TRAVELBOOK NOW!

Monday, April 2, 2012

Nunal

Napansin ko lately na dumadami ang aking nunal.

Puwede pa lang mag-appear at disappear ang iyong nunal in the span of your life .

And that is a fact huh.

Opo , totoo iyan .

Dahil natatandaan ko nuong bata pa ako ( aminado na gurang na ) ay wala naman akong masyadong ganiyang mga skin markings and discolorations.

Pero lately ay tila dumadami at tumutubo kung saan saan.

Napansin ko lately kasi nang minsang maghubad ako ( pasensya na kasi minsan lang ako maghubad he he ) na tila ba ang dami na nito sa aking buong katawan . Parang mushroom na biglang nagsipagsulputan nang makidlatan huh.

Aba at ngayon ay meron na akong nunal sa palad  , marami sa leeg , sa dibdib , sa braso , sa tiyan , at marami din ay sa mukha . Hindi ko lang alam  kung meron sa puwet dahil hindi ko makita he he .

Subalit meron akong isang major concern na nunal na nasa noo ko na medyo malaki at tila lumalaki pa . At medyo bumubukol .

Konsulta agad ako sa internet for signs and symptoms ng cancerous moles dahil I've heard it somewhere in the grapevine na delikado raw ang nunal na lumalaki.. Mahirap na baka cancerous nga ito ay maagapan agad.

Heto ang nakita kong mga telltale signs and symptoms ng isang cancerous and malignant mole tumors or melanomas:

  • The existing mole changes in color. A sign of skin cancer is detected when you notice your mole or wart is having different colors, like from brown to light brown or tan or black, actually combination of all.
  • The existing mole changes in size and shape. This includes the border and diameter of the mole. If the border changes and becomes irregular it’s a sign. If the diameter is expanding and enlarging, it’s a warning of melanoma. Melanomas usually are larger in diameter than the size of the eraser of a pencil (1/4 inch or 6 mm).
  • The mole is evolving. All in all if the mole is changing in appearance from time to time, in shape, size, color, texture, and any symptom such as itching, bleeding and crusting, it has a higher risk to melanoma.

Hmmm , at ayon sa datos na iyan , sa number two lang naman ako nahagip. Hindi naman nagche-change ng color ang nunal ko like  a chameleon na magaling mag-adapt sa color ng kaniyang kapaligiran at hindi rin tulad ng mga pulitiko na mahilig namang  magpalit-kulay especially when election time comes he he he . It stays black lang all the time . And wala namang bleeding , itching or crusting akong nararamdaman para sa nunal na ito sa aking noo. Siguro ay natural lang talaga siya na lumalaki . Malay . Siguro hindi pa niya naaabot ang kaniyang growth years he he he.

Ito lang namang nunal ko sa noo ang napapansin kong pasaway . Yung iba , behaved naman . Kung ano lang yung liit nila o laki hanggang duon na lang sila . Pero itong nandito sa noo ko , tila lumalaki at umuumbok .

Hmmm , mamaya , may palo ka sa akin ha! Pak!

Anyways , ayaw ko namang maging cause of  alarm pa ang munting nunal na iyan anoh at i-stress ang buong araw ko kaya dedma na lang . Eh kung maging cancerous siya at maging maligno , gora ka day , ha ha ha . Mabuti nga  iyon at maagang matitigok ang bakla  he he he . Kabawasan sa salot ng lipunan he he he.

By the way , naalala ko tuloy ang lumang awitin ng novelty singer na si Vincent Daffalong ( oo na , naabutan ko iyan noh , at kayo hindi huh ) entitled " Mahiwagang Nunal "

Ayon sa kanta ni Daffalong ( ayon sa kuwento nuon kaya daw Daffalong ang ginamit niyang apelyido ay dahil dapa daw ang kaniyang ilong he he ) may mga ibig sabihin daw ang nunal kung saan siya nakapuwesto sa iyong katawan . Halimbawa kung sa paa , ay lakwatsera , kung sa dila , tsismosa atbp.

Anyway heto  na lang ang  lyrics at nang mas maintindihan ninyo .

At ang kaakibat na video ng song sa Youtube para marinig n'yo kung hindi n'yo pa napapakinggan. At makita n'yo na rin kung sino si Vincent Daffalong kung hindi n'yo pa siya namamasdan.

Bale novelty version siya ng Funky Town song ng Lipps Inc. nuong 1980's  :

MAHIWAGANG NUNAL
VINCENT DAFFALONG

Kayo ba’y naniniwala sa mga kasabihan
Na ang bawat nunal ay may kanya kanyang katangian
Kaya’t kung mag-aasawa kayo, nunal ay pagmasdan
Talking about, talking about, talking about mga nunal
Mga nunal. Mga nunal. Mga nunal

Wag kang magtataka kung ano itong nunal
Hindi n'yo ba alam na ito’y mahalaga
Ayon sa ating ninuno, ito’y palad ng buhay
Na makikita n'yo sa ibat ibang uri

May nunal na pula, nunal na buhay
May nunal na lumalaki at may nunal na may buhok!
At kung kayo’y walang nunal, kayo ay abnormal
Itong mahiwagang nunal ay aking isasalaysay


Nunal sa ulo, mautak raw
Nunal sa batok, takaw-tulog
Nunal sa labi, tsismosa daw
Nunal sa ilong, dapang ilong
Nunal sa tenga, tengang daga
Nunal sa kuko, kuko’y patay
Nunal sa siko, ay komang raw
Sa kili kili, tokpung araw

Oy! ay may nunal ka sa dibdib ha
Naku tatawa tawa ka d'yan, day!
Meron ka rin sa leeg eh
Wow pare! Ikaw rin!


Nunal sa dila daldalera
At sa balakang, sexy dancer
Nunal sa iyong leeg, chikinini
Nunal sa braso, bakuna raw
Sa iyong dibdib, hikain raw
Nunal sa finger, hayukin raw
Sa talampakan, pala-alis
Patay na nunal, hindi buhay


Ngayon alam n'yo na ang katangian ng mga nunal
Kayo nang bahalang tumingin ng iyong nunal
Kaya kung mag aasawa kayo’y nunal ay pagmasdan
Talking about, talking about, talking about mga nunal
One little two, little three, little four nunal
One little two, little three, little four nunal...




Oh di ba sumayaw ka rin ha ha ha.

Now you know !

2 comments:

  1. hahahahaha. andami kong tawa.

    muntik na ko mapabuga sa "nung minsang naghubad ako" tapos biglang banat ka ng "oo minsan lang ako maghubad" hahaha pasaway!

    ReplyDelete
  2. hahaha lahat ng tao may nunal.

    ReplyDelete