TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 20, 2012

Kalibre 38

Nuong isang araw ay nagulat ako sa aking nakita .

Heto :

Isang Kalibre 38 na revolver ang nakahilata sa aming sofa.

 Hindi ako pamilyar sa mga modelo ng baril . Nabasa ko lamang sa etiketa na nakadikit sa kahon nito ang detalyeng ito .

Binili daw ni Father Dear .

Para sa mga hindi nakakaalam , Sitio Chairman si Father dear ng aming purok dito sa Antipolo .

At nuong isang gabi daw na nagroronda sila sa buong sityo ay mayruon daw mga nambato sa kanila habang sila ay umiikot sakay ng kanilang mobile patrol   kasama ng kaniyang mga tanod.

Kaya biglang napabili daw nito si Father .

Nalungkot lang ako dahil hindi ako masyadong komportable na may baril sa loob ng aming pamamahay .

Eversince ay hindi ako kumporme na magmay-ari o sinuman sa aking kapamilya ng isang baril .

Paghawak pa lang dito ay nanginginig na ang mga kamay ko .

Itututok mo pa ba ?

Kaya medyo sad slightly ang lolah n'yo dahil dito.

Because I believe na lagi nang kaakibat ng baril ang panganib .

Huwag naman po sana .

Guide and keep us safe na lang Lord !

No comments:

Post a Comment