TRAVELBOOK NOW!

Friday, May 4, 2012

Bading sa Miss Universe ?

Usap-usapan sa buong universe ang tungkol sa pagsali ng isang Canadian transgender na si Jenna Talackova para sa pabolosang pakontes na Miss Universe sa susunod na mga taon.

Diumano ay pumayag na si Miss Universe producer/owner Donald Trump na papasukin sa nasabing patimpalak pagandahan ang nasabing transgender -  meaning retokadang sirena na dati'y isang matipunong lalaki subalit ngayon ay isa nang mabining girlaloo sa panlabas na kaanyuan .

Ito yung mga lalaking may paniniwala na sila ay isang babaeng kaluluwa na nakulong sa katawan ng isang lalaki . Kaya naman pilit nilang binabago ang kanilang panlabas na kaanyuan at gustong palabasing isa silang tunay na babae sa isip , sa salita at sa gawa .

Sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya ay hindi  na ito imposible at marami nang paraan kung papaanong ang isang katawang lalaki ay mapalitan ng isang katawang pambabae - korek ka diyan , sila ngayon ay may malulusog na dibdib o suso ( yung isa ko ngang friendship na girl ay insecure sa mga parloristang bading dahil mas may suso pa daw sila kaysa sa kaniya he he he ) , matatambok na mga behind o puwet , naghahabaan at nagkikintabang  buhok , sexy at balingkinitang mga katawan , makikinis na balat , mapanghalinang mga hita ,  binti at braso at higit sa lahat ay  mayruon na silang sariling kiki o puke .

Take note hindi hiram yan ha at walang mga padding he he he.

Hindi ko alam kung paano nila nagagawa iyon pero maniwala ka , wala na sila ngayong lawit , ang meron na sila ay kawit ha ha ha.

Iba na talaga ang panahon !

At ngayon nga ay gusto na rin nilang mapabilang  sa mga patimpalak na dati ay exclusive lamang para sa mga lehitimong anak ni Nanay Eva .

In my own honest opinion , para sa akin ay hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon o kalakaran.

At hindi ako kailanman sasang-ayon sa ganitong panukala dahil naniniwala pa rin ako na sagrado ang kaibahan ng babae sa lalaki .

At sa gayunding paraan  -   ng mga binabae sa mga tunay na babae .

Kapag ginawa mo iyan ay magiging precedent na iyan sa darating pang mga kompetisyon at hindi mo na malalaman kung sino ang sino at ano ang ano.

Maghahalo na ang balat sa tinalupan.

Parang palabok at chopsuey na halo-halong sangkap sa iisang putahe .

Para sa akin , ang babae ay sa babae , at ang lalaki ay sa lalaki  .

Ang mga bakla ay may sariling mundo   at para sa akin ay marapat na  ito na lamang ang kanilang pagyamanin at huwag nang makisawsaw pa sa mundo ng mga diretsong mahirap silang maunawaan.

Huwag nang gawing komplikado pa.

I have nothing against transgenders , it's their own choice so be it.

Ang sa akin lang  sana ay lumugar sila sa dapat nilang kalugaran .

Nang sa gayon , in the future ay walang maipipintas ang next set of generation sa mga kafatiran na nagpupumilit matanggap ng lipunang kaniyang ginagawalan bilang isang babae.

Dahil ang buong katotohanan , lalaki kayong ipinanganak at lalaki kayong mamamatay .

At kailanman ay hindi kayo magiging ganap na babae!

Dahil kailanman ay  hindi kayo tutubuan ng matris !

Yun lang at maraming salamat !


No comments:

Post a Comment