TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 23, 2012

R.I.P. Robin Gibb

Kasunod ng pagpanaw ni gay icon Donna Summer ay isa pang idolo nuong Dekada 70 hanggang 80 ang nagpaalam .

Si Robin Gibb of the famous Bee Gees .

Nuong miyembro pa siya ng Bee Gees trio kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Maurice Gibb , Barry Gibb at si Robin nga , siyempre , ayon nga sa isang artikulo ay pangalawa lamang sa pinakasikat na banda sa buong mundo , pagkatapos ng The Beatles .

Nauna nang pumanaw ang kanilang kapatid na si Maurice Gibb nuong January 12 , 2003 dahil sa mga komplikasyon dulot ng sakit na volvolus .

At ngayong taon naman ay si Robin Gibb ang sumunod dahil sa colorectal cancer .

At dahil dito ay si Barry Gibb na  lamang ang natitirang buhay na miyembro ng pamosong Bee Gees trio ( ang kanilang kapatid na si Andy Gibb na isa ring sikat na soloista ay hindi naging bahagi ng grupong Bee Gees )

Sumikat din si Robin Gibb bilang isang solong mang-aawit at dahil dito ay iniluwal ang kaniyang pinakasikat na kanta bilang soloista , ang awiting Boys Do Fall In Love .

Muli , isa  pang pagpapaalam mula sa isang magiting na nilalang :

ROBIN GIBB

(22 December 1949 – 20 May 2012)  




No comments:

Post a Comment