TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, May 9, 2012

Bugbugan Na !

Akmang akmang titulo ang kantang ito ng bandang P.O.T.  na pinamunuan ng nasirang si Karl Roy para sa mga serye ng bugbugan na naganap at naging headline sa mga balita lately .

Yugyugan Na ang pamagat ng kanta , para sa bugbugan series na ito , Bugbugan Na ang dapat na titulo !

Una ay ang pambubugbog kay teen star Albie Casino sa Fiamma Bar sa Makati nitong nakaraang Mayo 5 lamang ng madaling araw .

Si Albie na sinasabing ama ng anak ng kapwa teen star na si  Andi Eigenmann ay binugbog at pasa-pasa ang mukha at katawan diumano ng mga katropa at kagrupo ni Andi nuong gabing iyon dahil na din sa matagal nang alitan at tensyong namamagitan  sa magkabilang panig.

At nang magtagpo ang dalawa nuong gabing iyon, hindi na napigilang sumabog ng Bulkang Pinatubo at riot ang sumunod na mga eksena .

Ang sumunod naman ay ang mala-professional wrestling na eksena sa NAIA Terminal 3 nang mabugbog naman ang journalist and TV personality na si Ramon " Mon " Tulfo ng mga tropa at mismo ni Raymart Santiago na nag-ugat dahil sa hindi pagkakaintindihan sa ilang mga gusot na may kinalaman sa nawawalang bagahe ng mag-asawa ( Raymart Santiago at Claudine Barretto )

Bugbog sarado din ang mukha ng matapang at astig na isa sa mga Tulfo Brothers na si Mon Tulfo .

Hanggang sa mga oras na ito ay nagpapalitan pa ng mga maaanghang na salita ang magkabilang kampo na involved sa nasabing insidente , ganundin ng mga demanda at kontra demanda sa bawat isa !

Sige magbugbugan na lamang kayo .

It is truly a Pacman nation !

Sabi nga ng kanta :

" Sige na people, let’s get on down
Sige na, sige na, sige na, hah…
Sige na people, let’s get on down
Sige na, sige na, sige na, hah…..

Sa pagkakaupo mo, nakarinig ka ng  bugbugan
Sige na, hah….bugbugan na!
Pagkasabay pa ng bugbugin
Nangangati ang kamao
Sige na, hah….bugbugan na! Come on! "



No comments:

Post a Comment