Monday, April 16, 2012

supot ...

Ikanga ng headline ng isang tabloid

Rocket ng North Korea : Supot !

Oo nga naman , sa dinami-dami at tinagal-tagal ng media publicity ng  nasabing Unha-3 rocket ng NoKor na ini-launch sa space nitong Biyernes ng astig na komunistang bansang ito at  pagkatapos ay puputok , sasabog at magkakapira-piraso sa ere na parang supot.

Parang paputok lang kapag Bagong Taon dito sa 'Pinas - na akala mo eh ang lakas - lakas at nakakabingi ang big bang boom , yun pala ay isang mahinang .....pffftttt !

Parang umutot lang he he he.

Kuntodo alerto pa naman ang Pilipinas dahil baka nga naman daw mabagsakan tayo ng debris ng rocket na etu kapag sumabog na . 'Yun pala ay wala namang babagsak sa atin dahil sa ere pa lang ay naging abo na he he he.

Iyon nga lang , nagkaruon ng ashfall sa ating himpapawid ha ha ha.

Hindi bale na , uso naman iyan ngayong summer eh .

Mga supot na nagpapatuli he he he .

1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenApril 19, 2012 at 10:21 PM

    haha ganun ba yun..hala galit sayo naglaunch ng rocket kuya..hehehe

    ReplyDelete