TRAVELBOOK NOW!

Friday, May 18, 2012

Erap para sa Maynila

It's official , kakalabanin na ni dating Presidente Joseph " Erap " Estrada si current Mayor Alfredo Lim para sa darating na lokal na halalan sa taong 2013 bilang mayor o alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Erap versus Lim , aba , matinding bakbakan iyan .

At ka-running mate pa ang dating kaalyado ni Mayor Lim na si Vice Mayor Isko Moreno huh .

Hmmmm, may bendisyon  kaya iyan  ni Kuya Germs ?

Kaya nga kahit ganito kaaga ay umarangkada na agad ang Jeep Ni Erap sa kalsada upang " mangampanya na "

Tila ba matapos matalo sa halalang pampanguluhan ay pinupuntirya naman ng dating pangulo ang posisyon para sa pamamahala sa Lungsod na kapital ng bansang Pilipinas at kung saan nanduruon ang opisyal  na bahay ng Presidente ng bansa , dili iba't  ang Malakanyang .

Eh paano na ang dating balwarte niyang San Juan na naging tahanan niya sa loob ng maraming dekada , tuluyan na ba niyang aabandonahin?

Masaya ito .

Onli in da Pilipins !

No comments:

Post a Comment