TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 23, 2012

Woman In Black

Ito naman ang bagong pelikula ng dating teen heartthrob na si Daniel Radcliffe na gumanap bilang cute na cute na bagets na si Harry Potter sa lahat ng film versions ng libro nito .

Ito ang unang pelikula ni Daniel independent sa Harry Potter series niya at kung saan ay matured na ang kaniyang itsura at anyo. Dito ay mamang mama na ang itsura ng ating bida. Our boy had indeed become a fully grown man.

Bagamat hindi ito ang kaniyang unang mature role dahil una na siyang nagpaka-mature at daring sa stage play na Equus nuong 2007 bilang si Alan Strang kung saan siya ay nag-burles in front of the people sa harap ng stage .

Dito sa pelikulang ito ay hindi na cute ang ating bidang bagets formerly known as Harry Potter kundi isa nang pamilyado at propesyunal na abogadong si Arthur Kipps  na minumulto ng kaniyang nakaraan at pinagsusumikapan na buhayin nang maayos ang kaniyang nag-iisang anak na si Joseph Kipps.

Pasable ang mga takutang eksena na todo namang nakakapangilabot . Hinding hindi mo ito panonoorin ng mag-isa ka lang , pramis!

Kaaliw din ang twist ending ng pelikula . ( Hindi ko sasabihin para surprise he he )

Simple storytelling of an old horror tale with a twist , ikanga.

At bagamat hindi na cute ang bidang si Daniel Radcliffe dito ay still equally delicious and papable pa rin naman siya bilang isang matured and hunky actor .

I would like to expect more of Daniel's flesh  in the future .

; )  that's a wink for you .

No comments:

Post a Comment