng gabi .

Eh minsan ay may mga gising pang tsikiting patrol na nagpupuyat kasama ng kanilang mga magulang lalo na kung weekends at walang pasok sa eskwela ang mga bata.

Ang hindi yata nababantayan ng maigi ay itong mga ipinapalabas na DVD movie sa loob ng mga bus na biyaheng probinsya at maging dito sa Metro Manila .

Minsan ay tahasan na ang graphic na pagpapalabas ng kahit na malalaswa at maseselang eksena kahit na may mga batang nakasakay sa loob ng bus .

Eh paano ba ito mare-regulate huh?

Ito ang dapat na ipagbawal dahil walang kontrol dito ang pamahalaan .

Paging MTRCB Chairwoman Grace Poe-Llamanzares .

Paki-pasadahan po ang mga bus na ito na nagpapalabas ng mga pelikulang may rating na SPG dapat.

1 comment:

  1. I really like Grace as MTRCB chairwoman. Active at talagang seryoso sa work. I commend them for having a uniform logo of G, PG and SPG sa lahat ng local channels.

    Kalerki nga lang 'yung mga bus na nagpapalabas ng action movies. Kadalasan kasi may sex scenes ang bida sa leading lady nila.

    ReplyDelete