TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 13, 2012

MVP is going to buy GMA 7 ?

Kapag may usok , may apoy !

Isang matandang kasabihan na pinatunayan na ng maraming pangyayari at pagkakataon .

Kasabihang akmang akma sa latest issue with regards sa plano daw ng may-ari ng ABC TV Channel 5 na si Manny Villarosa Pangilinan na bilihin ang lahat ng shares ng mga may-ari ng GMA TV Channel 7 .



Kahit anong pagpapabulaan pa ang gawin ng dalawang kampo hinggil sa tsismaks na ito , hindi maipagkakaila na kaya kumalat ang alingasngas na ito ay dahil may pinagsimulan .

May pinanggalingang apoy ang usok na ito kumbaga .

Hmmmm , ano kaya ang kanilang niluluto ?

It's a business strategy on the part of  The MVP



Oo nga naman , para makontrol niya at mamonopolya ang dalawa sa nangungunang mga TV stations sa bansa .

Katulad ba ng business strategy ng Jollibee na binili ang  lahat ng mga kalaban niya para i-monopolize ang fastfood business dito sa bansa gaya ng Chowking , Greenwich , Red Ribbon at ngayon ay ang Mang Inasal naman?

Wise moves naman .

Balang araw nga , lahat yata ng fastfood restaurant na kinakainan nating mga Pinoy ay pag-aari na ng Jollibee ha ha ha.

Back to Channel 5 and Channel 7 brouhaha , huwag lang sanang umabot na kapag nakuha man ni MVP ang gusto niya ay maging pare-pareho na lang ang format , theme at style ng mga palabas na napapanuod natin sa TV dahil iisa lang ang nagmamaniobrang kapitan ng barko , hmmmm !

Abangan ang susunod pang mga kabanata !


No comments:

Post a Comment