TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 5, 2012

Santan

Naka-relate naman ako sa latest commercial ng Nido 3+

Nope , hindi po dahil isa na akong ganap na nanay  at mayruon na akong tsikiting he he .

Kundi duon sa eksenang the featured mother says yes to her daughter para gayahin yung laro nila nuon na huhugutin yung gitnang  bahagi ng santan flower at tapos ay may lalabas na nectar sa dulo nito at sisipsipin nilang mag-ina.

Naalala ko tuloy yung gawain din naming ito nuong kami'y mga bulinggit pa din .

Hitsurang sinermunan kami ng aming guro sa elementary dahil nauubos na yung bulaklak ng santan dahil sa kapipitas namin dito ha ha ha.

Ang tamis naman kasi ng lasa ng nectar juice na lumalabas mula dito .

Kaya naman pala naaakit ang mga bubuyog na dumapo sa mga bulaklak na tulad nito .

Hayyysss , sarap lang bumalik sa pagkabata !


No comments:

Post a Comment