TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 27, 2012

10 things I wanted to say about you ...

At dahil uso sa blogging world ang magsulat daw ng mga salita na gustong gusto mong sabihin sa iyong kapwa pero hindi mo masabi dahil sa kung anong kadahilanan ay mabuting  isulat mo na lang at dito mo daanin at ilabas ang iyong mga saloobin.

Para sa kahit na kanino at kahit papaano , ihiyaw mo dito , huwag mo lang papangalanan.

Siyempre , join din ako .

Noong una , parang wala naman akong maisip.

Ngunit , meron naman pala.

Marami.

Ngunit para lang sa isang tao .

Dahil ang dami-dami kong gustong sabihin at isigaw sa kaniya ngunit ni hindi ko naibuka ang aking bibig kapag nasa harapan niya .

10 lang muna dahil masyadong marami kapag 100 ha ha ha.

1.) Laging mainitin ang iyong jarhead. Alam kong high blood ka , pero puwede namang makontrol ang pagiging mainitin ng ulo kung hindi paaakyatin dito ang pagkulo nito.

2.) Lagi kang nakabulyaw . Konting kibot , sigaw ka kaagad. Tuloy pati mga kasambahay mo ay nahahawa na sa iyo. Pero kapag ibang tao ang sumisigaw , iritable ka agad .

3.) Feeling perfect ka . Lagi kang tama , ni minsan ay hindi ka yata naging mali .

4.) Ayaw na ayaw mo ng amoy na maantot , maanggo , maanta , makyoho at malansa . Pero ikaw mismo  ay hindi mo nasisisnghot ang sarili mong " pabango ".

5.) Laging mong sinasabi na magtipid sa kuryente at ilaw. Galit ka na agad kapag naabutan mong nakasindi ang ilaw na sabi mo ay walang gumagamit kahit na meron . Pero ikaw , aalis ka at iiwanan mo na nakabukas ang electric fan  at ang TV .

6.) You do not walk  your talk.

7.) May isyu ka nang pagiging " paboritismo " .

8.) Masyado kang mapagbigay sa iyong mga " bisita " kahit na ikaw mismo ay wala nang maibigay. Ultimo kakainin na lang ng iyong pamilya ay ipamimigay mo pa masabi  lang na hindi ka maramot.

9.) Marami kang disgusto sa buhay . Ayaw mo si ganito , ayaw mo ng ganiyan. Ang hindi mo  alam ay ang pagiging marunong makibagay at makisama sa kahit na sinong tao at kapwa mo ay isang bertud .

10.) Siguro kapag wala ka nang kasama sa bahay na mapag-uutusan mo ay madali itong magiging masukal na bahay na bato .

Yun lang !

1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenMay 29, 2012 at 6:31 AM

    ehem..parang kilala ko yan..hehe..take it easy kuya,..i feel for u..:)

    ReplyDelete