TRAVELBOOK NOW!

Thursday, May 17, 2012

Pills with fetal ingredients ...

Nakakabahala naman itong napabalitang pagkakasabat daw sa airport ng South Korea ng mga bagahe na naglalaman ng libu-libong piraso ng mga pills na matapos  suriin ng mga siyentipiko ay napag-alamang naglalaman diumano ng dinurog at pinulbos na laman ng tao na maaari diumanong galing  sa mga patay na bagong silang na sanggol o fetus .

Diumano ay galing ang mga kontrabando sa China at idedeliver at ibebenta sana sa South Korea bilang mga gamot na pampalibog , pampagana at pampalakas ng resistensya .

Subalit matapos masabat at suriin ang nilalaman ng mga pills ay dito nga nadiskubreng may sangkap ito na tunay na mga laman ng tao !

Tunay na nakakabahala ito dahil pati pala laman ng isang tao kahit pa patay na iyan at sangol pa  lamang ay ginagamit na rin para lamang kumita sa larangan ng komersyo at negosyo .

Maaaring hindi ito alam ng mga tumatangkilik ng produktong ito na ganito ang laman ng kanilang pildoras na kinakain .

Ngunit , diumano ay mabentang mabenta ito para sa marami kaya naman bentang-benta sa merkado .

Kaya ingat sa mga tao na naghahanap ng mga gamot na pampagana at pampalakas na tulad nito dahil hindi ninyo alam ay lumalantak na pala kayo ng tunay na laman ng tao .

Pills with fetal ingredients ... it's really fatal kapag nginuya mo .

Tsk tsk tsk , tunay nga yatang pasama na ng pasama ang takbo ng mundo !

Sabagay , Biblical naman iyan .

Na talaga daw darating ang araw na lalabis na ang kasamaan ng mga tao .

Sana lang ay hindi ko na maabutan ang kasukdulan ng kasamaang ito ng tao na inihula na ng Bibliya nuon pa man !

No comments:

Post a Comment