TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 5, 2012

Thank you Cecon

Lately ay nagiging masasakitin yata ako , partikular sa trangkaso at lagnat .

Kamakailan lamang ay pinatumba na naman ako ng isang trangkaso na ikinahiga ko sa kama ng 3 araw , hayzzz.

Buti na lang at laging nandiyan si Mother dear with her magic banyos hilot at sa tulong na rin ng Bioflu at Biogesic he he.

Lagi kasing puyat sa kolsener job at laging babad sa pagkalamig-lamig na freezing aircon.

Palibhasa siguro ay gustong iparamdam sa amin ng management kung gaano kalamig ang freezing conditions ng mga American Indians na nasa Montana kaya tinotodo na rin ang lamig ng aircon niya para mas reliable at kapani-paniwala na nasa Amerika nga kami huh.

Todo balot na nga ako ng jacket at pati paa ko ay may medyas na pero ramdam ko  pa rin ang lamig ng centralized aircon na nanunuot sa aking kalamnan.

Kaya naman siguro ay kailangan na ng extra help ng mga multivitamins and minerals para sa akin.

Lalo na at hindi naman na ako bumabata kundi tumatanda . Hindi naman ako si Benjamin Button na bumabata ng paurong he he.

Aminado naman ang lola n'yo na patungo na ako sa pagkagurang . And one of the symptoms are showing like being prone to colds and fever. Andiyan na rin ang rayuma , ubo at pananakit ng kalamnan lalo na kapag sobrang lamig ng temperatura.

Kaya very timely naman ang pagkakabigay ng  Cecon ng aking premyo na almost 1 year supply of Vitamin C para sa napanalunan kong contest entry last year.

 Thank you Cecon .

At least multivitamins na lang ang poproblemahin kong bilhin ng aking tight  budget .

And I want to thank the Lord for still giving me a healthy life !

Nagkakasakit man , mga simpleng lagnat lang at trangkaso na madali rin namang gumagaling .

Karapat-dapat pa ring ipagpasalamat lahat sa Diyos !

Amen!

No comments:

Post a Comment