TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 18, 2012

KONY 2012

Naging viral hit sa Youtube ang short film na KONY 2012 nito lang Marso ng taong ito .

Halos lumagpas na sa 90 million ang kabuuang hits nito as of this month of April.

Ang sabi nga ay ito daw ang pinakamabilis na kumalat na  video na sa loob lamang ng isang buwan ay pumalo na sa milyon ang nag-view.

Kaya naman siyemps naging curious as a cat din ang lolah n'yo.

Kaya kahit na medyo may pagkahaba baba doo ang pelikula ( kulang-kulang kalahating oras ) ay aking pinagtiyagaan pa ring panuorin.

Tungkol pala ito sa isang grupo sa bansang Uganda na kung tawagin ay LRA o Lord Resistance Army na pinamumunuan ng isang nagngangalang Joseph Kony .

Diumano , at least ayon sa pelikula , ay nagre-recruit ng mga bata ang nasabing lider ng grupo at ginagawa silang mga combatant o  sundalo upang gawing panlaban sa giyerang may kaugnayan sa kanilang mga prinsipyong ipinaglalaban .

Diumano ay marami na ang namamatay sa mga batang ito na kanilang binibihag, sinasanay , ginagamit at pinipilit na sumali sa armadong pakikipaglaban para sa kanilang makasariling layunin.

Ang layunin ng maiksing pelikulang ito ay upang ipabatid sa buong mundo ang kamalasaduhang ginagawa ni Joseph Kony laban  sa mga batang nasa Africa partikular sa Uganda.

Public awareness ikanga to create  sympathy and support para sa nasabing kawawang mga bata.

At sa gayunding paraan ay hinihikayat ng nasabing pelikula ang gobyerno ng Amerika na makialam sa suliraning ito na nagaganap sa kontinente ng Africa .

At hindi naman nabigo ang mga nasa likod ng pelikulang ito dahil naka-create nga ng malakihang public awareness ang nasabing pelikula dahil halos lahat na yata  ng tao ay napanuod na ito sa internet . At sinuportahan na rin  ng mga sikat at kilalang personalidad katulad nila Rihanna , Nicki Minaj  , Taylor Swift , Bill Gates , Kim Kardashian at marami pang iba .

Ang sinasabing nagpasimula at nag-dokumento ng nasabing pelikula ay si Jason Russell na lider naman ng grupong Invisible Children Incorporation  , isang evangelical Christian group na base sa Amerika .

Ito diumano ang mission ni Jason Russell. Ang sagipin ang mga bata sa Africa mula sa armadong pakikibaka.

Subalit kamakailan din lamang ay nabalot sa kontrobersya at kahihiyan  ang pagkatao nitong si Jason Russell dahil sa isang insidente ng public scandal.

Nito lamang buwan ng Marso ay hinuli at ikinulong itong si Jason Russell dahil sa public scandal na ginawa sa kanilang lugar : ang diumano ay pagma-masturbate in public view at gayundin ang paglalasing .

Kaya naman binatikos at nilalait naman ngayon ang nasabing filmmaker dahil sa nasabing negative actuations nito sa gitna pa naman ng isang kontrobersyal na misyon.

Oh well , paano mo ngayon mapapaniwala sa iyong cause ang mga nakapanuod ng nasabing video kung ganiyang ikaw mismong gumawa nito ay tila ba hindi pantay ang utak sa tuktok ng ulo.

Ang sabi nga ay walk your talk !

Paano mo ngayon mahihikayat ang samabayanan na suportahan ang iyong adhikain kung ganiyan kanegatibo ang mababalitaan tungkol sa iyo.

Hmmmm. At ang latest na  tsika pa ay hindi naman daw tutoong misyon ni Jason Russell na tulungan ang mga kawawang batang ito sa Uganda at Africa kundi ang nais lamang daw niya ay sumikat at makilala  sa pamamagitan ng media mileage na makukuha sa pagpapalabas ng ganitong uri ng viral video na ito .

Dahil malakas nga namang humatak ng simpatiya at suporta ang mga ganitong uri ng palabas na tungkol sa mga hindi makataong gawain lalo na at laban sa mga bata.

Ang katotohanan daw ay matagal na umanong nahinto ang ganitong gawain ni Joseph Kony sa Africa at sa katunayan ay nagtatago na lamang ito sa mga liblib na lugar sa bansang Uganda .

Hmmmm , which is which ba talaga kuya ?

Puro na lang ba  talaga scam ang umiikot sa mundo ?

At any rate , kung hindi mo pa napapanuod ang nasabing video dahil kung saan saang planeta ka pa naglalamyerda , heto ang video at  panuorin mo dito :

1 comment:

  1. Kaloka 'yung Kony issue pero mas nakakaloka ang masturbation in public. YAY!

    ReplyDelete